M
E
N
U

Artikulo Veinte Sais

Posted in
Blog: Tagalog · Categories: Non-Erotic · Tags:
Date: August 7, 2023 (1 month ago)


"A lie can travel halfway around the world before the truth puts on its shoes."

Hindi ko maalala kung si Mark Twain o si Ernest Hemingway ba ang nagsabi nito. Basta, bigla ko na lang siya naalala ngayon. And it got me into thinking. Thus, this blog.

Sa Civil Code ng Pilipinas, kodigo ng panuntunan sa buong bansa, may isang article doon. It's all about respecting other people lang naman. Nakasaad sa batas na ito na "every person shall respect the dignity, personality, privacy and peace of mind of his neighbours and other persons." Please take note of the highlighted word. Respect.

May isa din yata na batas diyan ang Diyos diyan na ibinigay niya kay Moises noong nag backpacking sila sa Jabal Mousa, otherwise known as Mount Sinai. Ninth commandment yata. Pero dahil nasa bibliya ito, ayaw ko na lang i-discuss. Baka masunog pa ako.

Kagaya ng pinapakita na respeto ng ibang tao sa inyo. Kapag sinabi ninyong "secret lang natin ito ah" it remains a secret till the day they die. Sa ROTC/CAT, may isa pa ngang kasabihan di ba? What you see, what you hear, when you leave, leave it here. At malamang sa malamang, ayaw niyo din ng surot na iistorbo sa inyong pagupo sa sofa o paghiga sa inyong kama.

Respects begets respect, sabi nila. Which gets me to thinking - tama ba sila sa sinasabi nilang iyon?

Wala lang. Para lang kasing may mga tao na, for some unknown reason, ayaw na nilang lumigaya ang kanilang kapwa tao. Ayaw na nila sila sumaya. Kailangan, kung ano mang problema pinagdadaanan nila ngayon, kailangan e mas higit pa ang maging problema nila. Maari ding masyado lang akong praning. Masyado lang ako nag-iisip.

Pero bakit nga ba ganoon ang ilang mga tao?

How can anyone be satisfied with devouring a "juicy newsclip" with a side of snacks and some afternoon tea (or coffee, for you caffeine addicts)? At ang siste pa, marami sa kanila ang "mangingisda" pa ng balita para lang may pag-usapan. Tapos ang makukuha nilang isda, ipipirito tapos lalagyan ng kamatis, sibuyas, bawang, vetsin, magicsarap, paminta, patis, asin para voila, instant sarciado na.

Oo nga naman, nothing washes down the guilt feeling of talking about someone other than food in their mouths and a nice cup of beverage. Pero ito lang po ang tanong ko, kung mamarapatin ninyo lang po;

Bakit hindi na lang sila maging masaya para sa isang tao na masaya na?

Alam ko na sasabihin ninyo diyan. Or isasagot ninyo. "Oh, it's harmless talk", "a tension reliever", "a way to bond", "wala lang naman iyon", "narinig ko lang naman" and all of that "good" stuff. Mga sagot na hindi naman sinasagot ang mga katanungan na inialay sa inyo pero it's like a way of you justifying things.

Justifications...

About the Author :

micawber's Profile Picture

Joined: September 12, 2020 (3 years old)
Writings: 29
Male  ·  Offline
Description:
Disclaimer:
The opinions expressed therein are just opinions. Everybody has one. And I highly suggest you keep those to yourself. Teyngks.
6  ·  4  ·  4  ·  320
 · 

Comments
takenG's Profile Picture
takenG
August 7, 2023 (1 month ago)

kulang ka na naman sa kape chii 🤦🏻‍♀️
☕☕☕

don't hold back, let your pen do the talking, and watch your tears turn into poetic walking.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
TwistedSunshine's Profile Picture
TwistedSunshine
August 7, 2023 (1 month ago)

May saridon ako ditey, Micawber Avenue.

I am too much of everything that no one is looking for. — SaS

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
User Not Found
August 7, 2023 (1 month ago)

tara starbucks micaw kulang ka lang sa kape

Sweet Nothing

Like (0)  ·  Report
Zheen728's Profile Picture
Zheen728
August 7, 2023 (1 month ago)

This needed to be said. Thank you. And stay in love!

YungSinayangMo💖 LagunaBoy💖

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Rhythms, Talks ‘n Conversations
Recent Comments