M
E
N
U

Ala-ala Ng Nakaraan: 03

Posted in
Confession: True Story, Tagalog · Categories: Romance · Tags:
Date: June 18, 2020 (17 days ago)


Good day po sa mga nagbabasa. Hope nasa mabuti kayong kalagayan.

Sisimulan ko sa paghingi ng paumanhin, dahil ang susunod na ibabahagi ko ay walang sex na nangyari.

Alam ko na kalimitan ng mga ibinabahagi ay sex, o erotic stories pero itong susunod ay isang sa mga ala-ala na masarap gunitain.

Ang sumunod ko'ng na meet ay tawagin nating Cola. 2006 na, ng ito ay mangyari.

Matapos ang meet-up ko kay Bona, sabi ko ayoko na. Ika nga sa isang linya ng napanood ko, "the juice is not worth the squeeze". Nawalan din ako ng gana sa MIRC kase parang shallow kalimitan ang conversation. Pero something came up.

Nagboboard lang ako malapit sa pinag-tratrabahuan ko. 4 kami sa apartment. Nung araw na iyon, nakiusap yung ka boardmate ko na kung pupwede late na akong umuwi para masolo nila ng sandali ng GF niya yung apartment. Yung dalawang kasama ko ay night shift, kaya walang problema sa kanila.

"Ganun ba pre?", sabi ko sa kanya.

"Ngayon lang pards"

"Kung may gagawin kayo, alang problema, manonood lang ako pero di ako sasali"

"Hahaha. Gago"

"Ok.. Sige, sige.. walang problema pre. Pero pre, 12MN uwi na ako rito"

"Fire.. Salamat Nik"

So yun, as usual. Bago natapos ang araw may nakausap ako si Cola. Ayos at matino kausap. We talked about life in general, yung mga whatis, and whatnot.

Bago natapos ang shift ko, humirit na ako.

"Gusto mo tambay tayo later?", tanong ko sa kanya.

"Sigurado ka?"

"Oo naman. Kung trip mo lang."

"Ei ano naman gagawin natin?"

"Chill lag.. One bottle, pwede rin billiards, hanap ng liveband.. Wala ring problema kung punta tayo sa malamig na lugar.. Ikaw?"

Ilang minuto rin bago sumagot.

"Kain, tapos tambay lang. Sorry, hinde ako pwede ngayon yung sa malamig na lugar"

"Hey, I understand, ..di naman requirement yang last", sabi ko sa kanya.

"Kung sex, ala namang problema.. Pero,.. Basta"

Di ko na pina elaborate sa kanya.

"Ganito na lang, kain tayo tapos, kung trip mo ikaw na mag-aya.. :)"

"Ngekss. Gago"

Putek, dalawang beses na ako nasabihan ng gago ha.. Hehehehe. Tingin ko gago talaga ako. Di ko na sinundutan kase, iba naman talaga yung habol ko that time.

"So 8:00 pm?", suhestiyon ko kay Cola

"Ok. Pero pag di ako dumating pwede hintay ka until 9?"

"Sure"

Bago ako lumabas ng office, hinanap ko si Mandirigma.

"Pre, anong number ng jeep na papunta doon sa may siomai.yan?"

"Saan? Sa Atis?"

Ms MLC wag ka tumawa

"Anong gagawin mo dun?" tuloy na pagtatanong ni Mandirigma.

"Pupunta ako sa kapatid ko"

"Bat di ka sa kapatid mo nag tanong?" sabay tawa.

"Hehehe. Di daw niya alam mula rito papunta duon" sagot ko kay Mandirigma

"Galeengg.. sakay ka ng 00-00.. Basta pre, suhestiyon lang, magbaon ka ng dishwashing yung with kalamansi, ... kung sakali"

"Hahahaha.. Copy pre"

8:00 PM
"Hi, Nik here. Nandito lang ako sa may area. Message lang kung tutuloy ka", message ko kay Cola

9:00PM
Wala pa rin akong reply na natanggap. Eto na nga ba sinasabi ko.. Ang layo pa ng alas-dose. Tumambay ako sa isang bilyaran nun. Timing may TV, so may pamatay oras.

