M
E
N
U

Ala-ala Ng Nakaraan: 12

Posted in
Confession: True Story, Tagalog · Categories: First Time, Romance · Tags:
Date: August 7, 2020 (1 month ago)


Good day sa lahat ng mga pumapasyal rito.. At sa lahat ng mga nagtiyagang magbasa, maraming salamat. Pasensya kung medyo mapahaba at parang kwento tong huling bahagi ng confession.

So tulad ng mga nauna kong naibahagi, 2013 bago ako umuwi ay may mga naka-usap ako.. Si Helga, si Iya.. at itong pang huli yung taong di ko ini-expect na tatawagan. Mga ilang araw na rin ang nagdaan ng sumulat ako kay Jill at may mga times na naiisip ko ulet siya.

Tanda ko, lunch break noon, pahinga mula sa pagkababad sa trabaho. Marami kami noon sa opisina, at kanya-kanyang naka pikit at pilit umiidlip. Ako.., ayun, nakikinig ng music.. Dan Hill yung tumugtog

Can I touch you?
I can't believe that you are real
How did I ever find you?
You are the dream that saved my life
You are the reason I survived
Baby

Putek kahit kanta emo.

Konting background info, tulad ng nasabi ko na dati, 19 ako ng makilala ko si Jill.Siya naman noon ay 17 at buntis. Bata pa lang siya ng maghiwalay ang mga magulang niya, at may mga kanya-kanya na ring iyong pamilya. Pero sa papa niya pinili sumama.

Isang araw nag away daw sila ng Papa niya, pumunta sa isang ka tropa naglayas. Uminom sila, naglabas siya lahat ng mga hinanakit, at yun may nangyari. Nung nalaman niya na nabuntis siya mas dumami ang problema dahil di naman niya talaga kasintahan yung lalaki. Umalis siya sa Probinysa (isla) nila at pumunta siya sa Probinsya (isla) ng nanay niya. Tumakas sa lahat ng sakit ng ulo na hinaharap niya.

Ako nung mga panahong iyon may mga iilan ding galit sa mundo sa naging takbo ng buhay ko. Tatay ko may ibang pamilya, nanay ko may kasintahang foreigner. Galit sa mundo kasi sobrang ayaw ko sa mga nangyayari, at ayaw ko rin sa tulong na natatanggap pero linulunok ko lang din kase di ko pa kayang tumayo sa sarili kong paa.

Isang hapon nun, namingwit kami ng kaibigan ko, pero sa totoo andoon lang sa dagat para pagmasdan ang payapang nandoroon. Umuwi kami na walang nakuha, pero medyo magaan ang kalooban. Naubos yung baon naming tubig nun at dumaan kami sa isang maliit na bahay para maki-inom. Magiliw naman kaming pinakitunguhan nung nagbukas sa amin.

"Nay, magandang hapon. Pwede pong maki-inom?" sabi namin sa babaeng nagbukas ng pinto.

"Saan ba kayo galing?" usisa ng nagbukas sa amin.

"Ahh diyan lang, nagpalipas po ng oras. naubos ho yung baon naming tubig"

"Ay sus, maliit na bagay. Jill dala ka nga ng tubig rito, at dalawang baso"

"Nako salamat po Nay, pasensya po sa abala" sabi ko dun sa may bahay.

"Eto oh." sabi ni Jill

Mababaw pero sa totoo, unang kita ko pa lang pero.. putek.. alam lahat ng kabataan yung medyo parang bumagal ang ikot ng mundo. Iilang segundo ring napako ang tingin ko sa kanya. Maganda si Jill at nacute.tan talaga ako sa ilong niya.

Dali-dali kong ininom ang binigay sa akin.

"Salamat ha.. "

"Nahh, walang salamat-salamat.. Bumalik kayo at magdala ng tinapay para patas tayo. Hehehe" nakangiting sabi nung Nanay

"Ay sa akin gusto ko hotcake. Hihihi" sabi ni Jill

Tawanan.

"Yun lang pala.. Walang problema. Sige po nay, isang araw dadaan ulet kami rito. Salamat ho at pasensya sa abala" pagpapaalam ng kasama ko

"Ahh.. Miss pwede humingi pa ng isa.." nakangiti kong sambit kay Jill

"Kahit dalawa, walang problema." ngiti niyang bigay ng tubig.

"Salamat ha. Balik na lang kami kung makadaan dito ulet"

"Sure"

2 days after nun, pinasyalan ulet ako ng kaibigan ko.

