M
E
N
U

RESTRICTIONS

Posted in
Blog: Taglish · Categories: Non-Erotic · Tags: , , ,
Date: September 30, 2021 (2 months ago)


We are sorry but the blog you were looking for is only accessible to the author's friends and followers. Char!

Hello, kamusta mga ka-FSS. Hot topic 'to lately ah. I've read a few blogs about this and if I may, I just wanted to put my two cents' worth.

Guilty, Your Honor! Ako din kasi naglalagay nito. Especially while I was writing Aguinaldo, limited to 'Followers Only' ang makakabasa ng updates. Pero nung natapos na yung series, ginawa ko na ulit accessible to the public.

Madami ding nagalit at nang-away sa akin sa PM nun. Naiintindihan ko naman sila. Yun nga lang sobra namang mag-react yung iba.

"Damot mo naman MissE. Nagsulat ka pa, ayaw mo naman ipabasa. Ok lang, hindi lang naman ikaw ang writer dito."

"Paki-accept naman yung friend request ko para mabasa ko na yung update. Bakit kasi may ganito pang kaartehang nalalaman eh."

"Bakit di ko na mabasa yung update mo author? Grabe ka naman, sinusubaybayan ko pa naman yung Agui. Ganon ba yon, may palakasan ba? Magkano ba bayad para mabasa yan ha?"

Luh. Dami na nilang sinabi di ba. All they needed to do naman was to follow. A slight inconvenience compared sa tindi ng effort ng authors to be able to write and share a story for their entertainment.

I explained to them why I had to do it (I'll get back to this later) and patiently guided those na hindi familiar kung paano magfollow.

I even prepared a message template for those who were having a hard time. Ang dami kasi talagang PM na hindi daw alam ang gagawin.

"Hindi nyo na po kailangang mag send ng friend request. Kasi kailangan mag-online pa ako para i-approve yon. Follow lang po... Just go to my profile… click the Follow button… then refresh nyo lang po yung page and mababasa nyo na agad yung update."

Yung iba nakuha agad, some needed further assistance. But eventually I think lahat ng nakasubaybay dun sa story eh nakuha din naman kung ano ang gagawin. Madali nga lang daw pala.

But why did I have to restrict my posts nga ba? Bakit Followers lang inallow ko na makabasa ng updates?

To prevent plagiarism?
Hindi eh. Dahil sabi nga, kung gusto may paraan. Pwede ka naman kasing i-follow ng gusto mamirata ng story mo. Edi makokopya rin di ba.

Para makipagparamihan ng followers sa ibang writers?
Lalo namang hindi. Kasi unlike sa social media, hindi naman nakikita sa FSS profile kung ilan ang friends or followers mo eh. Kami lang nakakalam kung ilan so walang comparison, which I think is good.

Para mapilitan ang readers magfeedback?
If readers feel like dropping a comment, sending a PM, or hitting the Like button, they will do so. I believe there's no need na magmakaawa or mamwersa ang authors.

Di natin sila mapipilit magfeedback kung ayaw nila, the same way na di nila tayo mapipiga for updates kung wala pa talaga.

And even if irestrict ang posts to certain target readers, that still won't guarantee naman na magfifeedback sila sa post eh.

Hindi rin naman ganon ka-impressive kung mataas nga ang statistics ng update ko pero napilitan/napwersa/naobliga lang naman ang readers na ibigay yun sakin. Aanhin ko naman yun? Happy na ako dun sa kusa nilang ibibigay. Thankful na ako don.

Numbers won't define us as writers. Sapat na yung may maiambag. More than enough na yung may napasaya tayo dahil sa mga naisulat natin.

Para ganahan magsulat dahil dadami ang likes, comments, hearts?
Hindi rin eh. Just like other writers, I love reading comments at ginaganahan tayo syempre sa feedback ng readers. We crave reader engagement.

