M
E
N
U

Ilang Mungkahi Sa Pagsulat Ng Erotika At Sex Stories

Posted in
Blog: Tagalog · Categories: Non-Erotic · Tags: , , ,
Date: August 31, 2021 (3 months ago)


Hello there, ito ay mga mungkahi lamang. Hindi naman ako expert sa pagsulat ng kuwento talaga, dahil poetry ang literary genre ko. Kaya lang nung sinubukan ko ang erotika (and later sex stories), napansin ko na magaan ko itong nagagawa, siguro dahil sex talaga ang isa sa pangunahing nasa subconscious natin (ayon kay Freud). So gusto ko lang magshare ng kung anong nasasaloob ko tungkol sa pagsusulat nito. Mas mainam sa akin ang magsulat ng short stories kaysa series. Kung series man, hindi ko kaya ang napakahaba, dahil nawawala ako sa pagkuwento.

Heto ang aking mga mungkahi:

1. Magpasya kung erotika o graphic sex ang isusulat. Malaki ang pagkakaiba ng dalawa. Bagaman ang dalawa ay parehong naglalayong palibugin ang mambabasa, ang erotika ay nangingiliti, habang ang graphic sex ay hayagang sex. Sa Japanese culture, erotic ang tingin sa mga geisha, pero hindi naman sila hubad, nakikiliti lamang ang mga kliyente ng kakarampot na maputing balat sa batok, sa may pulso, at kung saan pa. Hindi nagbubuyangyang ang erotika, kundi nagpapalibog ito sa paraang pasundot-sundot. Parang voyeur, naninilip lang. Ang graphic sex ay total experience naman.

2. Mungkahi ko pa rin na may istruktura ang kuwento. Basic: simula, development, sukdulan, pagbaba ng tama, at katapusan. Extra bonus na kung may suliranin, na hindi naman talaga problema kundi pwedeng magdagdag ng rekado sa pagpalibog. Halimbawa, maulan kaya hindi makauwi agad, kaya makakatagpo a...

About the Author :

V

Joined: April 28, 2021 (7 months old)
Writings: 8
Male  ·  Offline
Description:
i'm full of fantasies, wanting to make them real
9  ·  9  ·  1  ·  257
 · 

Comments
jackstone
August 31, 2021 (3 months ago)

Dagdag ko lang:

1. Tamang paggamit ng mga bantas (punctuation marks).

2. Paggamit ng pangungusap (sentence), at talata (paragraph). Wag gawing isang napakahabang pangungusap ang isang talata. Hati-hatiin ang mga pangungusap, lalo na kung mahahaba at marami ang mga ito, sa pamamagitan ng paggamit ng talata.

3. Paggamit din ng talata upang makilala kung sino ang katauhan (character) na “nagsasalita” kapag nag-uusap ang mga katauhan.

4. Pag-iwas sa paggamit ng “text-speak” o “jejemon”. Ang exception dito ay kung gustong ipakita na ang katauhan (character) ay isang jejemon. Hindi magandang dahilan na ang gamit ay cellphone para hindi kumpletuhin ang pagbabaybay (spelling).

5. At sana, bago i-post or i-publish ng tuluyan, balikan at basahin muli mula simula hanggang katapusan ang akda para ma-proofread at ma-edit kung kinakailangan.

Hindi man tayo propesyunal na manunulat, kaya natin gawin ang mga bagay na ito sa ikagaganda, at least sa presentasyon, ng ating akda.

Reply  ·  Like (3)  ·  Report
V
vincegarb
August 31, 2021 (3 months ago)

mismo. tamang paghawak ng wika.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
K
kopikez
August 31, 2021 (3 months ago)

I think. Isa ring napaka halaga yung mga pangalan sa kwento.

Halimbawa: Nag tago sa si Z.T ( SHORT OF ZAK TERRENCE ) dahil pinaghahanap siya ng gobyerno.

ewan ko sa iba. pero para sakin nakaka aning. lalo na kung fiction yung tema na maraming choices na pwedeng gamitin na pangalan.

Mas ok kung gagamit nalang ng common names na di mahirap tandaan. Kase kung babalikan natin yung mga classic na stories ng magagaling na author ay hindi masyadong mapalabok ang pangalan ng mga tauhan nila sa kwento

Pero syempre karapatan parin nila yan. Na sakanila ang desisyon

Reply  ·  Like (3)  ·  Report
MisterND
August 31, 2021 (3 months ago)

Suggestion at matagal na reader ng mga iba't ibang story pag kasi sinabing Erotic story hindi nagkakahulugan na more on Erotic ang story... May mga ibang author na balanse ang normal scene at sex scene dahil kapag more on Erotic scene kasi parang nagiging porn na ito which means na pinaurge lang natin ang libog natin at mas magfocus ka lang sa sex scene.

Isa pa ang character napaka laki halaga ang character sa isang story.  Pero paano kung weak ang character niya eh di weak din ang foundation ng story.

Lastly ang ending po some na nababasa ko ay parang minadali nila ang ending ng story. For me ang pinaka crucial ng isang story ay ang ending because eto yung pinaka conclusion ng iyong story kaya kung pangit ang ending mawawala ang essence ng iyong story.

Final po tip avoid using Jargon words. Kasi halo halo ang audience at readers natin dito may professional, student and so on. Kaya kapag gagawa ng story mas maganda na use a simple words para mas naiintindihan po.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
jackstone
August 31, 2021 (3 months ago)

Ang character development ay isang kakayahan (skill) na maaaring matutunan habang lumalawak ang eksperiyensya sa pagsusulat.

Depende sa takbo ng kuwento (story development) kung ang isang katauhan ay malakas o mahina.  Nasa manunulat na kung paano nya palalawigin ang mga katauhan sa kanyang akda.

Ganun din sa takbo ng kuwento hanggang sa pagtatapos o ending.

Kasama na sa natatagong layunin ng pagsusulat ay ang “pagtuturo” o pagpapalawak ng kaalaman ng mga mambabasa. Ok naman na gumamit ng jargon, o kaya ay salitang banyaga. Madali namang i-Google ang mga terminong hindi maintindihan.

Mayroon din naman magandang dulot na pag-isipin at maengganyo na magsaliksik ang mambabasa kung mayroong mga salitang hindi maintindihan.

When a writer went to the extent of using jargons, strange, or foreign-sounding words, it’s also incumbent upon the reader to do some research to further appreciate the literary work.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Desss
September 1, 2021 (3 months ago)

These are very nice points. Subalit, ang iba sa atin ay hindi naman talagang propesyonal na manunulat. Ang iba ay nais lamang ibahagi ang kanilang mga naranasan at saloobin.

But, ill try do follow your tips, if in case ill share my story.

Thank you.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
trinket
September 1, 2021 (3 months ago)

Pasensiya po, Sir Vincegarb kung dito ako sa post niyo magtatanong. Hindi kasi ma-click ang drop down menu.
Ano po ang minimum capacity ng android phone na puwedeng gamitin to view all features ng FSS? Ni profile info ko, hindi ko makita unless i-click ko ang nickname ko sa comments section. Salamat po.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Z
Z4KTU
September 13, 2021 (2 months ago)

Gawa ka rin story ni Gigi De Lana and AC Bonifacio sir author, petmalu ka gumawa ng story eh

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
V
vincegarb
September 17, 2021 (2 months ago)

uy gigi de lana! agh. pwede!

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Rhythms, Talks ‘n Conversations
Recent Comments