M
E
N
U

Just Ping (Me)

Posted in
Blog: Taglish · Categories: Non-Erotic · Tags: , , , , ,
Date: August 13, 2022 (1 month ago)


A/N:

I am doing mind dump at the moment. Posting this sa blog since it does not qualify as story.

___

11.11 PM

Nagising si Joseph sa ring ng telepono nya.

5 missed calls galing kay Lisa. 20 unread messages.

"What the fuck!" Yun lang ang nasabi nya. Ini-unlock nya ang phone nya at tinawagan nya si Lisa.

"What's up?" naghihikab nyang tanong.

"Joseph!" Nanginginig ang boses sa kabilang linya. "Nabasa mo ba mga messages ko?"

"Hindi pa, tinawagan muna kita. Anong meron?"

"Wala! Wala!" Mahinang sagot ni Lisa. Kahit hindi nya nakikita, naimagine nya panay ang pag-iling ni Lisa, malamang hawak nya ang noo nya habang paroo't parito sa kwarto nya.

Naririnig nya ang paghinga ni Lisa, kasunod ng mahabang buntong hininga. Sa background, naririnig nya ang kanta ng Blue Magic:

I'd rather be loved, needed

Depended on to give the love I can't get
When you're gone
I just don't wanna be lonely

"So sinasabi mo ba na ginising mo ako for nothing? C'mon, what's that?" Pinipilit nyang maging mahinahon.

"Joseph! Kailangan ko ng makikinig sa akin. May oras ka ba?"

Ilang lagok rin ang narininig nya sa kasunod noon.

"Oo naman, pero Lisa gabi na. I can't do a phone call, magigising ang mga bata. Wala si esmi nasa labas pa."

"Ahhh, oo nga pala. My bad Joshy, so-sorry, sorry." Joshy. May tama na itong si Lisa. He knows her too well. Medyo may pagka alcoholic pa naman yun.

Mahabang buntong hininga na naman. Alam nya na kailangan na nya ibaba ang phone, pwede naman na bukas na lang nya tawagan si Lisa.

Si Lisa na hindi naman nya best friend pero isa sa mga malapit na kaibigan nya. Hindi rin nya alam bakit sila naging close, pero fast forward 9 years to today, halos weekly sila nagkakausap, if not araw-araw sa chat, kahit 10 minutes in a day lang.

Mula sa pag send ng picture ng sneakers:

"Should I buy this or not?"
"Nice or not?"
"This color or this?"

Sa pagreklamo tungkol sa work nya:

"Badtrip yung boss ko sa akin, okay lang kasi badtrip din ako sa kanya."
"Tinatamad ako mag work, pero ang dami kong kailangan gawin."

Sa pagkwento sa bagong ka "talking-stage" nya:

"Di tayo sure, baka nag overthink lang ako, ano sa tingin mo?"
"Baka naman hindi nya ako like?"
"Baka assuming lang ako."

Sa pagsupport sa pag-flirt ko sa ibang girls:

"Go for it, Josh! I-flirt mo na. Didn't she say na she likes you?"
"Test waters mo muna si Ate."
"Mag-ingat ka sa young girls. They tend to be clingy."

Sa pag share ng chismis or just anything na wala naman significance sa akin:

"Alam mo ba na buntis si XXX? Inaraw-araw yata ni Kuya, na miss after 2 years"
"Kilala mo ba si Rico? Parang sila na yata ni Marie."
"May new song si Ed Sheeran, napakinggan mo na?"
"Pakinggan mo itong podcast na ito."

At marami pa. Iba-ibang topic, iba-ibang messages, iba-ibang emotions.

Yan si Lisa. Maguusa...

About the Author :

BellaVictoria's Profile Picture

Joined: May 2, 2015 (7 years old)
Writings: 60
Female  ·  Offline
Description:
A little bit of everything, all rolled into one.
Signature Text:
Sorry, I can’t hear you over the sound of how awesome I am.
2  ·  7  ·  9  ·  501
 · 

Comments
S
silversurfer1981
August 14, 2022 (1 month ago)

It's always nice to have someone to talk to, whether it's about sneakers, movies, or anything under the sun. Sometimes, they don't even have to talk. They can just listen. Just knowing that they're there is enough.

Whatever you're going through, take comfort at the thought that there will always be that someone.

It gets better. It always does. Chin up.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
BellaVictoria's Profile Picture
BellaVictoria
August 15, 2022 (1 month ago)

It does, for sure. As they say, no man is an island daw, I guess that holds true still.

And me being madaldal in chat and in person (with the right kausap, in disclaimer) plus the fact the I am oftentimes indecisive when it comes to sneakers and stuff that I’d like to buy — second opinion does matter.

And yeah, I mean it’s comforting to know that there are people to reach out to in times na you just needed somebody to speak with.

Maybe that’s why there are a lot of users sa FSS chat.

That being said, I enjoy my solitude once in a while but I don’t want to make it a hobby.

Thanks, SS. High five.

Sorry, I can’t hear you over the sound of how awesome I am.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Bebeko's Profile Picture
Bebeko
August 14, 2022 (1 month ago)

Simple things na minsan taken for granted ang friends dahil na rin minsan pagod o may pinagdadaanan. But we need to make sure na nandyan lang tayo and remain loyal thru thick and thin.

Friendship has different levels pero yung bff siguro 2-3 lang na tao yan na kayang i-accommodate kaya we always find time for them. So, hindi tayo magiging lonely kapag inaalagaan natin sila.

Nice blog, Bella...:-)

"You learn nothing from life if you think you're right all the time." - Prof. Richard Feynman

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
BellaVictoria's Profile Picture
BellaVictoria
August 15, 2022 (1 month ago)

Hard truth yan, kung ano ang pinaka simple na bagay yun ang na-ooverlook at nate-take for granted. Maraming factors like, life happened sa lahat. Even I, guilty ako dyan.

On a weekday, naka mute ang group chats ko dahil it can get really disruptive but at the back of it, may namimiss akong important announcements, and ang dyahe na iba na pinaguusapan nila, saka ka pa lang magrereact. Bawi na lang and I just message the person directly. Minimal effort but I am sure, it meant a lot to that person.

I always say - meron ka lang circle of 5. Yan yung kahit anong oras mag message, tumawag, or mag invite ng meetup, yan yung walang second thoughts because in return, kapag kailangan mo sila, hindi ka rin magdadalawang salita.

Thanks, BBK. High five!

Sorry, I can’t hear you over the sound of how awesome I am.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
missE's Profile Picture
missE
August 17, 2022 (1 month ago)

Good read, Ms. BV! Super relate ako dito, though I don't have a circle of 5. Just 1 person whom I know I can ping anytime. Thanks for sharing this piece and for reminding us to appreciate them always.

Paradoxxxx, sana binasa mo ng buo kahit english ang intro😂 Tama ako di ba, sobrang relate noh?! Nga lang, mas madalas kang Lisa lately at ako ang Josh😁✌

Salamat sa lahat ha. For being there during my Lisa moments. Andito lang din ako palagi for you guys. Kami. And don't worry, uwi na kami soon. For now, penge munang lives😅

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
paradoxxxx's Profile Picture
paradoxxxx
August 17, 2022 (1 month ago)

sakto ah lol... kelan uwe mo josh?

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
BellaVictoria's Profile Picture
BellaVictoria
August 17, 2022 (1 month ago)

Hi Ms. E, happy to see you here and I am glad na whatever I wrote resonated with you somehow. :)

Indeed, friends are precious sa atin, may friends tayo na nameet online and kahit hindi mo pa sila na meet personally, andun pa rin yung bond. And sure, we will have Lisa days, hindi naman tayo palaging happy although we always try to.

Kahit wala lang circle of 5- kahit isa or dalawa lang yan, at least you have them and you know that they have your back.

Happy to know na meron ka rin ka- Just Ping :)

Cheers!

Sorry, I can’t hear you over the sound of how awesome I am.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Rhythms, Talks ‘n Conversations
Recent Comments