And yes, there are times naglalambing ako na comment naman sila lalo na kapag matindi ang highlights ng chapter. Lambing lang yon. Walang pilitan.

In fairness to them, may kusa naman kasi sila. At nakakatuwa na hindi lang basta "Thanks author" or "Next please". Ang hahaba at talagang in-depth ang analysis nila sa itinatakbo ng story. Nakakamiss tuloy makipagbalitaktakan sa kanila.

Pero hindi naman kasi doon galing ang drive ko talaga sa pagsusulat. It comes from within (naks haha). Kasi gusto ko lang talagang makabuo ng story, may maishare at maiwan ako dito sa FSS.

Para may babalikan akong memories. Para someday I can tell myself na, "Wow, akalain mo yun, naisulat ko yung Aguinaldo?!"

Bonus na lang yung mga stats at accolades. Basta thankful tayo na may naka-appreciate sa shinare natin.

To get to know your readers?
Hmm, in a way korek to. Although sa dami ng readers, hindi na din naman kaya ng authors na ibrowse pa lahat ng names na nakalista sa followers nila.

Yung madalas mag-PM or comment, or mga nakakachat namin, yun syempre ang talagang nagreregister. At kahit matagal nang tapos yung series, we have formed a special bond with them.

Kasi madamot ako?
Haha syado naman! Syempre as a writer, you want more people to read and enjoy your work, so bakit ko naman ipagdadamot yung story na pinaghirapan ko at ipinagmamalaki ko?

Kaya nga 'Follow' lang. Hindi ko nirequire na 'Add Friend' para hindi na subject sa author's approval dahil syempre hindi naman ako laging online. Instant acc...

About the Author :

Joined: January 12, 2019 (2 years old)
Writings: 107
Female  ·  Offline
Description:
Author of AGUINALDO
Co-author of LARAWAN by Paradoxxxx
Websites:
26  ·  72  ·  27  ·  1,569
 · 

Comments
aykus25
September 30, 2021 (2 months ago)

Miss U Miss E 🥺

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
missE
October 1, 2021 (2 months ago)

Awww miss ko din kayo🥺🤗

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
M
Mr.Aahhh
September 30, 2021 (2 months ago)

Ganda ng Agui miss E...

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
missE
October 1, 2021 (2 months ago)

Thank you Sir😅 Sinikap namin ni Paradox na pagandahin and happy kami na naenjoy nyo din

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
yulica
September 30, 2021 (2 months ago)

i read your story AGUINALDO at fb first, then at two websites. then someone ask me to signup at nooker to get fresh updates kasi nagagandahan talaga ako sa story mo.pero d ko din type magbasa dun sa nooker. i also recommended ur story to two friends and they love it too, kaya lang, dun lang sa mga sites na nangongopya, dun na sila nagbabasa. dun na kami nag antay ng updates. gustong gusto ko ang ending, as in tumulo luha ko dun sa ginawa ni greg at dun sa time na nagbalikan sila. tears of joy yon, kasi happy ending.
tagal ko na to nakita ang fss everytime mag google ako ng updates, pero kasi ayaw ko mag sign up pa. finally nag open na ako ng account and i was surprise to find my fave stories almost lahat andito pala and mga original post pa. sobrang saya ko. nakaka interact pa with some authors. kaya i made it a point na mag comment and like and heart para magpa sipsip sa author hahaha. just to give a little motivation lang, so i can continue reading updates.

no strings attached

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
missE
October 1, 2021 (2 months ago)

Hello sis. Glad you liked the ending!
Dito sa FSS and sa Wattpad lang ako nagpopost, buti nagsign up ka na dito finally. Read the stories straight from the authors pagkalapag, mainit-init pa😉 Welcome to FSS!🤗

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
yametee007
September 30, 2021 (2 months ago)

Imy missE, magbabalik n po ba kayo?