"Nik.. fishing tayo"

Nag-isip at tinignan kaibigan ko. Nailing ako ng mahina

"Sige.. sige.. pero wag tayong mga tagal kasi may mga kailangan ako tapusin"

Umuwi kami ng mga 4 PM

"Pre, bili tato ng tinapay"

"Ha? Ala akong dalang pera" sagot ko

"Akong bahala. Tapos daan tayo doon sa nahingan natin ng tubig, pasalamat tayo."

"Hotcake, baka gusto mo bumili rin."

"Ay .. Oo ano."

Putek. Alams na

So bumalik kami doon at maayos naman kaming pinakitunguhan. Kwentuhan. At doon namin nalaman ng kaibigan ko na buntis pala si Jill. Inobserbahan ko yung kaibigan ko nung malaman ang kwento at kita nga sa mata niya ang disappointment. Ewan pero for some strange reason naka relate ako sa buhay niya.

"Nga pala daan kayo dito next week, may kaunting salo-salo. Pa birthday at pasalamat na nauwi si Jill dito" aya ng Nanay.

"Tignan na lang.." sabi ng kaibigan ko

"Susubukan ko Nay.. " sagot ko naman.

Birthday party

Dumating ako dun, pero di ko kasama kaibigan ko.

"Asan yung bestfriend mo?" bati ni Jill

"Susunod daw siya"

"Lika, samahan kita kumuha ng pagkain, anong gusto mo? Merong spag"

"Ayon.. Spaghetti tapos pahingi ng ketchup"

Natawa siya. Napanood na daw niya sa pelikula yun. E ano magagawa eh gusto ko ng ketchup sa spag. At dahil wala akong kasama, di ako iniwan ni Jill sa kaunti nilang salo-salo. Nagkausap kami ng maayos. Tawanan. Share ng buhay. Bago ako umuwi, kinuha ko kamay niya at sinubukang hawakan. Di naman niya tumanggi ng ginawa ko iyon.

Naging medyo madalas ang pag bisita ko dun sa kaila, na ako na lang mag-isa. Maka lipas ng isang buwan.

"Kung hinde mo talaga gusto yung naka buntis sa iyo, walang problema, ako nang bahala sa inyo ng baby mo pero sa tamang panahon."

"Baka nabibigla ka lang"

"Di naman ako magtitiyaga bumalik rito kung di kita gusto"

"Baka kutyain ka ng ibang tao"

"Wala akong pake sa ibang tao, maliban sa iyo. Sa inyo"

Tumitig ako sa kanya. Tinitigan niya rin ako. Sinusukat kung gaano ka seryoso. Pinatong ko noo ko sa noo niya.

"I love you Jill"

Yun lang at si Jill mismo ang humalik sa akin. Buong suyo at madamdamin.

"I love you Nik"

Sa mga umabot na rito, pasensiya kung medyo nakakasuka yata, pero ala eh.

Naging kami ni Jill at sa kauna-unahang panahon parang naging tama ang takbo ng buhay ko.

Isang araw, bumisita ako kina Jill. Mga isang buwan na kami sa relasyon namin.

"Nay, si Jill po?"

"Nik, pasok .. usap tayo.. Maupo ka"

"Bakit ho?"

"Umalis siya kahapon. Dumating dito yung naka buntis sa kanya 2 days ago. Nagka usap sila. Buong gabi yun umiiyak kase ayaw niya talaga. Kahapon nagka-usap kami, ayun umiiyak pa rin. Susubukan daw niya bigyan ng pamilyan...

About the Author :

N

Joined: June 15, 2020 (3 months old)
Writings: 12
Male  ·  Offline
Signature Text:
To the wound that never heals. Cheers
3  ·  7  ·  4  ·  924
 · 

Comments
metanoia.antoine
August 7, 2020 (1 month ago)

All's well that ends well.

Congrats otor!

Confessed Sex-Addict, Clinically-Diagnosed Bipolar, Recovering Voyeur, Frotteur, Paraphillic, & Maniac. Into promiscuities of all sorts. . . . .

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
N
Nik00
August 8, 2020 (1 month ago)

Salamat sir

To the wound that never heals. Cheers

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
O
otkep
August 8, 2020 (1 month ago)

hmmn iniwan nyo ba ang inyong mga asawa at nag-sama na lang?

thanks for sharing.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
N
Nik00
August 8, 2020 (1 month ago)

Salamat din sa matiyagang pagbasa.

Sa tanong: hinde

To the wound that never heals. Cheers

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
O
otkep
August 8, 2020 (1 month ago)

good choice.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
KubiMaru
August 9, 2020 (1 month ago)

Umabot ako sir.
Iba tlga pag mahal mo yung tao ano?

Libog is the Key:-)

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
N
Nik00
August 10, 2020 (1 month ago)

Yeah  :)

To the wound that never heals. Cheers

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Recent Comments