M
E
N
U

A Memoir Of Dalliance

Posted in
Blog: Taglish · Categories: Non-Erotic · Tags:
Date: November 17, 2021 (20 days ago)


Author's Note:

Bigla lang sumagi 'to sa isip ko. Bagong blog 'to, hindi ko rin alam ang purpose ko kung bakit ko sinulat 'to... I just felt like writing it.

Hindi ako 'to hahaha tinatamad lang ako maghanap ng mga pangalan para sa blog na 'to. Ginamit ko na lang name ko dito.

<><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><>

Naaalala ko pa, napakaganda ng araw ko 'nun. Lagi kong pinapasukan 'yung klase ko na 'yun, alas-7 ng gabi hanggang alas-9... Kahit medyo ayaw ko at nahihirapan ako sa subject na 'yun, papasok pa rin ako dahil sa kanya. Kahit pagod na ako dahil sa trabaho during the day, I'll drag my ass to class para lang makita siya. Buo na ang gabi ko kapag nakita ko siya.

Pagpasok ko pa lang ng silid-aralan, lilingon na agad siya sa'kin... Dahan-dahang mapupuno ng kasiyahan ang puso ko sa pag-ngiti niya sa'kin. Magtatagpo ang aming mga mata at tila ba nasasabik kami sa bawat isa.

Caela: "Dito ka na, Kent."

Ilalapag ko ang mga bitbit kong libro sa armchair, itatabi ang bag ko at uupo sa tabi ng isang diwata. Kahit minsan hindi ko maintindihan ang mga tinuturo ng professor namin, ayos lang... Hindi ko alam kung bakit pero panatag ako sa tuwing katabi ko siya. May minsan pa na nagpapalitan kami ng notes at libro, madalas kaming laman ng library ng school kapag may free time kami.

I met Caela at school. Halos pareho lang kami, navigating life while balancing work and studies.

Caela: "Alam mo, Kent... We should take a break sa pagbabasa. Gumala naman tayo sa sembreak."

Gumala... Gumala... Kami lang? Date ba 'yun? Hindi ko alam pero iba 'yung dating sa'kin ng pagkasabi niya. Gustong sumabog ng puso ko, nagsusumigaw ang diwa ko pero hindi ko pinapahalata sa kanya.

Ako: "Ahh... Oo nga. Saan mo ba gusto gumala?"

Caela: "Light show, please. Ayala Triangle. Dalhin mo ako dun."

Ako: "Ah-eh... Sige ba, no problem."

Caela: "Sure 'yan ah?"

Dumating ang sembreak, nagpunta kami sa Ayala Triangle para manood ng light show. Para siyang bata, napakabibo niya. She kept walking around the grounds para tingnan ang iba't ibang ilaw sa puno. Wala akong pakialam sa light show, kay Caela lang ako nakatitig buong gabi. Napakaganda niya, tuwing natalbog ang mga kulay ng ilaw sa kanyang mukha at ang kumukutitap niyang mga mata habang nakatingala sa mga ilaw. Gustong-gusto kong tumitig ng matagal sa mga mata niya.

Sabay na kaming pumapasok sa school hanggang sa umabot na kami na naghihintayan na kami sa labas para lang sabay maglakad papunta sa silid-aralan. Madalas kaming magkausap tuwing gabi, video calls tuwing weekends lalo kapag cramming sa exams. Open cam lang pero tahimik lang kami habang nagbabasa, gustong lumundag ng puso ko papasok sa screen at tumabi sa kanya. Gandang-ganda ak...

About the Author :

Author info not found!
8  ·  5  ·  8  ·  390
 · 

Comments
MidLifeCrisis
November 17, 2021 (20 days ago)

Sad. Bakit naman kasi di niligawan ni Kent si Caela? ☹️

🙃 Mababaw kausap… Malalim mag-isip 🙃

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
User Not Found
November 18, 2021 (20 days ago)

Akala niya siguro ramdam ni Caela or hindi lang talaga sila tinadhana.

They don't miss you and it's okay. Nights like these don't last forever.

Like (0)  ·  Report
yulica
November 18, 2021 (20 days ago)

makes me remember a quotation that goes this way, "we are the results of people whose paths we crossed, and no matter how much we want to see our selves, we only see parts of others." tagal na to di ko alam if sakto pa naalala ko.  some people crossed our paths for a reason. we may not understand now, but as time goes by, everything will be made clear.
CAPTCHA:PURSUE

no strings attached

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Addy_Lanzon
November 18, 2021 (20 days ago)

Ikiclaim ko na to, nangyari na sakin yan, pero oks lang naman. Di naman masakit. Parang kagat lang ng buwaya.

Hence to fight and conquer in all your battles is not supreme excellence; supreme excellence consists in breaking the enemy's resistance without fighting. - Sun Tzu

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Lanabanana
November 18, 2021 (20 days ago)

Mapanakit talaga 🤣

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Rhythms, Talks ‘n Conversations
Recent Comments