Silent reader hereeee

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
missE
October 1, 2021 (2 months ago)

Awww🤗 Di naman ako nawala sa FSS, padaan-daan pa din sa chatroom pag medyo free. If you mean kung babalik na ba sa pagsusulat ng stories, ahh ehh... malabo pa sa ngayon eh😅

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Elpistolero
September 30, 2021 (2 months ago)

Ayun! May bagong update! Ay pucha! Blog pala! Joke lang po! ✌️Di na nga ako nagrereklamo na ang tagal ng kasunod sa Namulat. Kahit dilat na kami sa kahihintay. 😬 Gawa ka naman ng mga one-shot stories mo na itinatago diyan, madam! 👍

“ If your gut tells you something is not right, it is usually right. “

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
missE
October 1, 2021 (2 months ago)

Sir Elpis! Nako inaamag na nga sa baul pati yung mga drafts ko ng one-shots. Kaw na lang kasi muna magsulat eh😁

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
diegomadara
September 30, 2021 (2 months ago)

Merry christmas and happy new yr miss E,,,,, i think first ako pag great sayo hehehe, kasi if bagong labas yung agui, maraming na first honor sa comment hehehe, well .... nice to hear from you again miss E,,, keep safe!

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
missE
October 1, 2021 (2 months ago)

Naaaks nakauna din hahaha
Happy holidays din sayo Sir Diego!🤗

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
L
Larryando
September 30, 2021 (2 months ago)

KMSTA MS. E...
MISS U

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
missE
October 1, 2021 (2 months ago)

Ok lang po, may panlasa at pang-amoy pa naman😅 miss ko din po kayo🤗

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
icephantom11
September 30, 2021 (2 months ago)

sana all tulad mo!  Miss you !

Malibog ako kahit tanong mo pa sa jowa mo!

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
missE
October 1, 2021 (2 months ago)

Nako wag, edi lahat topakin😅

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
W
Waters
September 30, 2021 (2 months ago)

Muzta missE :)

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
missE
October 1, 2021 (2 months ago)

All good, Sir Waters. Payting lang😆 Musta din po

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Desss
September 30, 2021 (2 months ago)

Very well said, madam. Thank you for writing your wonderful stories. Stay safe

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
missE
October 1, 2021 (2 months ago)

Thank you, Ms. Desss. Keep safe din po author

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
C
cjeromet
September 30, 2021 (2 months ago)

salamat author
nabasa ko aguinaldo mo at para akin ito ay isang masterpiece mo...
nakaukit na ito sa fss...

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
missE
October 1, 2021 (2 months ago)

And thank you din po sa pagsubaybay ninyo sa Agui and sa appreciation nyo sa naiambag namin🤗

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
junkabul
September 30, 2021 (2 months ago)

Basta ako hindi kailanman naglagay ng restrictions sa aking mga stories. But sad to say, wala pa rin nagbabasa sa aking mga likha. May mga iilan readers din naman na hayagan nagsasabi sa comments at PM na ang gaganda nang aking mga likha. Nakakataba ng puso pag alam mong may nasisiyahan sa kanilang nababasang kwento. Ang hirap sa ibang readers dedma lang sa pag like, comment o hearts. Masama bang mag like sa isang kwento na nagustuhan mo?

I decided to stop writing dahil hindi naman pala nagugustuhan ng ibang readers ang mga obra ko.

But, for those readers who are patiently waiting for some updates sa aking mga kwento ay baka magsulat muli ako. Nakakalungkot dahil 1 year and 7 months na akong hindi nakapagsulat.

Sa mga taga subaybay nang aking mga kwento ay maraming salamat sa suporta. Mabuhay po kayo. Keep safe everyone.

You will never appreciate a simple composition not unless you have created a single piece of work.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
missE
October 1, 2021 (2 months ago)

Thanks for dropping by my blog, author Junkabul

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
A
andresmacoy0917
September 30, 2021 (2 months ago)

well said MissE. waiting for your next story updates. stay safe

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
missE
October 1, 2021 (2 months ago)

Baka matagalan pa Sir Andres ha😅 Keep safe din po!

