The End Of Days

Posted in
Confession: True Story, Taglish · Categories: Romance · Tags:
Date: November 14, 2019 (1 month ago)


Heto na nga ang paglalahad.

Na sira ko ang buhay ng babaemg lubos na nag mahal sa akin. Ang binigay halos ang buong pagkatao nya para lamang ako ay maging maayos at gumaling.

Subalit imbes na suklian ito ng tama, naging parang linta ako na dahang dahang inubos ang kanyang pagmamahal, lakas, pasesnya at buhay.

Nag patong patong ang mga mali. 13 years nya na hinintay na maayos ko. Ilang pangako ang napako. Gagalaw pang kapag nagalit sya. Maayos ng sandali, pero once naging ok na at komportable uli, babalik at babalik na ang dating mgabugali. Dakilang ningas kugon.

Hanggang sa umabot na sa isa na lamang na pagkakamali.

Ang pagmamahal, ay napalitan na ngayon.She hates me, she now really hates me.

Kita sa kanyang mga mata na hindi na galit ang meron kung di poot at pagka muhi. Wala na ang liwanag.

Di ko sya masisis at ako talaga ang nag dulot nito. Sa mga panahong kelangan nya ko madalas wala akong binibigay. Ang panahong sya ay napapagod na, inaatake ng anxiety and doubt, may dinadamdaman, ang tinapat ko ay katamaran, pag distansya at katahimikan.

Naka ilang ulit na disappointment mula sa akin.

Gaya ng sabi sa kantang "Halik":

Magaling lang ako sa umpisa

Umasa ka pa saakin

Mga pangakong nauwi lang sa wala

Nasayang lang ang iyong pagtitiyaga

Wala ka nga pala

At puro lang ako salita

Di ko na alam kung may bawi pa ba sa pagkakataon na to.

Bakit di ko maayos talaga? Kung mahal ko din sya bakit ang hirap at di ko magawa?

Kasi sira ako. Matagal ng sira. Basag ang pagka tao dulot ng kakulangan.

Nasabi ko na dati sa lobby na may mental/psychological issues ako. Takot akong harapin ang realidad at mga tungkulin.

Na buo ang mga persona as defense mechanism para di tuluyang mabaliw. Natutong mabuhay sa loob ng sariling ulo. Kasi dun na lamang nakakahanap ng release at comfort.

Dahil din dyan, na realize ko na I still hate myself. I've never really stopped hating myself. Kayabsiguro di ko magawang mag mahal ng buong puso. Paano ka nga naman makapagmamahal ng iba kung sarili mo di mo magawang mahalin.

Kaya, tumatakas sa realidad. Ayaw harapin ang mga katotohanan na to. Naglilibang, umiiwas kasi mas mahirap, mas masakit ang haharapin.

Kaya isa na din tong pag paalam. Kelangan ko nang bitiwan ang pag tago.

May nagtanong kung na di-distract ba ako ng fss. Bakit kelangan umalis?

Ang sagot ay hindi naman ang fss talaga ang dahilan. Venue lang naman sya. At di lang fss ang inikutan sa cyber/virtual word na naging takbuhan.

Ang problema ay ang pagtakas.

Dahil ayaw harapin ang sarili. Dahil ayaw mag effort kasi takot mag fail. Dahil mas madali ang mahing komportable. At gaya nga ng sabi ko nung una, once nahing komportable, bumabalik lang sa dating mga ugali.

Naging kadena na ang pagtakas. Imbes na maging relief valve lang, outlet para sa mga di mailabas sa totoong mundo. Parang droga/yosi/ano pa mang bisyo na hinahanap ang para makaranas ng panandalian comfort.

Kaya paalam. Kelangan bumitiw. Kelangan buohin ang basag na pagkatao.

Ewan ko kung magagawa pa nito na masalba ang marriage namin. Pero ang sigurado ko ay kelangan kong gawin na to.

Para kahit ano pa ang kahantungan, makaka move forward na may natutunan at maging mas mabuting tao.

Kaya paalam uli. Pag dasal, wish or kung ano man ang paniniwala nyo na sana ma salba pa.

Or kahit man lang magawa nya na mapatawad ako balang araw.

Kaya the end of days na to dito sa fss. Di ko alam kung ano pa ba ang mangyayari sa mga sunod na araw. Ang sigurado ko ay pagtapos ng linggo na...

About the Author :

Author info not found!
3  ·  8  ·  4  ·  1,196
 · 

Comments
C
carlo88
November 14, 2019 (29 days ago)

kaya mo yan. harapin mo muna sarili. sa salamin. itanong kung ano ba tlga gusto mo. isulat mo isa isa lahat ng gusto mo at isulat din ang solution. isulat din ang sa palagay mo na nagpapahinto syo na makamit mo iyon. tagalog na tagalog. sorry. basta make a list then lagyan mo ng mga solution every problem. fix your self image man. kaya mo yan. believe in urself first. at patawarin mo din ang sarili mo at move on. take action sa mga goals mo pa sa buhay. lahat nagkakamali pero dapat bumangon. bumangon na may lakas loob tibay at tatag. doon tayo sa future na masaya at di yun nakagapos sa nakaraan na parang wala na tayong ka pag a pag asa. relax din with ur trusted friends. or friend lang. ayusin mo. start in fresh mode. may reset button ang mga computer. ang tao din meron. patawarin mo sarili mo at magtiwala ka na kayang kaya mo magbago. motivate mo sarili mo.  buy motivational books. basahin mo books ni norman vincent peale. old sya pero very good and spiritual. self image is the key.tc

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Rinkushi
November 15, 2019 (29 days ago)

Sana magawa niya yung mga kailangan niyang gawin para sa kanyang sarili. Yes, mahirap talaga umalis sa comfort zone pero hindi lahat ng nasa loob ng comfort zone natin ay nakakabuti sa atin. He knows everything and even acknowledges that everything is true. All that is left is the work so....godspeed, Rider of Rohan.

Left to enter Right

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
DadiNoli
November 15, 2019 (28 days ago)

you will be missed, brad...

carpe diem! make that moment count!

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Macey
November 17, 2019 (27 days ago)

Ma mmiss k ng tropa.. ingat lagi! Kaya mo yan. Dto kmi if need mu kausap, alam mu san mu kmi makkita... godbless laban lng! 🙏

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Lonelymhi
November 17, 2019 (27 days ago)

Sorry na busy lang Yot...pero wish ko na maayos mo lahat...sana all...alam paano lalabas sa sa tunay na mundo....sana all.... goodluck and we will miss you.....

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Marie25
November 17, 2019 (27 days ago)

Goodlock fren sana maayos nyo mag asawa yan, tnx kasi u consider me us 1 of ur fren, talagang nag antay kapa samin para mag paalam lang, pray lang freb kaya pa yan basta hwag ka lang mangako kundi gawin mu talaga, pray lang kaya ko eh help Sau, ingat kau fren

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
PIMP_01
November 18, 2019 (26 days ago)

Balik ka bro pag ok ka na, eto second home mo. Marami makakamiss sayo. Yung pagiging kwela mo sa lobby, mga pag bati mo sa lahat ng lumalabas, malaking pasasalamat yun para sa kanila, kahit isang simpleng 😁👋🏻...
Hope maayos yan..

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Aphrodite101
November 26, 2019 (18 days ago)

I hope maayos yan brad. Mamimiss ka namin. Pray pagbalik mo baon mo ang magandang balita. See ya around kuya brad. And Good luck God bless.

The best eraser in the world is a good night's sleep. ~ OA Battista

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
Recent Comments