Ang Una't Huling Pagkikita...(The Flight)

Posted in
Confession: True Story, Tagalog · Categories: Romance · Tags: ,
Date: June 23, 2019 (29 days ago)


First of all, hindi po ito isang erotic story kaya dito ko nalang naisipang ilagay sa confessions. Dito ko rin unang ikukwento ang karanasang ito sa aking buhay na ako lang ang tanging nakaka-alam. Sa totoo lang, andun parin yung kaba, the pain and the sadness habang sinusulat ko ito. Naaalala ko pa ng malinaw ang ibang detalye pero di ko na maalala kung kailan eksaktong nangyari 'to, pero totoong karanasan ko ito. Pls feel free to comment your opinion coz I need it, and if meron man same na naka-experience na ng ganito, pls comment lang po. Pls read, 'til the end. Enjoy...

College days, medyo depressed sa paggawa ng class reports, Police Report Writings, Projects, Crime Scenes Re-enactments, Reviews, Finger Print Identification, and marami pang iba. Hirap maging Criminology Student!

Lunes ng umaga nanaman, puyat sa pagrereview pero kailangan gumising ng alas quatro para mag review ulit para sa first trime exam. Hindi ko narinig ang alarm ko sa phone pero bumangon na ako, di ko na na-check dahil kailangan magbasa kaagad. Kailangan magpasada ng pagbabasa sa apat na major subjects at dalawang minor, pero bakit ganon? Nag-uumpisa palang pero nanlalabo ang mga letra at wala na akong maintindihan? Di ko alam ang nangyayari pero tinigilan ko na. Maghahanda na akong pumasok.

Pagkatapos maligo, nagsuot ng unipormeng napaka-angas tingnan na parang driver daw ng LRT dahil sa kulay, at sapatos na makintab ang pagka-itim na kung tawagin ay "charole shoes" (di ko alam kung tama spelling), lumabas na ako ng bahay, medyo madilim pa. Naisip ko, sasabak nanaman ako sa giyera ng walang dalang bala dahil di ako gaano nakapag-review ng maayos kaninang madaling araw. Kumbaga, sundot-review sana.

Nag-aabang ako ng masasakyan, nang may babae na papalapit sa akin, mula sa limang hakbang na distansya ko sakanya, nakita ko ang detalye ng mukha nya. Maputing babae, medyo singkit ang mga mata, matangos ang ilong, at mahaba ang nakatali nitong buhok. Ang ganda tingnan sakanya ng kanyang salamin, malabo ata ang mata nito. Tancha ko, nasa 5'3" sya. Tumigil sya sa harap ko kaya nag-iwas ako ng tingin, pero ako yata ang sadya nya. Tinanong nya ako, "kuya, baka pwede nyo ako tulungan papuntang Airport? Medyo mabigat kasi", gusto ko tumanggi dahil may exam ako, pero langya, bihira mangyari sa buhay ko 'to!

Nung narinig ko ang boses nyang medyo matinis at di kagandahan, (na kapag kumanta siguro 'to, masakit sa tenga) ay napa-"oo" nalang ako, at nakita ko sa kanyang kaliwang banda ang dala nyang maletang de-gulong, sabay tanong ko, "di mo ba alam papuntang airport mam?" ayoko sabihin na pwede ko sya isakay nalang sa taxi, dahil may ibang kalokohan na nabuo sa isip ko, nag desisyon ako! HINDI AKO PAPASOK!

Gusto ko sya samahan, bahala na. Mag-special exam nalang siguro ako. Gusto ko sya isama kung paano yung alam ko na way papuntang airport bukod sa pagsakay ng taxi, kaya sabi ko, "sige mam, samahan kita, akina maleta mo." inabot nya sakin, nahawakan ko ang likod ng palad nyang medyo malamig, ang kinis, ang lambot. Napangiti ako pero composed parin ako. Naglakad kami, tumawid muli sa kabilang kalsada. Nagsalita sya, "ako na bahala sa pamasahe natin, wag ka mag-alala." sige nalang ang nasagot ko, kase magkano lang rin naman ang pera ko 'non.