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
paradoxxxx
September 30, 2021 (2 months ago)

Nung una kong magpost ng story ko sabi ko bahala na kung di nila to magustuhan. Kasi sakin eto tipo ng story na gusto ko.

So ayun kahit papaano meron mga nag likes at comment na di ko naman inaasahan. Mas nakadagdag inspiration sa akin as 1st time sumulat.

Sabi ko sa sarili ko... itong mga naunang tumangkilik sa kwento ko di ko sila hahayaan bitawan itong Lara. Kahit konti lang sila alam ko na kaparis ko sila na gusto ang takbo ng kwentong ito.

Ayun hanggang sa huli kasama ko sila may mga nadagdag na kusang nagbigay ng likes.

Ganun pala yun pag isinapuso mo pagsusulat meron at meron din magmamahal dun sa kwentong nalikha mo.

Kahit iilan lang sila alam mo sa sarili mo na hindi pilit yung pagmamahal nila sa ginawa mo🤗.

Reply  ·  Like (3)  ·  Report
missE
October 1, 2021 (2 months ago)

Naks haba, bat di mo pa ibinlog to?😁✌

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Yamathicc
October 1, 2021 (2 months ago)

First, I love your Aguinaldo series. Ang problema kasi MissE, parang SAPILITAN ang pagbibigay ng LIKES, HEARTS, COMMENTS para sa isang writer. Mababasa mo lang kapag certified liker ka or palaging nagkocomment? Which is DISGUSTING. Para ma add ka sa friend list at makapagbasa kelangan active ka sa likes comments etc. KUNG MAGANDA ANG STORY MO, DI KA KAILANGAN MAMILIT. Hindi ba? Ayos pa ako sa follow eh.

Ngayon nagkakaroon na ng BEGGING para makapagbasa. I know, the author is enjoying the attention na binibigay ng mga NAGMAMAKAAWANG readers para makapagbasa. Pathetic and disgusting! Again, my two cents

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
missE
October 1, 2021 (2 months ago)

Oh ang puso, kalma lang😆
Basta happy kami that you loved Agui😁

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
anino
October 1, 2021 (2 months ago)

Oh, shit! Here we go again!



hahaha

The Wanderer!

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
missE
October 1, 2021 (2 months ago)

Kalma lang Sir🤣

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Dalawat
October 1, 2021 (2 months ago)

Well said Miss E, tama naman na ilabas mo rin yun nararamdaman mo. Saka stories mo naman yun so you can choose who to read or not to. Nakakatakot kasi na makopya at makita mo na Lang sa ibang sites ang gawa mo. All the best, Miss E. Nagsusulat din ako at parehas lang tayo na ayaw ko na magamit ng iba yun stories ko ng walang paalam man lang. Salute to you

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
missE
October 1, 2021 (2 months ago)

Kaso nga lang author parang kabute pa rin namang nagsusulputan sa ibang sites eh, wala rin😤😆

Kaya as I've said, that is not the reason why I filter readers. Umiiwas lang talaga akong madistract ng kanegahan habang nagsusulat. Pag nabuo ko na yung story, aalisin ko na yung restriction, sige banatan na nila😁

Thank you for your insights and keep writing po Sir Dalawat

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Addy_Lanzon
October 1, 2021 (2 months ago)

Oh pasuyo naman tabi kayo diyan dadaan ang isa sa mga reyna ng FSS wag niyong harangan para makadaan. Hayyy naku namimiss ka namin MissE balik ka na di naman kami galit eh, hahaha, pero btw may point ka naman dun sa sinabi mo MissE, para sakin parang pareho lang naman at fault yung author at tsaka yung reader, hay naku, meron naman kasing mga reader na mga garapal magrequest, diyos ko mga akala mo naman kung sino, gusto agad-agad, diba puwedeng makapaghintay? Wala bang mga sariling buhay at yung oras palaging ilalaan dito? Naku ha, at tsaka sa author naman ano lang din kasi hindi namamansin yung iba, wala lang, parang mga bingi o bulag ganon.

