End

Posted in
Blog: Tagalog · Categories: Non-Erotic · Tags: ,
Date: November 28, 2019 (8 days ago)


There are times that we need to be logical. Times we need to think. Masyado nang attached sa virtual world. Nakakalimutan na natin ang realidad. Nakakalimutan na rin nating isipin ang totoo. Sa bawat paguwi ko, madaming tumatakbo sa isip ko. Mga posibilidad at kalokohan. Mga bagay na di ko pa nagagawa. Mga taong nawawala.

May nakilala akong babae. Naging kaibigan at kakwentuhan. Naging malapit na kasama at kabiruan. Natural lang na magustuhan. Kahit napacorny ng mga jokes ko, natatawa pa rin sya. Pero alam ko naman na paraan nya yon para mapasaya din ako. Magkausap palagi tuwing gabi at madalas nadadalaw ko sya sa trabaho nya. Sinusundo at hinahatid.
Naging kasama ko sya sa panahon na mukha akong abnormal. Nagpep talk lagi na humanap na ulit ako ng trabaho. Sumubok at natanggap. Buwan ng Hunyo, kasabay ng unang sahod ko sa bagong trabaho, nayaya ko syang kumain sa labas. Kasabay din nun ang pagtatapat. Isang magandang gabi para sa akin. Siguro ganun din sa kanya.

Akala ko parang fairy tale ang kwento namin. Hindi pala. Nagkamali ako. Buwan ng Oktubre, unang linggo. Umaga. Nanlamig ang katawan sa balita. Para akong buhay na posporo. Naupos at nahilo. Di ko alam ang nangyari. Bakit nagkaganon?
Ngayon, parang alam ko na kung bakit ako naging agnostiko. Parang wala nga naman. Parang tama din ang argumento.

Mahigit isang buwan pagkatapos, balik na naman sa dating anyo ang buhay. Tahimik. Umaasa na lang sa paligid para sa maikling usapan. Nagbabakasakali na may magaabala para makipagkilala para sa pamatay na oras na kwentuhan. Matutulog at magigising. Paikot ikot. Walang katapusan. Paulit ulit.

May limang taon din ang kabuuan. Marami ring naging kaibigan. Madami daming kwento din ang iniambag. Mga kwelang jokes din ang naisama. Kasabay ng pagpanaw nya ang lakas ng loob ko at kont...

About the Author :

Author info not found!
0  ·  3  ·  2  ·  271
 · 

Comments
loque
November 29, 2019 (8 days ago)

takecare always dannyboi. xo

defend (captcha)

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
A
Alexandria56
November 29, 2019 (8 days ago)

You can do it dannyboi14. There are times you need to be happy even if its not.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
SirSimiSimi
November 29, 2019 (8 days ago)

aw

Keeper of Sexcret

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
Latest Writings
Recent Comments