M
E
N
U

Overpass

Posted in
Blog: Tagalog · Categories: Non-Erotic · Tags:
Date: May 24, 2022 (1 month ago)


Malayo ang trabaho ko mula sa bahay. About 2 to 3 hours commute depende sa kundisyon ng traffic at availability ng masasakyan.
Inaabot kasi ng apat na sakay papasok at tatlo naman kapag pauwi.

Along the way, may dinadaanan ako palaging overpass papuntang sakayan ng jeep pauwi. Sa overpass na iyon, may mga vendors at homeless persons na palagi kong nadadaanan.

Among those people, isang matandang babae ang palaging sumasalubong sa mga dumadaan para manlimos. Nakangiti at puno ng sigla sa kabila ng sitwasyon nya sa buhay.

Noong una ay di ko sya pinapansin. Sa dami ba naman ng nakakasalubong kong palaboy sa kalsada araw-araw ay namanhid na ko sa ganoong scenario.

Pero iba yung aura ni Manang. Kahit kasi di mo sya bigyan o tingnan man lang ay magpapasalamat pa rin sya sayo.

Kaya isang beses na pauwi ako ay inabutan ko si Manang ng limang piso.
Nakita ko yung tuwa sa mukha nya. Yung masayahin nyang mukha ay lalong umaliwalas. Panay ang pasalamat nya sakin at sinundan pa ako hanggang dulo ng overpass at sinabihang mag-ingat sa pagbaba.

Napangiti na lang ako at nagpasalamat din sa matanda.

Simula noon ay madalas ko na syang abutan ng sobrang barya ko.

Arawan pa ang uwi ko nun.
Kahit papano ay nakakabawas rin kasi sa pagod yung mga ngiti ni Manang at tila nakakahawa yung pagiging masigla at masiyahin nya.

Isang araw ay naisipan kong magbalot ng kaunting pagkain mula sa trabaho. Kanin, ulam at dalawang pirasong tinapay lang.
Pagkababa ko ng bus sa ilalim ng overpass ay bumili pa ako ng maliit na bote ng mineral water mula sa isang street vendor. Inabot ko lahat iyon kay Manang at laking tuwa nya. Biniro pa nya ako na nag-upgrade na daw ako.
Muli ay napangiti nya nanaman ako.
Hanggang sa pagsakay ng jeep ay dala ko ang ngiting iyon at nasa isipan ko ang aliwalas ng kanyang mukha.

Mula nga noon ay palagi na akong nagdadala ng pagkain para kay Manang. Minsan ay gusto ko syang kausapin. Tanungin kung tagasaan ba sya at nasaan ang pamilya nya. Kung may inuuwian pa ba sya o sa overpass na iyon na ba talaga sya tumitira.

Kaya lang ay talagang mahiyain ako. Di ako marunong magsimula ng conversation sa di ko naman kakilala.
Ilang beses kong tinangka iyon pero matapos kong maiabot kay Manang ang mga dala ko ay wala rin akong masabi. Susuklian ko na lang din ng ngiti yung ngiti at pasasalamat nya tapos ay maglalakad na ako palayo.

Isang beses ay biniro nya pa ako na baka pwedeng Jollibee naman ang dalhin ko sa kanya kasi 1990s pa daw sya huling nakakatikim nun. Si Ramos pa daw ang presidente.
Napatawa lang ako at sinabing sa susunod pag may pera.

These past months ay naging sobrang busy na ako sa trabaho. Kinailangan ko minsan na doon na matulog kasi masyado nang kakapusin sa oras kung uuwi pa ko.

Naging every other day ang uwian ko. Minsan once or twice a week na lang ako nakakauwi. At minsan nga ay hindi na kapag naka-cancel...

About the Author :

AdobongLamok's Profile Picture

Joined: October 1, 2020 (1 year old)
Writings: 54
Male  ·  Online
Description:
Isang kilong lamok
Kalahating ulo ng pinitpit na bawang
Isang katamtamang sibuyas na hiniwa pahaba
Kalahating kutsaritang pamintang buo
Tatlong dahon ng laurel
Kalahating tasang toyo
Kalahating tasang suka
Isang kutsarang asukal na pula (opsyonal)
Siling labuyo (opsyonal)

Pagsamahin lahat ng sangkap sa isang kaserola o kawali. Pakuluan hanggang maluto ang lamok at lumapot ang sabaw.
Pwede rin lutuin hanggang matuyo ang sabaw.
Signature Text:
Fffzzzzzzzzzzz.. ffzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz!
4  ·  8  ·  5  ·  657
 · 

Comments
ramza34's Profile Picture
ramza34
May 24, 2022 (1 month ago)

Ako rin sir Tuwing may nadadaanan akong mga nakahiga sa daan sa carton naawa ako. Naiisip ko minsan wag magbigay kasi nga nasasanay sila mamalimos lalo at delikado sila sa daan, pero ang hirap pa rin pigilan.

