darkcipher

Joined: July 14, 2013 (6 years old)
Writings: 52
Send PM  ·  Male  ·  Offline
Description:
"I love Halloween. the one time in a year where everyone wears a mask not just me. people think its fun to pretend that youre a monster. me, i spend my life pretending im not."
Signature Text:
"The character's attitude is more important than plot." - Stephen J. Cannell

Author writings 54

1 of 6

Filter : name=darkcipher

Tanong

Submitted by on May 12, 2019 (2 months ago)
Posted in Poem: Tagalog · Categories: Erotic · Tags: , ,

Minsan sa aking pagmumuni muni
Ang alala mo'y bilang sumagi,
Ako'y natigilan at napaisip:
Ano ang kahulugan na kalakip?

Sapagkat matagal na ding panahon,
Nang subukan kong lumabas sa kahon.
At iyon ay hindi katanggap tanggap-
Ang dami nilang rasong nahagilap.

Kaya't sa Maykapal naitanong ko:
Kung ako ba ang inilayo sa'yo?
O dahil sa mga pangyayari rin,
Ay ikaw ang inilayo sa akin?...
1  ·  0  ·  0  ·  190

Balintanaw

Submitted by on May 10, 2019 (2 months ago)
Posted in Poem: Tagalog · Categories: Erotic · Tags: , ,

Nakita kita noong minsan,
Sa likod ng dating tagpuan;
Malaki na ang kaibahan
Ngayon sa panahong nagdaan.

Pinili kong wag kang lapitan,
Dahil ayaw kong may masaktan;
Sapagkat ang kasalukuyan
Ay hindi ayon sa nakaraan....
1  ·  2  ·  1  ·  221

Hanggang Dito Lamang

Submitted by on March 8, 2018 (1 year ago)
Posted in Poem: Tagalog · Categories: Erotic · Tags: ,

Hindi ko alam kung anong kapangyarihan,
Ang nagtulak sa akin na ika'y lapitan;
Dahil kaya sa iyong angking kagandahan?
O di kaya'y sa 'yong taglay na kabaitan?

Nagdudulot ka sa kin ng kaligayahan,
Sapagkat ang tulad mo'y di pangkaraniwan;
Bagamat ako'y nasa dakong kababaan-
Di mo ginagawa na ako'y maiwasan,

Kaya kapag may ilang araw na dumaan,
Na hindi man lamang kita nasisilayan;
Unti unting bumabalot ang kalungkutan
Hanggang sa ako ay kanya ng matabunan.

Kayat aking pasalamat sa kaitaasan,
Sapagkat hindi mo ko pinagdadamutan;
Kaya't isa sa aking mga kahilingan:
Manatili kang ganyan magpakaylan pa man.

...
3  ·  2  ·  1  ·  1,127

Patawad

Submitted by on February 5, 2018 (1 year ago)
Posted in Poem: Tagalog · Categories: Erotic · Tags: , ,

Patawad sa mga pagkukulang,
Mga pagkakamaling di mabilang-
Alam mo namang isa kong kulang kulang;

Ang saktan ka'y di ko nilalayon,
Iniibig ko sanang makaahon:
Ngunit ako'y inabutan ng kahapon.

Ilang pagluha mo'y ako 'ng sanhi,
Ngunit ako'y iniibig mong muli,
Hari-nawa'y huwag yaong mapapawi.

Ngunit heto na naman nga ako,
May kasalanang muling inaako,
At muling umaasa sa pag-ibig mo.

Lam kong sagad na ang 'yong pasensya,
Ngunit ako'y humihirit minsan pa-
Na ako'y iyong muling patawarin na.

Akin lamang maipapangako,
Na sa dulo nito'y ikaw at ako-
Hanggang sa huling tibok ng ating puso....
2  ·  0  ·  1  ·  1,040

Hiram (Huling Bahagi)

Submitted by on December 14, 2016 (2 years ago)
Posted in Poem: Tagalog · Categories: Erotic · Tags: , ,

At ang oras ay dumating na,
Gaya ng isang sakuna;
Pero kung tutuosin nga
Ay mas masalimuot pa.

"Hanggang dito na lang tayo,"
Naalala kong sabi mo;
At doon ko napagtanto-
Pag-ibig mo'y di totoo.

Ako'y napasakarimlan,
Mula ng iyong iniwanan;
Ang panahong hiram naman,
Di mababalik kaylanman.

Akin ngang isinangguni,
Kung mas mainam magbigti;
Sa'yong pag-ibig ay sawi,
Sa aki'y ano pang nalabi?...
0  ·  3  ·  2  ·  1,957

Hiram (Ikalawang Bahagi)

Submitted by on December 13, 2016 (2 years ago)
Posted in Poem: Tagalog · Categories: Non-Erotic · Tags: ,

Pinili kong ibigin ka,
Kahit na ba magkaiba-
Sa aki'y idinidikta
Ng isip ko at konsensya.

Ano pang masasabi ko?
Bukod sa "ako di'y tao,"
Kung sa inyo'y mali ito:
Mamatay na ipokrito.