Siguro dahil na rin meron silang experience sa mga reader na alam mo na, parang counter measure na rin ganon, pero sa usapin ng restriction, hindi sa may kinakampihan ako ah, pero discretion na rin siguro ng author yun, na ganun ang gawin niya. Hindi mo siya madidiktahan dun, siguro naman hindi yun ilalagay dito sa site kung walang rason diba.

Hence to fight and conquer in all your battles is not supreme excellence; supreme excellence consists in breaking the enemy's resistance without fighting. - Sun Tzu

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Addy_Lanzon
October 1, 2021 (2 months ago)

Yun lang, kasi matagal ng usapin dito sa site about sa mga restriction eme, sumasakit ulo ko diyan, baka pagsimulan na naman ng gulo yan dito, gusto ko lang ho maglibang, wala nang iba. Maraming salamat po Miss E!

Hence to fight and conquer in all your battles is not supreme excellence; supreme excellence consists in breaking the enemy's resistance without fighting. - Sun Tzu

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
missE
October 1, 2021 (2 months ago)

Sir Addy! Yup it's up to the writer naman kung paano gagamitin yang restriction eme. Inexplain ko lang why I put Followers Only restriction on a pending series, nasasabihan kasi ako lagi sa PM na madamot eh😅

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
YourAdulteress
October 1, 2021 (2 months ago)

May bagong issue ah? LOL!

Someone is asking kung babalik ka na sa pagsusulat, MissE

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Addy_Lanzon
October 1, 2021 (2 months ago)

Naku Ms. Leah, hindi na bago yan, rinding-rindi na rin ako sa issue na yan, ah ewan, basta ako magbabasa lang.

Captcha: calm.

Yan perpek.

Hence to fight and conquer in all your battles is not supreme excellence; supreme excellence consists in breaking the enemy's resistance without fighting. - Sun Tzu

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
missE
October 1, 2021 (2 months ago)

Ay Sir Addy, may PM nga pala ko ha, pakicheck na lang😁

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
missE
October 1, 2021 (2 months ago)

Nako can't tell pa Ms. YA. Mas priority kasi ang real life kesa sa virtual world eh.😁

Nice seeing you here po. Regards to Ms. LM and the gang😉

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
YourAdulteress
October 1, 2021 (2 months ago)

Makakarating, MissE. Si Coleen din pala ang nagpapatanong Lol! She's on a break right now at sobrang busy din sa private life.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
james2400
October 1, 2021 (2 months ago)

Nakita ko p lng logo mo naexcite nko. Akala ko m bgo k n ipo promote n story mo. Nakakamiss mga stories mo. Stay safe always. Sna you will find time and inspiration to write again. Salamat uli...

Reap what you sow

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
missE
October 1, 2021 (2 months ago)

Haaay oo nga eh, I hope so too. Nakakamiss na din magsulat.
Thanks Sir James🤗

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Lowkeymali
October 1, 2021 (2 months ago)

Ako fan na ako simula pa lang ng true story mo. Baka naman haha

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
missE
October 1, 2021 (2 months ago)

Ohh noon pa pala kita reader Sir Bakal, salamat ha.
Nako tambak pa nga ako ng drafts ng mga fiction eh. Ikaw dyan ang magsulat, share mo overseas adventures mo😉

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Dickiesfubu88
October 1, 2021 (2 months ago)