Pumara kami ng jeep, pinauna ko syang sumakay. Maluwag ang jeep pero dikit sya sa akin na umupo. Habang nakatanaw sa labas ng bintana ng jeep, narinig ko sya nagsalita, "salamat ha." napalingon ako, naabutan ko syang nakangiti. Parang gusto kong matunaw. Ganito ba ako kabilis tamaan sa isang babae na kanina ko lang nakilala? Langya, di ko maisip na worth it pala ang pag-absent ko sa mismong araw ng exam ko.

Palit transpo, baba ng jeep, inuna ko ibaba ang maleta, sabay alalay sakanya pagbaba. Muli, nahawakan ko nanaman ang kamay nya. Nakangiti sya habang humahakbang pababa, grabe, para akong may kasamang anghel na nakasalamin.

Di naman kami nahirapan makasakay ng bus, rush hour pero nagtataka ako, bakit kami lang ang laman ng bus? Ok na 'to, parang naka-private bus kami, sa isip-isip ko. Pinauna ko sya, sa bandang gitna kami pumwesto, sa pang-tatluhan na upuan dahil sa dala naming maleta. Nasa kalapit sya ng bintana, ako naman ay nasa gitnang upuan, ang maleta ay nasa tabi ko sa kanan. Maliwanag na ang kalangitan, lalo ko nakita ang kagandahan nya. Ang sarap titigan! Nagsalita sya, "Tintin nga pala." sabay abot ng kamay nya sakin habang nakangiti nanaman ng pamatay. "Ken po ate." habang hawak ang kamay nya. "pasensya na, basa kamay ko sa pawis, nakakahiya." sabay bawi ng kamay ko. Walang arteng kinuha nya ulit ang kamay ko, nakatingin dito habang pinupunasan ng sarili nyang panyo, nagulat ako. Nagsalita sya, "ano ka ba? Wala yan." sa isip ko, ano Tintin, maiinlab na ba ako?

Hindi ko na nagawang bawiin ang kamay ko, dahil hinawakan na nya ito na parang hawak-magkarelasyon, "ok lang ba yan, baka may magalit ha?" pabiro kong sabi, "hahaha wala! Don't worry Ken." sabay pamatay na ngiti nanaman ang ginanti. Tangina, di ko alam, ayoko matapos 'tong sandaling 'to. Yung masasabi mo na kung panaginip lang 'to, ayaw mo nang magising!

Mag-aalas diyes ng umaga, napadaan ang bus sa isang mall, malaki, parang MOA, pero ewan ko. Sabi nya, baba muna tayo. Medyo may tao na pala sa bus, di ko na masyado napansin dahil sa saya. Ok lang kasi may masasakyan naman ulit na bus or taxi papuntang airport sa Pasay. Sige, malling siguro ang trip nito. Nauuna syang naglalakad patungong pintuan ng bus palabas habang hawak nya parin ako sa kaliwang kamay, hila ko naman ang di naman kabigatang maleta nya. Pagkababa namin, "ano oras ba ang flight mo, Tin?" sabi ko, "basta, mamaya pa!" sagot nya. Wow! Sulit 'to! Ayos na ayos!

Ang saya, sobrang saya. Ayoko pakawalan 'tong babae na 'to. Kukunin ko ang totoong pangalan nito mamaya at mahanap sa facebook, cellphone number din. Sure yan! Pero ngayon, mag-eenjoy muna kami. Nagkwentuhan kami, papunta sya ng ibang bansa, di naman nya nabanggit kung saan, laging "basta" ang sinasabi. Puro kami kwentuhan, tawanan, biruan at ikot-ikot sa mall buong maghapon, pero sa ngiti nya lang talaga ako naka-focus madalas. Ngumiti lang sya, parang langit sa pakiramdam! Sulit na sulit yung mga kakornihan ko, benta lagi. Nasabi ko sa sarili, sya na siguro yung babaeng gusto ko makasama, she's more than enough for me. Simpleng babae, masayang kasama at walang arte! Di ko na inisip kung anong oras na dahil sa paglilibang namin. Bahala sya, kung maiwan sya ng flight nya, iuuwi ko nalang 'to sa bahay. Hahaha

