M
E
N
U

And That's Okay

Posted in
Blog: Taglish · Categories: Non-Erotic · Tags:
Date: August 29, 2022 (1 month ago)


Author's Note:

02/20/2022
- I had the energy to write today, so here it is. I tried to recall much of what happened that night.

08/28/2022 - Matagal na nakatambak 'tong blog na 'to sa drafts, been meaning to post this pero ngayon ko lang na-edit ulit. I'll be dumping/posting anything in my drafts na before I deactivate ulit :D

Names have been changed to protect our identities. Enjoy!

<><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><>

I went to a mini-reunion last Sunday, January 30, 2022. Not exactly a reunion since may nawala sa'min.

It's been almost 10 years simula 'nung magkita-kita kami ulit. When I say "kami", kaming lima na magbabarkada. Ako, si Mark, Chris, Jeremiah at JP.

We all met in college. All engineering students, civil to be exact. Hindi ako sigurado pero nagkakilala kami 'nung 2nd or 3rd year kami. I first met JP or we call him Jepoy or Jeps 'nung second year kami. Naaalala ko biglang nasira 'yung tech pen ko, hindi ko kilala si JP pero since katabi ko siya I had to borrow an extra tech pen kung meron siya [I know, I know... I should've bought an extra tech pen, pero mahal kasi ang tech pen kaya wala akong extra that time. Poor student pa ako that time.] Tumawa siya kasi may extra daw siyang tech pen pero in return hihingi daw siya sa'kin ng graphing paper. Luckily, I had a lot of graphing paper. so ang nangyari, parang exchange of commodities.

JP: "Pre, baka naman may papel ka pa dyan. Pahiramin kita ng tech pen penge akong papel"

Ako: "Ah okay, eto oh."

JP: "'Yun! Salamat."


After that, we just cliqued. He then introduced me to Jeremiah or "Miah/Maya", tatlo na kami. Naadik kami sa skateboarding. Si Jeremiah ang hari ng ollies sa skateboard, mapa-low or high he was able to stick it perfectly. Hindi rin naman kami nagpatalo ni JP, we ground or skateboards to the ground hanggang masira at mapudpod. There came a time na 'di baleng may bearings [for skateboard wheels] kahit pupugak-pugak na ang mga tech pens namin.

Later on nakilala namin si Mark and Chris, parehong mga rakista ng engineering department. Nahilig kaming lima sa OPM rockbands 'nung era namin. Mark would bring his guitar sa tuwing papadyak kami [skateboarding]. Hanggang sa nahilig na rin ako sa paggitara. Napagawa pa kami ng banda na kinabibilangan naming apat bukod kay Jeremiah. We would play DotA on hours end, minsan hanggang magmadaling-araw. It was fun while it lasted. Hanggang sa makagraduate kami, magsipasahan sa board exams at magkaroon ng kanya-kanyang buhay.

Fast-Foward

Tumawag si Jeremiah sa'kin last January 28 evening thru messenger, patay na raw si JP. When I heard the news, hindi na ako nagulat. A few months ago, sinabi niya sa'kin na may lung cancer daw siya. I actually talked to him about it. Nagkamali ng lagay ng pic sa My Day si JP that time, it was a photo of him lying on a hospital bed with tubes connected to him. I had to ask...

Ako: "'Tol, what happened?"

JP: "Pneumonia, 'tol. Pabago-bago ang panahon eh."

Ako: "Sa bagay, take care 'tol. Praying for your speedy recovery."

JP: "Thanks, 'tol."

I replied with a thumbs up sa messenger and got back to what I was doing. After a few minutes may notification sa phone ko. Pagsilip ko, it was a message from JP...

JP: "Lung cancer, 'tol. Ilang buwan na lang."

Ako: "...."

I tried to write a proper reply pero ano'ng sasabihin ko? Should I symphatize? At the same time I was in disbelief.

Ako: "Weh? Hindi 'yan joke?"

JP: "Hindi gago, bakit naman ako magbibiro sa ganitong sakit."

Ako: "Alright. I believe you... Hindi ko lang talaga alam sasabihin ko eh."

JP: "Understandable. 'Nung una ayaw ko rin maniwala eh."

Ako: "So how about a reunion? Kaya ba?"

JP: "Taena mo talaga, buhay pa ako. 'Wag ka lang maingay, sa'yo ko pa lang sinabi eh."

Ako: "Okay. Just tell me when para makapagplano agad ako."

JP: "Hindi 'tol, just live your life. 'Wag ka ma-pressure sa nalaman mo."

All I could do was not reply anymore. Kating-kati akong sabihin sa buong barkada namin ang nalaman ko that time. But I had to respect his decision to keep it a secret... until this day na tinawagan ako ni Jeremiah. Habang nag-uusap kami I added Chris and Mark sa tawag kaya apat na kaming nagkausap. It was a brief exchange of hi's and hello's, napag-usapan namin kung kailan kami pupunta at kung ano'ng oras kami magkikita-kita. We decided to go on Sunday. Since panigurado na maraming tao sa first night ng lamay, at marami rin tao sa last night [which is Monday].

Sunday comes, it was all set. We kept tabs on each other kung tutuloy ba o hindi. Wala namang tumutol. 3PM umalis na ako sa dorm. Naalala ko kung gaano ka-traffic sa Antipolo. Habang papunta ako kila JP, naalala ko 'yung madalas naming dinadaanan. Sa Kingsville nga pala nakatira 'tong mokong na 'to, bulong ko sa sarili ko. Napakalayo ko pa, at kahit Linggo ay grabe pa rin ang traffic.

Inaalala ko 'nung panahon na sembreak namin, pagkatapos namin mag-enroll ay pupunta kami kila JP para magliwaliw. Liwaliw since malayo sa siyudad ang bahay nila, subdivision na wala masyadong nakatira at higit sa lahat may libreng ilog [semi-malinis na ilog, hahaha]. Oo, naliligo kami sa ilog Aradan sa loob ng Kingsville Subdi. Binabaybay namin ang kalsada papasok sa loob at inaakyat ang gilid ng mga burol para lang makaligo sa ilog na 'yun. Pagbalik namin kila JP, putikan at pagod na kaming lahat.

Hindi ko napansin na malapit na pala ako sa gate ng Subdi nila. Bumaba na ako sa harap at sumakay na lang ng tricycle.

Malayo pa lang ay tanaw ko na ang bukas nilang gate, mga ilaw at upuan sa labas. Bumaba ako sa 'di kalayuan at naglakad na lang. Kitang-kita ko ang tarpaulin kung saan nakalagay ang pangalan ang mukha ni JP. Sumilip ako sa gate, may dalawang tao ang nakaupo na nahakarap sa lamay. Nakilala ko agad, mga magulang ni JP. Si ate Helen at kuya Nando [short for Fernando]. Pumasok ako at nangamusta sa kanila.

Ate Helen: "Oh ikaw lang?"

Ako: "Ah hindi po, on the way na po sila."

Kuya Nando: "Upo ka muna. Kumusta ang biyahe papunta?"

Ako: "Ehehe, as usual po. Medyo Ma-traffic."

Napahaba ang kwentuhan naming tatlo dahil panay ang tanong nila kung ano nang ginagawa ko sa buhay. Kung ano bang bago sa'kin at kung nasaan na silang tatlo. Itong dalawang 'to lagi ang naghahanda ng pagkain namin kapag pumupunta kami dito. Shit, ang daming tanong ng mga parents ni JP. Inip na inip na ako, ang tagal dumating 'nung mga kasama ko. Pagtapos ng halos mag-iisang oras na pag-uusap namin, tumayo ang dalawa at iniwan ako sa lamay. Pumasok sila para daw magpahinga dahil mga wala raw silang tulog. Ako naman 'tong pumayag na maiwan sa lamay, come to think of it... Buti hindi tumayo si JP 'nung ako na lang ang tao sa lamay niya hahahaha.

After a good 30 minutes of waiting, dumating din ang tatlong kups. Mukhang nagkita-kita sila at sabay na pumunta. Tumayo ako at lumingo sa likod, naglakad ako palabas ng gate. Nakita ko silang pababa sa innova ni Jeremiah.

Jeremiah: "O pucha ang aga mo ah."

Ako: "Oo pre, medyo traffic kasi dito alam ko."

Mark: "Hindi naman, pre. Tumagal lang kami dahil kay Chris, tang ina OTW daw pero naliligo pa."

Chris: "Pakyu kayong dalawa. Mga bulaang propeta. Baka kayo kamo ang matagal, naligaw pa nga kayo."

Bumaba si Chris na may nakasukbit na gitara sa katawan.

Kinamayan ko silang lahat tapos naglakad na kami papasok sa loob. Kumuha kami ng upuan at pabilog naming inayos, umupo kami at nagkamustahan.

Chris: "Kumusta ka naman, Kenneth?"

Ako: "Ako? Kayo ang kumusta. Mukhang nagkwentuhan na kayo kanina sa sasakyan eh."

Mark: "Hahaha! Sayang pre, wala ka kanina. Tawa kami ng tawa kay tinyente."

Jeremiah: "Huy! Correction. Kapitan. Hahaha Kaka-promote lang last year."

Mark: "Weh? Tang ina ang bilis pre!"

Naalala ko bigla, iilan lang sa'min ang nagamit ang pagiging inhenyero namin. Tulad nito ni Jeremiah, nag-pulis dahil opisyal [commissioned officer] agad ang inhenyero sa pulis. Si Mark naging engineer sa isang construction company, si Chris naging technical-audio personnel. Si JP, 'yung pumanaw naming tropa, businessman. Hindi naman nakakapagtaka dahil noon pa man adik na siya sa motor. May auto at motorcycle shop siya.

Tumuloy ang usapan namin.

Jeremiah: "San ka nagpark, pre?"

Ako: "Wala na akong sasakyan, gag* hahaha binenta ko na."

Mark: "Oo tang ina nyan eh, gusto kong bilhin puta ayaw sa'kin."

Chris: "Alam ko na kung bakit ayaw ni Kenneth ibenta sa'yo, malamang binabarat mo."

Ako: "Oo, tang ina presyong kaibigan daw gusto kalahati ng offer ko."

Mark: "Hahaha tang ina mo eh. Akala ko ibibigay mo eh."

Ako: "Tang ina mo ang kunat mo."

Ilang saglit pa kaming nagtawanan. Lumabas ang tatay ni JP na may dalang pagkain at inumin. Nagtanong siya kung gusto ba namin ng alak. Nagkatingin kaming apat, hindi ako sumagot pero parang gusto nila ng alak. So kuya Nando went back inside and brought out a...

About the Author :

Author info not found!
12  ·  7  ·  8  ·  576
 · 

Comments
KathRina96's Profile Picture
KathRina96
August 29, 2022 (1 month ago)

Thanks for sharing this with us. Sobrang hirap mawalan ng kaibigan. I've been through it and it's like someone carved put a piece of my heart. Tama nga, you didn't grieve his passing away, you celebrated everything in his life. His memories with you and your friends. God bless po, and I'll pray for JP tonight.

As bright as the sun.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Mindgasm's Profile Picture
Mindgasm
August 29, 2022 (1 month ago)

My condolences, bro. To the life well-lived by your ka-tropa, JP.

We are here. We are waiting. - Optimus Prime

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
QSLeigh's Profile Picture
QSLeigh
August 30, 2022 (1 month ago)

My condolences dear. Cherish the memories. Our friends who have gone too soon will be forever in our hearts.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Yanniiii's Profile Picture
Yanniiii
August 30, 2022 (1 month ago)

sorry for your loss KP. I feel you sobrang sakit mawalan ng kaibigan, pero ginagawa ko inaalala ko yung times na masasaya kami at napapa ngiti naman ako.  For sure naman din may special place siya sa heart mo.

meow 🤣

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Balasubas2.7's Profile Picture
Balasubas2.7
August 31, 2022 (1 month ago)

Thank you for sharing boss! Reminded me of my good old college days. Mga tropa at classmates. Salamat sa pagpapaalala, kelangan ko na pala kamustahin mga classmates at tropa ko nung college.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Patti's Profile Picture
Patti
August 31, 2022 (1 month ago)

The song Visiting Hours comes to mind. Thank you for a good, comforting read.

"We write to taste life twice, in the moment, and in retrospect." - AnaIs Nin.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
MD___'s Profile Picture
MD___
August 31, 2022 (1 month ago)

Sorry for your loss KP!

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Rhythms, Talks ‘n Conversations
Recent Comments