Basta ako I love reading lahat ng gawa mo eversince the world begun hehe. There's just really something in the way you write na mahirap iexplain. Kumbaga may sarili kang style or tatak na ikaw lang ang makakagawa. Gaya rin ng iba ko pang favorite authors. Yun bang tipo na kung iba ang magsusulat ay hindi na sya magiging ganun kaganda at maituturing na isang obra. From your true stories to your fiction, I just simply love them all. I have been reading all of them nang paulit-ulit, but the effect is still the same. Nakakaexcite pa ring basahin. Kaabang-abang pa rin though di mo na dapat abangan kasi nga nakapost naman yung kasunod hehe. And speaking of abang, NAMULAT 2 yun ang sigurado akong pag naipost mo na ay tiyak na mag-uunahan kami sa pagku-comment at pagbabasa 😅

maginoo pero medyo bastos

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
missE
October 1, 2021 (2 months ago)

Aww salamat, katouch naman. Kaso inuuto mo lang ata ko Sir DF para mag-update ako eh😂✌ Yaan mo balang araw maitutuloy ko din yon😅

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
9791cloud
October 1, 2021 (2 months ago)

Hi MissE!  Totally Agree!

cloud9791

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
missE
October 1, 2021 (2 months ago)

Hi Sir Cloud! May sense naman kahit konte yung pinagsasabi ko di ba😅

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Panatiko
October 1, 2021 (2 months ago)

Agree... and also... authors don't need to explain themselves... in fact... nobody needs to explain themselves...

Don't confuse me with a devotee...

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
missE
October 1, 2021 (2 months ago)

True. We're not answerable to anyone here naman. Still, I wanted to share my thoughts about the Restriction feature, hence this blog.

Thank you, author, for dropping by.😊

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Archer14
October 1, 2021 (2 months ago)

Hot topic!!! Parang logo mo lang. Nag aapoy, nag liliyab. Tatak MissE!

Hindi ko alam bakit daming pumupuna pag ginamit yung restriction na si Admin naman ang naglagay. Kung anu ano agad ang iisipin. Kung anu ano agad ang sasabihin. Ilalagay ba yan ng Admin ng walang magandang dahilan?

Hayaan lang yung mga writer na naglalagay ng restriction
Kadali naman mag follow. Kung hindi naman tayo i aacept matapos mag friend request sa kabila ng nag pm na tayo eh di wag! Marami pa namang kwento na maaring basahin pa. Wag natin pilitin yung ayaw. Baka dumugo.

Ibalato na natin kay Author kung ano gusto nya gawin sa mga story nya. Sya naman ang nagpagod at nagpakahirap sa kwento na binuo nya. Wag na natin sila pag isipan ng kung anu ano. Doon man lang eh maipakita natin yung suporta natin sa kanila.

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
missE
October 2, 2021 (2 months ago)

Di siguro talaga maiwasan yan hepe kasi iba-iba tayo ng opinions. Basta ba chill lang sana ang lahat. Kaya sa inyo na lang ako nagrarant in private eh😅

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Bebeko
October 1, 2021 (2 months ago)

Nice blog. Mas maiintindihan ng mga followers mo ang ibang perspective mo sa mga binanggit mo sa itaas. To each his own sabi nga. But I'm glad to see you find time to post something.

Marami nang nag-aabang sa mga obra mo kaya sana magkaroon ka na ulit ng panahon.😊

"Freedom is absolutely necessary for the progress in science and the liberal arts." - Baruch Spinoza

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
missE
October 2, 2021 (2 months ago)

Di ko kasi Sir matanggap na ang damot ko daw eh, kaya napa-blog tuloy😅

Opo, hopefully makapag-update ulit soon. Thanks Sir BBK😊

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Dickiesfubu88
October 2, 2021 (2 months ago)

Hehe grabe naman inuuto talaga? Di ba pwedeng nilalambing lang hehe...but you know naman that I'm willing to wait kahit gaano pa yan katagal kasi alam ko namang it will be worth it. Tried and tested ko na yan. Kaya walang paghihintay na nasasayang.

maginoo pero medyo bastos

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
missE
October 2, 2021 (2 months ago)

Basta darating din tayo dyan, Sir DF. Balang araw😅

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
V
vashers
October 2, 2021 (2 months ago)

One of the greatest author ka MissE!!
Keep safe

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
missE
October 3, 2021 (2 months ago)

Nako nag-try lang po mag-ambag, buti na lang nagustuhan din ng ibang nakabasa😅
Keep safe din po, Sir Vashers!