Mag-aalas singko ng hapon, nagpunta kami sa overlooking na bahagi ng isang mall para tumambay saglit at panoorin ang pag lubog ng araw kung saan tanaw ang malaking bahagi ng Manila Bay. Sa pagkakatanda ko, pa-triangle amg lugar na yon na may malaking bahagi yung parteng may bermuda grass sa gitna na pwedeng upuan ng mga tao habang nakatanaw sa paglubog ng araw. May mga tao rin sa paligid, mga nagsesenti dahil sa ganda ng paglubog ng araw. Nakasandal sya sa balikat ko, hawak nya kamay ko na para kaming magkarelasyon. Nakatanaw sa malayo, nang bigla kong narinig ang malungkot na tinig nya. "parang ayoko na umalis, dahil sayo." , "pwede naman, tara sa bahay, pakilala kita sa parents ko." sabay tawa sa sarili kong biro, pero hindi sya natawa. Humikbi sya, lumuha... "bakit, anong problema?" sabi ko, "matagal na kitang kilala, matagal na kitang nakikita sa panaginip ko. Gusto kita Ken, matagal na." di na ako naka-imik, gulat at lungkot, sobrang lungkot. "bakit ngayong lang kita nakita? Bakit ngayon lang kita nakilala?" tanong ko, "dahil ngayon ko lang gusto magpakita sayo, ayoko magkaroon ng dahilan para hindi tumuloy sa pag-alis ko." sagot nya. "kailangan mo ba talagang umalis Tin? Ngayong nakilala na kita?" balik ko sakanya, "oo, at ayoko masaktan ka." sabay balik ng ulo nya sa balikat ko ng lumuluha parin.

Nagtataka ako, nalilito at nalulungkot. Bakit ganito? Bakit kailangan kita makilala sa loob lang ng isang araw pero aalis ka rin naman? Sandali lang tayo nagsama pero bakit parang sasabog ang dibdib ko sa sakit? "bakit ka ba kasi aalis?" tanong ko. "di mo kailangan malaman, di ko rin alam kung makikita pa kita, di ko alam. Gusto lang kita makasama at makilala mo ako kahit papano, na kung di na tayo magkikita ulit, ay di mo ako makalimutan, kahit sa panaginip lang." sabi nya habang nakasandal parin sa balikat ko ang ulo nya. Naisip ko, parang ang weird pero ang sakit. Bigla na syang tumayo, hinihila nya ako patayo, pero ayoko tumayo. "sige na, halika na, hatid mo na ako!" dun ko naaninag muli ang ganda nya. Malungkot ang mukha, nakasalamin, napakagandang nilalang. Nakaitim na longsleeves at gray rugged ripped jeans, ang suot nya at naka-Nike na light orange. Di ba, tanda ko pa! Nakalimutan ko ang date pero hinding hindi ko sya malilimutan and the way she dressed that day.

Naluha na rin ako, sa pagkalito at sakit ng nararamdaman, tinulungan ko ang sarili ko upang maitayo nya ako. Pagkatayo ko, agad nya akong niyakap, ang higpit. Ang sarap sa pakiramdam, nakakagaan ng loob. Humalimuyak ang parang amoy ng bulaklak ng sampaguita na mild ang amoy. Niyakap ko rin sya ng mahigpit habang lumuluha. "wag kang umiyak, basta mabuhay ka ng maayos. Magiging masaya ako." lalo ako nasasaktan sa mga binibitawan nyang mga salita na para bang wala na talaga kaming chance na magkita ulit. Kumalas sya sa yakap ko, tinanggal ang salamin, nagpunas ng luha at ngumiti. "tara na, baka mahuli ako." sabi nya habang binabalik ang kanyang salamin sa namumugto na nyang mga mata. Nananatili akong tahimik. Walang salitang gustong kumawala mula sa dibdib kong punong-puno ng sakit. Sumakay kami ng taxi para mabilis, di ko nga maalala kung nakapagbayad pa kami, nakatingin lang ako sakanya buong biyahe. Alas otso ng gabi, nakarating kami sa paliparan. Muli, kakaunti ang mga tao, maluwag ang daanan papasok ng airport, pinigilan ko sya maglakad. "bakit? Gusto mo sumama?" sabi ko, "oo!" sagot nya, "paano ang mga taong nagmamahal sayo? Marami pang mangyayari sa buhay mo Ken, makakatapos ka ng pag-aaral, matutupad mo ang pangarap mo. Lagi lang ako nakatingin sayo kaya wag kang malungkot." muli, isang ngiti ng anghel ang nakita ko sa mukha nya.

