M
E
N
U

LUCKY NINE

Posted in
Blog: Tagalog · Categories: Non-Erotic · Tags:
Date: August 16, 2023 (1 month ago)


LUCKY NINE

Nagtatrabaho ang magkakaibigang sina Timoy, Egoy, Tonyo at Eyoy sa isang maliit na construction company at ang project nila ay nasa isang probinsya sa Bisaya. Talamak na sugarol ang apat. Araw ng vale nila.

Kasalukuyan silang nagpapahinga matapos kumain ng hapunan.

"Sayang nakumpiska ni foreman ang baraha natin," Si Eyoy ang nagsalita habang pinagmamasdan yung tatlong kasama na naka-upo sa plywood na isinahig nila para gawing tulugan. Inilabas nito ang ilang kulumpon ng tigbi-bente na parte ng kanyang vale sa araw na iyon.

" Pwede naman tayong magsugal kung gusto nyo," Yaya naman ni Timoy.

"Paano?" Halos sabay-sabay na sabi ng tatlo nyang kaibigan.

"Lucky nine tayo sa utot! Paramihan tayo ng utot, ang maka-lucky nine panalo!" Sabi nito na nanlalaki ang butas ng ilong. "Pwede," Naisip ni Egoy. Naka dalawang camote cue siya kanina ng magtinda ng merienda si Aling Tinay. At para ngang nanlalaki ang tiyan nya pakiramdam nya.

Ng-isip naman si Tonyo. Banana cue kasi ang merienda nya kanina. Pero dahil talamak na sugarol, naisip nyang kaya nya ring makarami ng utot eh dalawang araw na siyang hindi na-eebak.

"Ok call ako dyan, dalawang daang piso ang pusta!" Sabi naman ni Tonyo na inilabas ang dalawang daan nya. Inilagay ng apat ang tig-dadalawang dang piso nila sa lapag na kina-uupuan nilang plywood at humanda ng maglaro ng lucky nine sa pamamagitan ng pag-utot.

"Heto ang rules ha," Sabi ni Timoy. "Pagkatapos mong umutot ng ilang beses pwede ka pang humirit ng isang utot pa kung gusto mo pa. Pag ayaw mo ng humirit sabihin mo good na, ok?" Paliwanag nito, na agad namang sinang-ayunan ng tatlo.

"Ako na ang ma-una," sabi ni Tonyo. Magkakaharap silang apat na naka-upo sa plywood na ginawa nilang higaan. Nasa gitna nila ang walong daang piso na...

About the Author :

Teddyray's Profile Picture

Joined: September 1, 2020 (3 years old)
Writings: 69
Male  ·  Offline
Description:
A poet, an engineer, an academician.
A perfect gentleman.
But a total idiot in love.
Signature Text:
To love and be loved.
7  ·  1  ·  0  ·  294
 · 

Comments
Takiyomi's Profile Picture
Takiyomi
August 17, 2023 (1 month ago)

One utot ten! 🀣🀣🀣

I don't need a lot, just a few who truly cares.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Rhythms, Talks β€˜n Conversations
Recent Comments