Bakit Nga Ba Traffic sa EDSA?

Posted in
Blog: Tagalog · Categories: Non-Erotic · Tags:
Date: September 14, 2018 (2 months ago)


Ilang dekada na ang lumipas.

'yun at 'yun pa rin ang problema.

Hindi pa ako sinisilang ay traffic na sa EDSA.

Sisihan dito, sisihan doon.

Wala namang maitutulong 'yung pagbabangayan nila.

Gusto ko sana baguhin ito. Ngayon malapit na ako magtapos sa kursong BSCE.

Balak kong mag-masters ng Geodetic Engineering at magfocus sa Traffic Management.

Gusto kong solusyunan ang trapik sa ating bansa.

Pero bago maayos ang isang problema, kailangan mo ng plano, hypotheses, at sandamakmak na inspirasyon.

Oo, inspirasyon. Ito kasi ang magsasalba sa iyo sa mga panahong ibinababa ka ng ibang mga tao.

Well, you can't please everyone.

Kaya gawin mo na lang kung ano 'yung sa tingin mong tama.

Balik tayo sa problema.

Bakit nga ba traffic sa EDSA?

Hmmm.

I think the main reason why EDSA is apparently congested, is the lack of job opportunities in our country.

Contradict ba? Kasi kaya nga traffic kasi "maraming nagtatrabaho sa metro manila".

No. Mali. I said. "Lack of job opportunities in the entire country. Not only in Manila."

Oo. Tama. Kasi kung may trabaho at sapat na kita sa mga probinsya, lalong lalo na sa parteng Visayas at Mindanao.

Hindi na kailangan pang lumuwas ng mga tao para lang magtrabaho sa Manila.

"Kaya traffic sa EDSA".

Kung sapat ang kakayahan ng mga local government na isustain 'yung pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan, hindi na kailangan pang gumamit ng MRT at LRT, para lang makapagtrabaho.

"kaya traffic sa EDSA".

Kasi masyadong bilang sa daliri ang focal point ng business industries sa Pinas.

"kaya traffic sa EDSA".

Kapag nagpunta ka ng ibang bansa, malalaman mong mas kilala ng mga banyaga ang "Manila" kaysa sa "Pilipinas".

See? Parang namomonopolize ng Manila ang pag-asenso. Kung sapat lamang sana ang bilang ng mga trabaho sa atin. Hindi na rin sana kailangan pang mangibang bansa para lang magtrabaho.

Bwisit!

Kung hindi lamang sana traffic sa EDSA.

Milyon milyong piso ang nawawala kada segundo nang dahil lang sa traffic sa EDSA.

Hay, kawawa naman tayo.

Puro ba reklamo? Asan ang solusyon ko?

Ang solusyon ay ang pagpapanukalang gawing "Philippine rate" ang sahod sa atin. Get rid of that "Manila rate" and "Provincial rate".
Ganun din e. Hindi ba't mas mahal ang bilihin sa Manila? Kung susumahin, halos parehas lang.

I know many of you guys will disagree with that notion.

Pero para masolusyunan ang traffic sa bansa, lessen the volume of workers in that particular area. Give more job opportunities in provinces.

At maayos na train system. Pero TRAIN LAW lang ang meron tayo. Pwe. Buwisit na inflation iyan.

Namiss ko nang uminom ng Tang. Tangina nila.

But yea, i would love to help to build more...

About the Author :

Author info not found!
7  ·  0  ·  0  ·  450
 · 

Add New Comment
Recent Comments