Habang nalilito at naguguluhan, nanatili parin akong nakahawak sa braso nya. Sabi nya, "sige na, aalis na ako. Mag-iingat ka lagi." , "ikaw rin, ingat ka sa pupuntahan mo." sabi ko ng pabulong habang unti-unti ko niluwagan ang pagkakahawak ko sa braso nya, at kusa na akong bumitaw. Sa paningin ko, unti-unti rin syang nagliliwanag habang papalayo sya sakin. Shit! Nakalimutan kong tanungin ang buo nyang pangalan! Tinawag ko sya, "Tin!!! Tin!! Tintin!! Anong pangalan mo???" tila ba wala na syang naririnig. Isa pang tawag ang ginawa ko, tinodo ko ang sigaw, "Tintinnnnnn!" lumingon sya ng nakangiti, at yun ang huling sulyap na ginawa nya upang masilayan ko sa huling sandali ang napakagandang ngiti nya bago sya pumasok sa maliwanag na pinto...

Wala na akong nagawa kundi ang umiyak, tumalikod at lumakad. Uuwi na ako. Di ko manlang nalaman ang pangalan nya at cellphone number. Tanging ala-ala ko lang ay ang isnag maputing babae, matangos ang ilong, medyo singkit na mga mata, nakasalamin, medyo matinis at maliit na cute na boses, malambot at makinis na mga kamay at Tintin ang pangalan.

Sa muling pagbulong ko ng pangalan nya ay biglang nag-alarm ang cellphone ko habang ako ay nakatayo sa labas ng paliparan. Sa isip ko, "huh? Di naman ako nag-alarm ng gabi ahh?" di ko pinansin, hanggang sa may tumawag sakin mula sa likod. Hindi boses ni Tintin kundi boses ng nanay ko, "Hooy! Gising na! kanina pa nag-aalarm yang cellphone mo!!!" Nanay ko? Nagmulat ang mga mata ko, alas quatro na ng umaga? Haaah? Seryoso ba yon?

Anong klaseng panaginip yon?

Gumising ako mula sa isa...

About the Author :

Joined: January 7, 2019 (6 months old)
Writings: 5
Send PM  ·  Male  ·  Offline

Suggested writings:

5  ·  6  ·  3  ·  686
 · 

Comments
atkhenz
June 23, 2019 (29 days ago)

ganda ng story sir.Β Β parang ang hirap nyan no? tapos makikita mo sya ulit kapag ikakasal kana pala hahahaha

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
FckdUp04
June 24, 2019 (28 days ago)

Hahaha grabe yon sir. Pero salamat sa pagbasa. πŸ˜ŠπŸ‘

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Bebeko
June 23, 2019 (29 days ago)

Nice story. Good narration. A dream is just a dream but who knows? Thumbs up!

"Freedom is absolutely necessary for the progress in science and the liberal arts." - Baruch Spinoza

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
FckdUp04
June 24, 2019 (28 days ago)

Salamat ng marami Master Bebeko! Salamat sa pagbasa. πŸ˜ŠπŸ‘

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
C
cascamfam
June 23, 2019 (28 days ago)

Parang pinagbigyan yung hiling ni tin na makasama ka ng isang araw. Parang yung kanta lang ni kaye cal na β€œisang araw”.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
FckdUp04
June 24, 2019 (28 days ago)

Oo nga ano, tho di ko alam yung kanta pero paoakinggan ko yan sir. Salamat sa pagbasa. πŸ˜ŠπŸ‘

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
Recent Comments