"Anong oras po kayo nagsasara mam?" tanong ko sa isang tao roon.

"Mga 11 sir, pag wala ng gaanong tao"

10:00 PM
Namanhid na puwet ko sa pag-upo at kakahintay. Nagsimula akong mag lakad papunta sa sakayan. Mga ilang minuto, may natanggap ako na text.

"Saan ka na ngayon? Sorry ha, di ako naka alis" text galing kay Cola.

"No probs. Eto naglalakad pauwi, malapit na ako sa sakayan"

"I see. Sorry ha. Kung makakahintay ka ng mga 15 mins, I'll meet you"

Nagdalawang isip ako. Plano ko umuwi, hanap ng internet cafe sa malapit sa amin at dun magpalipas ng oras.

"Sure ka? Hinde ba delikado na para sa 'yo lumabas?" ma diplomasya ko'ng sagot.

"Hinde naman"

"Ok.. pero libre mo ako ng noodles :)"

Biro ko lang yung noodles

"Sure"

Mga 15 mins later, may natanggap akong tawag

"Hi, Nandito na ako"

Lumingon ako, at nakita ko may kumaway. Ano kaya naman ngayon ang itsura nito.

"Hi" iniabot ko kamay ko,

"Hi", tipid naman niyang ngiti sabay abot ng kamay.

Medyo napatango ako. Maganda si Cola. Pag ina-alala ko mukha niya, mukha ni Ellen Adarna talaga pumapasok sa isip ko.

Mga 5'4" ang height, tingin ko mga 18 lang sya. Ang porma, naka maong na jacket, may malaking hikaw na ring (kasing laki ng 5 peso coin dati). Naka jeans, hanggang balikat ang bukok, mabango, fit at well proportion ang katawan (in short, sexy). At ano kaya ini-isip neto na pangit ang naka meet nya.?

Unang pagkakataon yun na maka inter-act ako na ganun ka ganda. Medyo nahirapan ako iproseso.. What's the catch?

Tinitigan ko ng ilang sandali ang mata ni Cola. Nagbaka sakaling mab...

About the Author :

N

Joined: June 15, 2020 (20 days old)
Writings: 7
Male  ·  Offline
Signature Text:
To the wound that never heals. Cheers
2  ·  7  ·  0  ·  1,015
 · 

Comments
G
gianbruce
June 18, 2020 (17 days ago)

I met someone like her din bro. Damn, instead na malibugan ka talaga maaawa ka.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
N
Nik00
June 20, 2020 (15 days ago)

Totoo brad.. and for a moment malinis talaga yung intention mo

To the wound that never heals. Cheers

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
DadiNoli
June 18, 2020 (17 days ago)

kamalas naman at nahulog ung cp mo sa tricycle! alam na this ang susunod na kabanata?! hahaha

carpe diem! make that moment count!

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
N
Nik00
June 20, 2020 (15 days ago)

hahaha.. yun nga.  pero sige lang, tuloy lang ang buhay.. salamat sa pag basa brad

To the wound that never heals. Cheers

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
MidLifeCrisis
June 20, 2020 (15 days ago)

Haahhaahahahahahahaha! Ka buang! As in. 🤣🤣🤣 Basa sa ko balik 🤣🤣🤣

And.I.Care.Not.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
MidLifeCrisis
June 20, 2020 (15 days ago)

Nyay! Love story na ba next nito? :D

Literal na nibahakhak jud ko pagkabasa nako sa "wag ka tumawa" :D Last time we went there, naa lami nga halo-halo-an. And every time mouli ko didto, magda jud tawn ko'g siomai igbalik diri.

Nexttttt :)

And.I.Care.Not.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
N
Nik00
June 22, 2020 (14 days ago)

Thanks for taking time to read..

Kabuang lagi

To the wound that never heals. Cheers

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Recent Comments