M
E
N
U

Hanggang Sa Muli

Posted in
Blog: Taglish · Categories: Non-Erotic · Tags:
Date: October 20, 2021 (1 month ago)


Author's Note:

Hi! Sorry ulit. Pinaghihintay ko kayo. Rest assured that I will release the remaining chapters of "All Is Fair" before the year ends.

Hindi ako makatulog, hindi ko rin alam eh... It just felt right that I write it now since 'yung idea has been bothering me for the past few weeks. Disclaimer muna, I am not pertaining to anyone or anything.

This is a Fiction Blog Story [Kathang-isip lang]. This is a one-off story. Hindi na masusundan. Bigla lang sumagi sa isip ko or na-LSS ako saVisiting Hours ni Ed Sheeran.

<><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><>

Sanay na ako na konektado ang cellphone ko sa Google account ko, tuwing kumukha ako ng litrato automatic na ina-upload ng cellphone ko ang litrato sa Google Photos. Naka-save na 'yun picture na 'yun sa cloud drive ng Google account ko. If ever may ma-delete ako pwede ko pang makuha, I love the setup. Hindi ko akalain na papaluhain ako ng Google account ko.

Alas-9 ng gabi, nagbabasa lang ako. Bukas ang laptop ko [for online reference] at nakabuklat ang libro ko sa lamesa habang nakatutok sa mga pahina ng libro ang maliit kong ilaw. Nag-vibrate ang cellphone ko. I had to check baka tungkol sa trabaho or sa school. Pagbukas pa lang ng screen...

Google Photos
You have Memories -- 4 Years Ago

Nakita ko 'yung picture ng lola ko on my mother's side. Her name is Lola Minda, but I call her "Nanay". Nanay ang tawag ko sa kanya dahil sa dami ng taon na nabubuhay ako ay halos siya na ang nag-alaga sa'kin. Just a little background, tatlo kaming magkapatid sa pamilya namin. Si mama, papa, kuya, ako at si bunso. I was never close to them, bata pa lang ako si nanay [Lola Minda] na ang nag-aalaga sa'kin. Hindi ko rin alam pero halos lahat ng ugali at pagkatao ko ay si nanay na ang humubog. Inuwi pa ako ni nanay sa probinsya noon para doon alagaan. 'Nung naging teenager ako tsaka na lang ako dinala at binalik dito sa Manila. I was never close to anyone of them and I must admit, it drove a wedge between me and the whole family that's why I'm living in a dorm, malayo kanila. But that's a story for another time.

Sinilip ko 'yung Memories, ang dami naming litrato na kasama ko si Nanay. Naaalala ko 'yung gabi na 'yun, kinuha ko lahat ng pictures sa photo album namin at ini-scan ko. Sinadya kong i-save sa Google account ko. May mga litrato akong nakakandong kay nanay, parang 6-7 years old pa lang ako. May mga picture ako nung bata pa ako at pinapalitan ako ng lampin, kumakain ng ice cream at kinakamay ang pansit. May picture ako na nakasimangot ako habang nakasuot ng toga ng kinder. Makapal ang lipstick at mapula may gel pa sa buhok kong natatabunan naman ng cap with tassel. Napapangiti ako sa bawat scroll ko ng litrato, kahit ilang beses ko na nakita ay binubusisi ko pa rin ng maigi ang bawat detalye. Nakangiti si nanay, nasa beach kami. Nasa parke kami habang hila ang trike ko. Nanariwa sa isip ko 'yung araw na iniwan ko si nanay sa probinsya dahil mas iigi daw ang pag-aaral ko dito sa Manila.

Hinatid niya pa ako sa Airport, sinigurado niya na lahat ng kailangan ko ay dala ko. That was 12 years ago. Taong 2009 'nung iniwan ko si nanay sa probinsya, matapos 'yun ay tuwing Disyembre na lang siya nakakapunta dito sa Manila para bisitahin kami. Pero alam kong gusto niya lang malaman kung ano'ng kalagayan ko dito sa Manila. Kaya naman tuwing nandito siya ay sinusulit namin ang ilang araw na nandito siya. Sinasamahan ko siya magsimba sa Quiapo, mamili ng mga anik-anik niya sa Divisoria at ginagala ko lang siya sa religious spots [relihiyosa kasi si nanay hahaha, 'yun ang kaligayahan niya].

Kaya lang pandemic. Nagkasakit ako noong Mayo ngayon...

About the Author :

Joined: February 19, 2021 (9 months old)
Writings: 26
Male  ·  Offline
Description:
• Writer • Wanderer • Miracle Worker • Lecturer • (JD)
Signature Text:
They don't miss you and it's okay. Nights like these don't last forever.
8  ·  7  ·  9  ·  437
 · 

Comments
EmElCee
October 21, 2021 (1 month ago)

I have never moved on from the death of my older sister. There were just so many things left unsaid from my part. And it hurts not having said those words to her when she was still alive. If only.......

learning how to strum my pain into oblivion…

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
KentPent
October 22, 2021 (1 month ago)

Hindi talaga tayo makaka-move on sa pagkawala ng mahal sa buhay, we just learn to live with it. Sorry for your loss, thanks for sharing!

They don't miss you and it's okay. Nights like these don't last forever.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Medelvic
October 21, 2021 (1 month ago)

July 2, 2020 ito yung date na hindi ko makakalimutan. Birthday ko at the same time araw din nung namatay Papa ko.I miss you Paps

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
KentPent
October 22, 2021 (1 month ago)

I'm sure he misses you too! Sorry for your loss, thanks for sharing.

They don't miss you and it's okay. Nights like these don't last forever.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
User Not Found
October 21, 2021 (1 month ago)

when i was young, i thought my parents and my loved ones were immortal. i knew people will die but never will it happen to anyone close to me. but then, death slowly claimed them one after the other, and it's then that i realized all of us are heading towards that direction
the moment we were born. nag sink in na lahat na mga nabasa at natutunan ko. i invested in funeral plans. yes, masakit mawalan, mahirap makalimutan, lalo pag medyo bago pa. we try not to forget, kaso we need to move on, face reality, live with the pain till the pain fades away. we learn to smile and get back to reality. then we realized we have become stronger, we need to because there are still a lot of then left which depends on us for emotional and moral, financial support. life is like that.
CAPTCHA:ENFACE

no strings attached

Like (1)  ·  Report
KentPent
October 22, 2021 (1 month ago)

Nandyan lang 'yung kirot sa gilid-gilid, parang lurker lang sa chats. Whenever we call it out or intentionally try to remember a lost loved one, bigla siyang lilitaw. Hahahah ako rin, nag-invest na rin ako sa funeral plans ng mga mahal ko sa buhay. At some point, mawawala rin sila. I fear that day will come too soon and sudden at the same time. Sorry for your loss, thanks for sharing!

They don't miss you and it's okay. Nights like these don't last forever.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
User Not Found
October 22, 2021 (1 month ago)

Thankz..it serves as a reminder n habang buhay Yung Mahal natin SA buhay need natin show Kung gaano cla kahalaga at gaano natin cla kamahal..minsan kse lalo n Yung MGA kabataan ngayon d cla showy ..awkward n SA knila ang pagsavi Ng I love you SA parents at pag kiss..

Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Rhythms, Talks ‘n Conversations
Recent Comments