M
E
N
U

Sakura

Posted in
Blog: Tagalog · Categories: Non-Erotic · Tags:
Date: April 25, 2022 (23 days ago)


"Five centimeters per second."

"Ha?"

"Five centimeters per second yung speed ng pagbagsak ng cherry blossoms."

"Pinagsasasabi mo nanaman?"

"Wala lang. Naalala ko lang."

"Haha. Ang weird mo talaga."

"Maganda yung anime na yun."

"Anong anime?"

"5 Centimeters Per Second."

"Yun yung title?"

"Oo. Panoorin mo."

"Wala akong hilig sa mga ganun."

"Okay."

Naglalakad kami sa mall nung bigla na lang nyang binanggit yun. Di ko alam kung bakit. May nakita siguro syang nakapagpaalala sa kanya. Ewan. Di ko rin naman gaanong pinansin yun.

Pero ngayon bigla ko ring naalala habang naghahanap ako ng mapapanood sa Netflix.
Lumitaw kasi sa suggestions yung mismong anime na tinutukoy nya nung araw na yun.

5 Centimeters Per Second.

===

Kung di ako nagkakamali ay 8 years ago nung bigla nya na lang binanggit yung tungkol sa anime. At lampas 6 years na mula nung last kaming nagkita.

Matagal na rin.
Napakarami nang nangyari. Maraming napuntahan at mga nakita.
Maraming nakilala. May mga dumating at umalis. May mga nanatili. May mga nagpasaya at meron ding mga nagpalungkot.

Kamusta na kaya sya?

Di talaga ako mahilig sa anime pero pinindot ko pa rin ang play button...

===

Ewan pero bigla ko syang naisip. Yung mga usapan namin, mga pinupuntahan namin, mga ginagawa namin.

Madalas kami kumain sa Jollibee nun. Parehong Chicken Joy ang madalas naming order. 1-piece lang pareho pero sya ay may extra rice palagi.

"Paubos nanaman ulam mo." Sya habang inilalapag sa plato ko yung kalahati ng chicken nya.

"Hehe."

Bubungisngisan ko lang sya.

Malakas kasi talaga ako sa ulam. Sya naman ay napakatipid. Sakto na sa dalawang kanin nya yung kalahating chicken. Kaya palaging sakin napupunta yung kalahati ng ulam nya.

===

Nagsimula yung palabas.
At dun ko nakita kung saan nya nakuha yung sinabi nya nung araw na yun.

Nakaramdam ako ng lungkot.
Lalo na nung may tumugtog na piano instrumental sa background.
Di ko alam kung ano yung song na yun. First time ko lang sya narinig. Pero feeling ko parang matagal ko na yung pinapakinggan.

Namiss ko sya bigla...

Pinagpatuloy ko lang yung panonood ko. Kahit pa pamaya-maya ay kinakailangan kong i-pause para lang mabasa yung subtitle.

===

Tumagal din ng 4 years yung relationship namin. Nasa college ako nung makilala ko sya thru our common friend. Birthday kasi ng mother nung friend namin na yun and we both attended the celebration.

Nung una ay wala naman syang dating sakin kasi mukha syang nerd. Tapos di pa palasalita. As in sobrang tahimik.

Nasa same table lang kami nun pero di ko na sya halos narinig magsalita after nya magsabing "Nice to meet you.".

Pero one day bigla na lang ako nakareceive ng text. Unknown number pero nagpakilala naman sya agad.
At medyo nabigla ako kasi kung anong tahimik nya pag kaharap mo sya ay yun namang daldal nya sa text.

I asked him about that and he said na hindi lang talaga sya palasalita at sobrang mahiyain nya.

We became regular textmates hanggang sa he asked me out.

As expected, he's a man of few words but I still enjoyed his company.
Ako lang yung kwento nang kwento while he's just listening.

Months passed and naging kami. Mas nagsasalita na sya kapag magkasama kami pero di pa rin yung talagang nagkukwento.

Okay lang naman sakin yun. I learned to like him like that. I learned to love him like that. Di man sya palasalita, I can still feel how much he loves me too.

===

Natigil yung pag-alala ko sa past namin at nabalik yung focus ko sa pinapanood.

So about a third into the movie, the main character named Takaki arrived sa train station kung saan sila nagkasundong magkikita nung girl na si Akari.
It was snowing heavily that day kaya delayed ng ilang oras yung train. He was expecting na wala na syang aabutan dun. He was hoping na sana umuwi na si Akari kasi he doesn't want her to wait in the cold. But he was surprised to see her sitting there. Already asleep.

And then the piano instrume...

About the Author :

AdobongLamok's Profile Picture

Joined: October 1, 2020 (1 year old)
Writings: 51
Male  ·  Offline
Description:
Isang kilong lamok
Kalahating ulo ng pinitpit na bawang
Isang katamtamang sibuyas na hiniwa pahaba
Kalahating kutsaritang pamintang buo
Tatlong dahon ng laurel
Kalahating tasang toyo
Kalahating tasang suka
Isang kutsarang asukal na pula (opsyonal)
Siling labuyo (opsyonal)

Pagsamahin lahat ng sangkap sa isang kaserola o kawali. Pakuluan hanggang maluto ang lamok at lumapot ang sabaw.
Pwede rin lutuin hanggang matuyo ang sabaw.
Signature Text:
Fffzzzzzzzzzzz.. ffzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz!
3  ·  4  ·  5  ·  317
 · 

Comments
Lanabanana's Profile Picture
Lanabanana
April 26, 2022 (22 days ago)

I cant stop crying. 😭 Wala kang sinabeng pangalan pero natagos. May isang tao talaga na papasok at papasok pag binasa to. Hays. TOTGA

We always listen but fail to understand.~~

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
User Not Found admin
April 26, 2022 (22 days ago)

Hayyyyy…. Mas lalong naging makulimlim ang araw ko….

Kung pwede lang….

One more time…

One more chance…

It’s okay if you don’t like me. I was not born to impress you.

Like (0)  ·  Report
User Not Found
April 26, 2022 (22 days ago)

Right choice na hindi mo muna pinanood yung Garden of Words. Iiyak ka talaga doon. Ganyan talaga theme ng mga movie ni Makoto Shinkai. Bittersweet ending. Mapapa-alala ka talaga.

Life before death. Strength before weakness. Journey before weakness.

Like (0)  ·  Report
kuatog's Profile Picture
kuatog
April 26, 2022 (22 days ago)

wow !! wow na wow !!!  galing talaga ng mga pitik ng daliri mo sa keypad boss AL ..👍👍👌👌

panalo ..dalang dala mo ko 😁😁

a man with a plan ⚙️

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Rhythms, Talks ‘n Conversations
Latest Writings
Recent Comments