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Judie19
October 3, 2021 (2 months ago)

Hi ate MissE.. We miss you so much.. Una ko talagang nabasa tong AGUI sa facebook pangalawa sa libogstories tapos sa nooker then hanggang sa napansin ko mas updated dito sa FSS. I decided na mag signup na dito sa FSS hanggang sa natapos ko lahat.

By the way I'm the author of Husband Fantasy..

IF ANYONE WOULD READ THIS COMMENT?

I really gladly greatly inspired to wrote my story because of her ate MissE.. Yes.. Tama kayo sa pagkakabanggit ko.. Well, since hindi na raw makapagpost or something a new series na ikinagigiliwan ng ilan, so I decided my own way para naman ma inspire din kayo katulad ko na magsulat ng story..

From ate missE naman pasensya na po kasi may ilan kasi akong kinuha sa mga Title like yours. Diba yong title mo Aguinaldo 1: Pantasya at sakin naman Husband Fantasy 2: Ang Pantasya
Parang kinopya ko lang kasi dati sa iyo pero malayo naman sa istorya. Sinadya ko lang gawin iyon para mas maayos yung title na pagkalalagyan.

Ikaw po yung inspiration ko na magsulat LOVE U!

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
missE
October 3, 2021 (2 months ago)

No prob po, madami naman talagang stories dito na may term na 'Pantasya' sa title.

Congratulations on your writing debut and sana marami pang ibang members ang sumubok din magshare. Sulat lang po ng sulat and keep honing your craft😊

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
MisterND
October 3, 2021 (2 months ago)

Ako sabi ko nokng first ko magsulat na ang sarap pala magsulat ng story yung tipong pinag gugulan mo ng oras. Aminado ako na nakakaboost na pala ang magcomment at like sa story ko gawa to the point na mag makaawa na ako. Inisip ko din maglagay ng restrictions pero sabi ko nga libre ko shinare ang talent ko libre ko din ipapakita. In my opinion wala masama mag restrict ng story pero nacucurious ako bakit ba kailangan ma restrictions ang iba. For avoid negative criticism? For boost confidence? For avoid plagiarism? Eh nasa tao lang naman yun. Ako nga magpasalamat na umaabot sa libo ang views kahit ilang beses mo bisitahin okay lang atleast nageffort sila. Okay lang sa akin kahit tapusin o di na maglike and heart and comment atleast naexpress ko ang sinulat ko. Saka you cannit please anyone naman depende sa mood lang anong trip niyang basahin basta ang mahalga ay naishare natin ang talent natin ng libre at mapalad tayo libe natin nababasa ang gawa ng kapwa manunulat ko. Just support lang.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
superfranky
October 4, 2021 (2 months ago)

Dami nilang "entitled" lol.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
C
Creeker
October 5, 2021 (2 months ago)

Okay lang yan kahit ano pang restriction lagay mo ikaw naman ang writer maam. Aabangan ko pa din uodates mo idol at sana mapakinggan kita ulit sa fss radio hehehe.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
R
ronnvampire
October 6, 2021 (2 months ago)

I can relate to your sentiments. I wrote under two different names here, and with this name in a different site, and iba talaga ang mga entitled readers dito sa fss. I've encountered people na minumura ako because of what is clearly marked fiction, and honestly I'd rather not get any feedback at all (it's why I tended to disable comments, though THEN they PM me to just say abusive things). I eventually stopped writing and deleted my writings. Alam nung mga nasa kabila din na mahaba na itinakbo nung story, but it's simply impossible to share it here. :/

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
J
jaburrak12
October 6, 2021 (2 months ago)

