Nagmahal Nang Parang Inflation Rate

Posted in
Blog: Tagalog · Categories: Non-Erotic · Tags:
Date: October 9, 2018 (10 days ago)


Ang hirap 'pag in love 'no? Tipong 'di ka makapag-focus sa mga ginagawa mo. 'Yung shampoo na dapat ay sa buhok ina-apply ay sa pagmumukha mo inilagay.

'Di ka rin makatulog nang maayos. Curious ka sa kung ano ba ang ginagawa niya, kung anong nangyayari sa kanya.

Kumain na kaya siya?
Nakauwi na kaya siya?
Nakatulog ba siya nang maayos?
Ok lang ba siya?

Unti-unti ka nang pinapatay ng kuryusidad mo.

E ikaw?
Ako?

Kumain na ba ako?
Nakakatulog pa ba ako?
Ayos pa ba ako?

Minsan hindi rin talaga maganda ang masyadong ma-fall.
Lalo na kung diretso naman pala sa lupa ang bagsak mo.
Lalo na kung wala naman palang sasalo sa iyo.

Pero nakakatuwa rin namang ma-in love kung minsan.

Nagkakaroon ka ng inspirasyon.
Maganda ang gising mo sa umaga.
Blooming ka.
Ganado ka sa buhay.

Siguraduhin mo lang na seryoso ka sa kanya. Dapat wala kang ibang pinopormahan. Huwag kang magrerebound ng ibang babae upang pang reserba kapag nabasted ka. Kung ayaw mong ika'y masampiga. One at a time lang. Matuto kang sumugal. Matuto kang magtake ng risks. Kasi ganun talaga ang pagmamahal. Walang kasiguraduhan.

Pero isa lang ang sigurado. Nagmahal ka lang. Huwag kang magsising magmahal kapag ikaw ay nabigo. Dahil kailanman ay hindi naging mali ang umibig.

Shet! Ano ba iniisip ko? M...

About the Author :

Joined: January 6, 2015 (3 years old)
Writings: 28
Send PM  ·  Male  ·  Offline
Description:
An ishvalan.
Tall, dark, and troublesome.

Suggested writings:

0  ·  2  ·  0  ·  128
 · 

Comments
9791cloud
October 9, 2018 (9 days ago)

I feel you sir. Masarap na mahirap mainlove. Sugal din talaga lalo na kung di ka type ng gusto mo kahit ano pagsuyo mo. Pero ganun talaga eh. Its better to have love than none at all daw eh ang saying. Pero sabi rin nila magtira ka unti para sa sarili mo. Para di maxado masakit pag lumagpak ka. Hehe at naniniwala din ako na meron darating para sayo. :-)

9791cloud9791

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
M
Mr.M
Monday, 15 October 2018 (3 days ago)

Magmahal ka kahit hindi ikaw ang nasa puso at isipan niya.Madaming paraan kung paano ito ipadadama.Wag mong madaliin,kulitin dapat pagtsagaan,alagaan hanggang sa may sumibol sa kaniyang kalooban.

ISO certified DOM and ATC(Ako'y Talagang Cute!)

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment