M
E
N
U

Cherry Wine

Posted in
Blog: Taglish · Categories: Non-Erotic · Tags:
Date: September 5, 2021 (3 months ago)


Author's Note:

Hi! Sorry! Pinaghihintay ko kayo sa susunod na update ng"In Too Deep" at"All Is Fair", on hold 'yung In Too Deep, tapos hindi ko pa napu-proofread 'yung All Is Fair. Rest assured, there will be an update soon [Busy lang talaga sa work/studies].

I have read the Terms of Service of FSS, wala akong nabasa tungkol sa paksa ng Blog ko na 'to so I hope hindi burahin ng Admins/Mods 'to. Sorry in advance kung may malabag ako. Hindi ko po sadya.

Somehow, I have time to write this Blog. Sa totoo lang hindi ko alam kung sa saang Category ko 'to ilalagay, Disclaimer ulit, I am not pertaining to anyone or anything. I was just inspired by a true story and Hozier's Cherry Wine song.

This is a Non-erotic Fiction Blog [Story]. This is a One-off only, wala na akong balak na sundan ang Blog [Story] na ito. Bigla lang pumasok sa isip ko 'to and here it is...

<><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><>

Alas-otso na ng gabi. Nakatayo ako sa loob ng banyo at nakaharap sa salamin ng banyo dito sa bahay. Mas marami akong kolorete sa mukha ngayon, more than what I normally put on. I'm wearing a red, knee-high dress. It compliments my red lipstick, my long black hair and my velvet clutch bag. Nag-vibrate ang cellphone ko sa loob ng bag. Dahan-dahan kong binuksan ang bag at kinuha ang cellphone. Sinilip ko muna kung sino, si mama pala...

Mama: "...'Nak, kumusta ka dyan?"

Ako: "Ahm, 'Ma... Ok lang po ako..."

Mama: "... Sigurado ka 'Nak? Uwi ka na lang dito, nami-miss ka na ni Papa mo eh..."

Ako: "Mama naman... Bibisitahin ko na lang po kayo next week."

Mama: "'Nak, sige na... Umuwi ka na."

Ako: "Promise 'Ma, bibisita po ako dyan..."

Mama: "Baka naman may--"

Ako: "--'Ma, please... He's doing his best."

Mama: "... Sige, pero magtetext ka palagi ha?"

Ako: "Opo, 'Ma. I love you."

Mama: "Mahal din kita 'Nak..."

Pagkatapos ko ibaba ang tawag, nilagay ko sa gilid ng lababo ang cellphone ko. Humawak ako sa magkabilang gilid ng lababo. Tumingin ako ng matagal sa salamin, gumagaling na yata ako sa pagme-make-up. I asked myself, bakit pa kailangan mangialam nila mama sa buhay ko? Bumukod na nga ako. Besides, my husband's a good person. I know he is, kailangan niya lang ng konting panahon para ma-realize niya 'yun. Deep inside he is a good person. I know it.

Binuksan ko ang tukador sa gilid ng lababo, tumambad sa'kin ang mga gamit ko. Mga make-up, iilang skin care product at mga produktong pambabae. Hinablot ko ang petroleum jelly, tissue paper, facial wash at wet wipes. Binuksan ko ang petroleum jelly at nagpahid ng kaunti sa magkabila kong bisig. Marahan kong pinahid at tila ba minamasahe ang jelly sa mga bisig ko. May konting kirot pero kaya ko naman. Matapos kong pahiran ang mga bisig ko, sinunod ko naman ang aking mukha. Dinutdot kong muli ang mga daliri ko sa petroleum jelly, pinahid ko ito sa mukha ko at kinalat. Sa sentido, sa noo, sa mga pisngi ko, sa ilong at marahang pasada sa talukap ng aking mga mata.

Ilang saglit pa akong nag-aayos ng aking sarili nang may marinig akong yabag mula sa labas ng banyo... Sumilip ang asawa ko mula sa amba ng pintuan, kahit alam kong paparating siya ay ikinagulat ko pa rin ang biglaan niyang pagsilip.

Hubby: "Baby, hindi ka pa tapos dyan?"

Ako: "Ah... Eh, konti na lang. Saglit na lang..."

Hubby: "Ah, sige sige. Take your time baby..."

Ako: "Uhhmm ye-yeah... Patapos na."

Hubby: "Psst... Hey... I love you."

Ako: "Ah-I love y-you too..."

Umalis na siya. Dinig ko ang yabag niyang palayo sa kinaroroonan ko. Para akong estatwa habang kausap ko siya kanina. Muli akong pumaling sa lababo at humarap muli sa salamin. Nanginginig ang mga kamay ko. Huminga ako ng malalim at pinagpatuloy ang ginagawa kong pagtatanggal ng make-up.

Saglit ko pang minasahe ang petroleum jelly sa mukha ko. Napagpasyahan ko na tama na ito kaya dinampot ko ang wet wipes at bumunot ng isa. Pinahid ko muna 'to sa aking mga bisig. Unang pahid sa kaliwa, sumunod ang kanan. Bumunot ulit ako ng huling pamahid sa aking mga bisig. Sunod kong kinuha ang tissue at pinunasan ang aking mga bisig. Tuluyan nang natuyo mga ito nang punasan ko ng tissue paper.

Sumagi bigla sa isip ko ang mga saglit na marahang paghawak ng asawa ko sa aking mga kamay, naaalala ko pang nakangiti siya habang hinahalikan ang kamay ko. Marahang nilalakbay ng kamay niya ang braso ko paakyat sa'king balikat, napakatamis ng tagpo namin sa aking pagbabalik-tanaw. Dama ang pag-ibig sa bawat haplos niya sa aking balat.

Biglang bumalik ang isip ko sa kasalukuyan. Nakaharap ako sa salamin sa loob ng banyo. Hawak ang pack ng wet wipes. Kaya bumunot akong muli ng wet wipes at pinunas ito sa aking mukha. Dahan-dahan kong pinasadahan ang aking noo, sobrang ingat ko lalo na sa sa banda hairline ko na makirot. Tinapon ko ang wet wipes at kumuha ulit ng isa pa. Nagpatuloy ako sa pagpunas, sa pisngi, ilong at baba... Pinakahuli ang talukap ng aking mga mata, lalo na sa kaliwang side ng aking mata. Marahan ang pagpunas ko dito, sa ilalim ng aking mata, sa talukap sa sa gilid. Napangiti ako nang masilayan ko ang sarili ko sa salamin...

Muli nagbalik-tanaw ang diwa ko. Nasa higaan kami ng asawa ko at hinahalikan ang noo ko... Pababa sa aking ilong at muling tataas sa aking mga mata. Ramdam ko ang mainit niyang labi sa aking mata.

Saglit akong nagbalik-tanaw... At bumalik muli sa realidad. Naalis ang aking mga ngiti.

Natapos na rin akong mag-alis ng mga kolorete. Muli kong tiningnan ang sarili ko sa salamin. Ngumiti ako at sa isip ko ay pinakilala ko ang sarili ko...

"Hi, self. You're okay. You're doing great. I love you."

Hinawakan ko ang butones ng aking dress, dahan-dahan ko itong tinaggal. Hinubad ko ito at hinayaan na malaglag ang damit sa sahig ng banyo. Tumingin muli ako sa salamin habang naka-bra at panty. Tinagilid ko ang aking katawan, itinaas ang braso sa ulo at nag-pose ng saglit, tiningnan ko ang likod ko, ang tagiliran ko at ang dibdib ko. Ngumiti akong muli sa salamin...

"Thumbs up, self. I love you..."

Bulong ko sa sarili ko.

Dinapo ko ang mga kamay ko sa likod ko upang i-unhook ang mga bra ko, hinubad ko ito at nilapag sa lababo. Sunod ay yumuko ako ng konti at sinalpak ang mga hinlalaki ko sa magkabilang side ng garter ng aking panty. Binaba ko ito ng marahan. Nakahubad na ako.

Ilang hakbang lang ay binuksan ko ang shower. Lumagaslas ang tubig dito... Maligamgam ang bawat patak sa aking bumbunan. Napakasarap. Bahagyang na-relax ang katawan ko sa saglit na 'to... Pero biglang nag-vibrate ang cellphone ko sa ibabaw ng lababo, agad akong tumakbo palabas ng shower para sagutin ito. Sinilip kong muli kung sino... Si kuya.

Kuya: "Hello, bunso..."

Ako: "Kuya, napatawag ka?"

Kuya: "Kumusta ka dyan?"

Ako: "Okay naman kuya, bakit?"

Kuya: "Nangangamusta lang naman, kabisado mo naman number ko 'di ba?"

Ako: "Oo, kuya. Kabisado ko numbers niyo nila Mama."

Kuya: "Uuwi ka ba kila Mama?"

Ako: "Hindi kuya, bakit?"
...

About the Author :

Author info not found!
9  ·  7  ·  9  ·  428
 · 

Comments
User Not Found
September 5, 2021 (3 months ago)

madaming martyr sa mundong ibabaw. kahit sinagip ng at nilagay sa safehouse , meron ibang mga misis, naghahanap pa ng paraan para makakalayas at balikan ang asawa. ewan ko ba. the abuse goes into cycle on and on. sasaktan, hihingi ng tawad, sweet uli, saktan uli. sana magkaroon ng lakas ng loob mababaw man o lalaki na umiwas o tapusin na ang isang relationship  that has nothing to offer but wounds and hematomas. life is what you make it. Strive to be happy. thanks sir kentpent for this post.

Like (2)  ·  Report
User Not Found
September 5, 2021 (3 months ago)

It's a vicious cycle and also a genderless one. Thank you din sa pagbabasa.

They don't miss you and it's okay. Nights like these don't last forever.

Like (2)  ·  Report
Vannie_Fanta
September 5, 2021 (3 months ago)

A blog raising awareness about abuse?! Because why not?! Nice job Kent 👏👏👏

Captcha: docile

Adventurous.

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
User Not Found
September 5, 2021 (3 months ago)

😊 thanks for reading.

They don't miss you and it's okay. Nights like these don't last forever.

Like (1)  ·  Report
jackstone
September 6, 2021 (3 months ago)

Hindi kasi “tanggap” ng karamihan ang psych therapy dito sa pinas. Para bang may diperensya ang pag-iisip, in short “sira-ulo”, ang dumadaan sa psych therapy.

Pero ang totoo, parehong nangangailangan ng professional help ang abusado at ang biktima, lalo na sa mag-asawa.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Panatiko
September 7, 2021 (2 months ago)

Angsakit... naramdaman ko yung sugat saka mga pasa... thanks lodi... maraming takot aminin na nasa abusive relationship sila. Minsan dahil sa takot na mawala yung mahal nila, minsan dahil iniisip nilang part lang ng relationship yung away, yung iba takot na baka mas grabe yung danasin nila pag nag-attempt silang humiwalay... pero nonetheless... nobody deserves to get hurt on the relationship that they chose to be in...

Don't confuse me with a devotee...

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Faye11
September 7, 2021 (2 months ago)

You're in a relationship para maging masaya,tumawa at magkaroon ng magagandang memories. Hindi iyong palagi kang makakaramdam ng sakit at umiiyak. Stop telling yourself na you can fix him. Matagal na siya sa ganoong paraan at hindi niya balak magbago. Save yourself instead, get out habang kaya at may oras pa.
Nice one pala. Ayun lang may masabi lang 😅😁.

Just be happy ❤😁

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Rhythms, Talks ‘n Conversations
Recent Comments