Hi Miss E sana makagawa ka na ulit ng bago mong obra ang husay mo kasi mag deliver ng story binabalik-balikan ko ung agui mo hope to read your new stories soon

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
R
russelbogtong
October 6, 2021 (2 months ago)

When you said na "Numbers don't define us as writers..." I came to realize a lot about your personality. Nakakainspire tong mga gantong linyahan with all humbling honesty. Salamat sa Aguinaldo series, actually di ko pa siya natatapos, pero luckily nabasa ko to bago ko matapos yung series. Keep on having that professional attitude in writing madam MissE, try ko din makipag close sa yo in many ways possible. Aspiring writer here, and nag burn yung desire ko dahil sa mga statements mo (though still no sexual experiences though, kaya matatagalan pa bago ako magsulat) but then, thank you for this.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Stibayan
October 10, 2021 (1 month ago)

hindi ako masyadong mahusay magpahayag ng nararamdaman ko or saloobin ko. Isa ako sa mga sumusubaybay nun sa aguinaldi at maging larawan natapos ko din, salamat sa inyo ni sir paradoxxx.Noon pa humahanga na ako sa istilo ng pagsusulat mo otor, maayos ang hatag ng mga senaryo maging sa damdamin ng mga karakter.
Nung mabasa ko ngayon itong blog mo mas lalo akong humanga syo.. ngayon ko lang din naunawaan ng lubos kung bakit may restriction ang ibang mga author. isa din ako sa mga naiirita nun na tahimik na nagsasabing "p*tsa.. nagsulat pa kayo kung di nyo rin naman ipapabasa".
Now i know.. thank u very much.. sana wag kang magsawang magsulat at magbigay ng kasiyahan sa aming mga readers. GBU author!

Write to express your feelings, entertain, appreciate, and influence. Don't just write because of the LIKES. Hold the emotions and let the words dance.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
K
kokeishi
October 18, 2021 (1 month ago)

hi miss E ako masaya ako s mga gawa mu lage ko sinusubaybayan..salamat...si sir bloodysweet di n talaga nag aaccept ng.friend reqs para mabasa mga gawa nya may limit lang s mga pwd mag basa..kaya kahit sinusubaybayan ko din sya d ko n mabasa mga gawa nya isa din un s mga gusto ko kaso sayang dko na mabasa kahit nag send nako friend reqs s kanya at ng pm ndn kaso wala tlaga

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
nickz
October 19, 2021 (1 month ago)

Hi MissE Isa ako sa masugid mong fan ng agui....Basta inope.n ko fss ..agui Ang pumapasok sa isipan ko....in fairness sa ibang writer nai compare ko Ang story mo sa kanila.Para sa kin nagset ka Ng mataas na standard of writing style na mahirap gayahin.Kung sa chess pa...brilliant move and is forcing to mate the opponent in few moves...ganyan ang Agui compare sa lahat ng nabasa ko dito sa fss....again congrats and stay safe...just hoping for your next story..

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
J
justlong6
December 1, 2021 (7 days ago)

MissE, natumbok mo ang kahinaan ko, opo, ito ang tipo ng kwentong gustong-gusto kong ulit-ulitin.. Last week ko lang natapos basahin ang Aguinaldo  the best of the best of the best!! Nanginig ang kalamnan ko hehe sa galit! Kay Greg at kay Diane haha!  Flawed hero si Dennis..  siguro cuckold humillation  ang fetish niya talaga.. what if kung walang closure ang ending? hindi namatay si greg at tuloy pa rin ang  "panakaw na laro"  nila ni Diane? Tuloy lang torture kay Dinnes? What if kung may niluluto ka pang hidden chapters in between doon sa mga eksena at sa mga nangyaring okasyon sa buhay ng mga aguinaldo?  Sana po, paki- publish na rin.. salamat po sa magandang kuwento  nakakakiliti🥰.. kita mo, nanginginig na naman ako?! hehe

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Rhythms, Talks ‘n Conversations
Recent Comments