Ang ating pagmamahalan,
Nawa'y magpawalang-hanggan;
Kahit ating nalalaman,
Na malubak ating daan.

Kung dilim ma'y pumarini,
Subukan tayong magapi;
Wag kang magbakasakali-
Ni magduda ng sandali.

...
1  ·  3  ·  1  ·  2,242

Hiram

Submitted by on December 7, 2016 (2 years ago)
Posted in Poem: Tagalog · Categories: Erotic · Tags: , ,

Ako nga ay nagtataka-
Kung bakit gantong nadarama;
Kahit di ka pa nakita,
Parang ikay iniibig na.

Sadya nga bang mapagbiro
Ang tadhana at ang mundo?
Sa dinamidaming tao,
Sa'yo pa ako napako.

Akin namang nalalaman,
Pati't nauunawaan;
Na ang iyong kalagayan
Di pwedeng pang isahan.

Ngunit akin ngang pinili,
Na karununga'y ikubli-
Ang tino'y iisang tabi:
Saka na lang magsisi.

Copyright:MgaTula niBeano...
2  ·  2  ·  1  ·  1,787

Pagbabago..?

Submitted by on October 20, 2016 (2 years ago)
Posted in Poem: Tagalog · Categories: Erotic · Tags: , , ,

Ako'y nakatayo sa dakong ito,
Naghihintay na mag-iba ang mundo;
Nagbabakasakali na magbago,
Pati rin gawi ng mga tao.

Ngunit sa paghintay ba'y may resulta?
O ito'y mauuwi rin sa wala?
Dahil sa nakagawiang sistema,
Ay hindi na rin ako makalaya.

Madali lang ang maging karaniwan,
Tatanggapin lang kung anong nariyan;
Anumang higit ay huwag asahan,
Ang kagalinga'y wag pahalagahan.

Ngunit ako'y dumating sa punto,
Na ibig ko na nga ng pagbabago;
Wag gugulin ang buhay ng ganito-
Walang maiwang bakas parang animo.

Kaya't ninanais ko ang humusay,
Maging bihasa sa isa mang bagay;
Kung kulangin man sa talentong taglay,
Sa pagsusumikap ay wag magsinsay.

Pero di ko kaya to ng mag-isa,
Kakailanganin ko ng kasama;
Ngunit sa aking paghanap ay wala,
Paano ko kaya yun magagawa?...
0  ·  0  ·  0  ·  1,098

Only God Knows Why

Submitted by on March 18, 2016 (3 years ago)
Posted in Poem: Tagalog · Categories: Erotic · Tags: , , ,

Sa aking paglakad sa buhay na ito,
Madami din akong nakahalubilo,
May iba't-ibang uri ng mga tao:
May mga hayop na nasa katawang tao.

Akin ngang batid na ang tao'y di perpekto,
Kahit anong lapit, ito'y nalalayo;
Gumawa man ng mainam at ng buo-
Makakakitaan ng pagkukulang 'to.

Ako nga'y may ipapamanhik sa inyo;
Na ako'y tao din naman na tulad ninyo-
Sa paghatol nyo nawa ay mailayo,
Pagka't talastas kong paghatol nyo'y liko.

Heto ako humaharap, nakatayo,
Nagsasalitang walang halong lilo,
Sapagkat ayaw kong kayo'y mangalito,
Sa kabuoan ng aking ikukwento.

Pagka't ako'y may iwi-iwing kung ano,
May kinikimkim dito sa aking puso,
Nagtitimpi na lang na 'wag masabi 'to,
At baka ikagunaw ng aking mundo.

Ngunit dumating ako sa ganitong punto:
Na ang damdamin ay di na maitago,
Kaya sana bago lumisan sa mundo...
1  ·  2  ·  2  ·  1,204

Muli

Submitted by on March 6, 2016 (3 years ago)
Posted in Poem: Tagalog · Categories: Erotic · Tags: , ,

Kung maaari lamang na maititik at maisulat,
Ang mga pangyayari sa ating buhay at maging aklat-
Sa aking tingin ang ilang kabanata ay di sasapat;
Upang maikuwento ng walang pagsisinsay ang lahat.

Pagkat madaming pinagdaanan ating pag-iibigan;
Mga panahong nagtalo'y di na din mabilang kung ilan,
Dumating din sa punto na pag-ibig ay pinalamigan-
Sa sobrang lamig ay muntik nang humantong sa hiwalayan.

Kung sa panahong yaon ay muling tumibok ang puso mo;
HIndi kita masisisi pagkat gayon din naman ako,
Sadya nga yata talagang marupok ang mga puso-
Na dumadanas ng di kawatang kalumbayan sa mundong ito.

Ngunit tama nga ba sila sa kanilang akala?
Na ang tinatawag na tadhana ay mapaglaro talaga?
Pagkat pagkatapos ng lahat at ang bagyo'y humupa na-
Ay heto na tayong dalawa muli gaya noong umpisa

Sa Kanya nga'y aking pinapanalangin at hinihiling;
Na nawa'y sa 'ting mga mata'y mawaksi ang mg...
1  ·  7  ·  0  ·  1,573
Latest Writings
Recent Comments