PAg may dala ako extra pagkain o barya nagbibigay ako sa madaanan ko. Minsan may palagi ako nadadaanan na babae nakahiga sa carton nakahiga sa sidewalk. Nilagay ko sa tabi nya ang iba-ibang tinapay na pang-meryenda. Kinabukasan pagdaan ko uli, napansin ko parang inaabangan nya ko. PEro mahiyain din kasi ako, kaya dumaan lang ako ng tahimik.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
kuatog's Profile Picture
kuatog
May 24, 2022 (1 month ago)

may puson este pusong maawain k pala boss .. nakaka antig nman s puso kwento mo... sana e maayos n c aling precy ..

a man with a plan ⚙️

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Byutifoolly's Profile Picture
Byutifoolly
May 24, 2022 (1 month ago)

Sa byahe pa lang pagod na bago pa makarating sa trabaho si Author.
Yung mga namamalimos minsan may dala dala pang bata yan sila. Yun iba may sobre pang inaabot.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Bebeko's Profile Picture
Bebeko
May 25, 2022 (1 month ago)

If only we can save them, right? Pero hindi kaya e. Hindi kaya ng kahit sinong individual or corporation but only the govt can dahil may endless revenue kung tutuusin.

In our own little way ay nakakapagbigay ng tulong pero ang sarili at pamilya ang top priority kaya kung ano na lang ang kaya. Very disheartening makaranas o makabasa ng ganito pero ganyan talaga ang buhay. Kanya-kanyang laban.

"You learn nothing from life if you think you're right all the time." - Prof. Richard Feynman

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
a.bit.innocent's Profile Picture
a.bit.innocent
May 26, 2022 (1 month ago)

Experience 1:

Around 6pm,dumaan ako sa gitna ng plaza. Lumapit ang aeta/badjao (di ko sure alin sa dalawa) nanghihingi ng 5 pesos. Since hindi ko ugali mag bigay ng pera, inaya ko sya sa nakita ko na stall. Sabi ko pumili sya kung ano gusto nya . May hotdogs, pancakes at kung ano ano pa na binibenta ang stall. Pero sumimangot si ateng. Ayaw. 5 pesos nalang daw. -_- choosy. Kung ayaw de wag..

Experience 2:
  Habang papasok kami ng nanay ko sa mall, may nanlimos. Pagapang na pumunta sa direction namin. (May polio yata sya or trip nya lang gumapang para closer to mother earth) . Aabot na sana ng 10 pesos ang nanay ko. I stopped her. Instead, kinuha ko ang empanada and bottle of water (unopened. Sealed. Clear yan ha? Lol) saka ko inabot sa kanya. Sumimangot. Tinuro ang kamay ng nanay ko. Clearly gusto ang 10 pesos. Ako naman napa iling. "Choosy ah. De wag" sabi ko. Sabay alis kami.  Aba, humabol pala. Binilisan ang gapang tapos hinampas paa ko -_-  pambihira sila

Sometimes my alone time is for your own safety

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
ramza34's Profile Picture
ramza34
May 26, 2022 (1 month ago)

NAtuturn-off din ako sa masyadong namimilit. Tsaka yung pagkain na tinatanggihan pa naiinis din ako sa mga ganyan.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
quiescent_phantom1982's Profile Picture
quiescent_phantom1982
May 27, 2022 (1 month ago)

Ako nga nung hindi ako magbigay (kase naman namimilit and medyo antipatika yung dating sakin kaya hindi ako nagbigay) dinuro pa ako at kinonsensya. Kasalanan ko daw pag may nangyari sa kanya or marape sya.

Asi es la vida...

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
a.bit.innocent's Profile Picture
a.bit.innocent
May 27, 2022 (1 month ago)

Tayo pa inapi,QP. Hehe . Meron din nanlimos sa bahay. Kumatok sa gate. Kumuha ako approximately 2kg of rice. Bibigay ko sana. Nanghingi sya ng bente. Sabi ko eto nalang (bigas)kunin nya. Tinalikuran ako. Nag walkout si ale 😂

Sometimes my alone time is for your own safety

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Rhythms, Talks ‘n Conversations
Recent Comments