M
E
N
U

Pusanggala

Joined: August 15, 2015 (4 years old)
Writings: 30
Male  ·  Offline
Description:
Pusanggala ang sa aki'y turing
Laman ng kalsada, bangketa pa man din
Ngunit kahit gala, utak ko ay timawa
Sang laksang punyal, balaraw na isipan

Author writings 24

1 of 3

Filter : name=Pusanggala

Pighati At Ngiti

Submitted by on June 20, 2020 (20 days ago)
Posted in Poem: Tagalog · Categories: Erotic · Tags:

Pighati at Ngiti

Sa likod ng bawat ngiti
Ay pagluhang dalamhati
Mula sa yong pag alis
Sa buhay kong puno ng hapis

Di malaman, san isusuling
Mga paninging kay dilim
Pagkat sa balintataw ko'y
Mukha mo ang nakapaskil

Mga paa'ng pagal di ko na nga maihakbang
Papunta sa kaliwanagan, nang isipang puno ng karimlan
Saan hahantong ang panimdiman?
Sa napipintong kamatayan!!

Ako sana'y muling gabayan
Nang sintang kay tagal inasam
Na makapiling at makasama
Nawa habang nabubuhay

excerpt from Pluma At Papel
series 1997...
0  ·  0  ·  0  ·  154

Asan Ka Na?

Submitted by on June 15, 2020 (26 days ago)
Posted in Poem: Tagalog · Categories: Erotic · Tags:

Asan ka na???

Asan na ba ang saya
Ngayong tumalikod na
Ang damdaming sigla
Noong tayo pa

Asan na ba ang ligaya
Kung mga mata'y luhaan na
Pano nga ba sisigla
Kung ang lakas ko ay wala na

Pagal na damdamin
Saan nga ba ibabaling
Kung sa bawat paglingon
Ngiti mo ang salubong

Pighati at lungkot
Muli sa aki'y babalot
Na kahit na manikluhod
Sa harap mo'y parang tuod

Kayanin nawa ang siphayong eto
Pagkat kung hindi, di alam san ang tungo
Ibayong lumbay pumuno sa damdamin ko
Sukat ikaparam, malagot ang hininga ko

excerpt from Pluma at Papel... s.1997...
0  ·  0  ·  1  ·  147

Paglisan Mo

Submitted by on July 30, 2019 (11 months ago)
Posted in Poem: Tagalog · Categories: Erotic · Tags:

PAGLISAN

series of 1997 Paalam Inay

Mga matang kay lamlam, pusong luhaan
Sa iyong paglisan, aking minamahal
Nawa'y baunin mo pusong naghihingalo
Nagmamaka awang manatili sa piling mo

Sa kabila ng lahat ikaw ay lumisan
Karakang tumalikod sa ating sumpaan
Na walang bibitaw sa ating pagmamahalan
Bagkus magkasama natin etong bubunuin

Paalam mahal sa iyong paglisan
Baunin nawa aking pamamaalam
Maging ang puso kong para sayoy tulisan
Isang pusong sinungaling at tunay mapanlinlang

Aking tatanggapin ang iyong nais
Ngunit hindi iwawaglit ang aking damdamin
Sa babaeng tunay at tangi kong nilalangit
Pinag aalayan ng tunay na pag ibig...
1  ·  1  ·  1  ·  415

Landas Na Madawag

Submitted by on July 15, 2019 (11 months ago)
Posted in Poem: Tagalog · Categories: Erotic · Tags:

LANDAS NA MADAWAG

Landas na madawag akin ngang tinahak
Mula ng magkaisip mga paa'y mailakad
Di inalintana anuman kahihinatnan
Maging ang siphayong dulot sa magulang

Tunay na namuhay sa gitna ng dilim
Sa landas na madawag kahit na walang sapin
Ang mga paang sa paghakbang kay tulin
Madilig lang ng dugo eto ngang landasin

Di inalintana ang kirot at daing
Sa bawat patak ng luha ng Inang nagdidimdim
Sa pinagkakamapuring anak
Ngayo'y batik ng lipunan sadyang kay rimarim

Landas na madawag, aking ngang tinahak
Sa gitna karimlan paa ma'y magkabutas butas
Di na alintana bawat tarak at kagat
Sa laman at buto tunay na nagnanaknak

Hanggang kailan tatahakin ang landasing eto
Kung ang kumunoy nga ng aking pagkatao
Sadyang kay hirap takasan
Paano? Paano?...
2  ·  1  ·  2  ·  336

One Way Ticket

Submitted by on July 5, 2018 (2 years ago)
Posted in Poem: Tagalog · Categories: Erotic · Tags:

One Way Ticket....

Mabigat ang loob, kaybagal ng hakbang
Nang mga paang dati'y nag uunahan
Na makarating sa patutunguhan
Ngunit sa mga sandaling eto lubhang kay bagal

Kaya naman pala, ang tungo nito
Niyaring mga paa ang dulo ay eroplano
Eroplanong wala ni isa mang upuan dito
Tanging hawakan lamang ang makikita mo

Sa eroplanong eto, ako ay lululan
Papunta sa dako roon na puno ng karimlan
Kapwa Pilipino ang siyag nagpapatayan
Dahil sa magkaibang pananaw at kapangyarihan

Aking tatahakin landas na madilim
Puno ng galit, dugo't pang aalipin
Kelan kaya matatapos ang lahat ng panimdim
Pag pantay na ang paa, at mga mata'y nakasara

Eroplanong ang tiket, tangi at iisa
Ang pag balik sa syudad ewan ko bahala na
Kung mangyayari eto, ako ay magsasaya
Pagkat ang iisang buhay, iningatan ng AMA

a tribute to all fallen Musangs...
0  ·  4  ·  0  ·  1,045

Sa Bawat Log Out

Submitted by on June 26, 2018 (2 years ago)
Posted in Poem: Tagalog · Categories: Erotic · Tags:

Sa Bawat Log Out

sa bawat log out at paalamanan
konting kurot sa dibdib nararamdaman
pagka't muling ang araw ay magdadaan
gabi ay dadatal sa ating buhay

indi man tayo magkapiling Hamla ko
unan man ang mga yakap natin
mga puso'y bigkis atin mang isipin
ng pagmamahalang susumpa, kailanma'y di magmamaliw

hirap ay titiisin, pagod at puyat babalewalain
maiparamdam lamang sa kasing sadyang kay lambing
ang pagsintang kailanma'y di hiniling
nguni't sadyang ipinagkaloob ng Amang maawain

anumang balakid nawa'y tawirin
nang magkasama at kapit kamay pa man din
upang pagmamahalang eto ating tupdin
piping pangako sa mga puso natin

an LDR poem.......
0  ·  2  ·  0  ·  813

Sigaw Ng Puso

Submitted by on June 25, 2018 (2 years ago)
Posted in Poem: Tagalog · Categories: Erotic · Tags:

Sigaw ng Puso...

Isang balaraw ang iyong bigkas
Nasa isip at diwa, sa aki'y nagpa balikwas
Samu't saring isipin, lalong nag umalpas
Sa diwang bangag at pusong wasak

Wagas na pagmamahal ang tanging alay
Sa pitagang dilag, pumukaw sa aking malay
Na walang pag imbot, at lihis na pagmamahal
Ang tanging hangad sa iyo'y maialay

Ngunit anong magagawa kung ika'y bibigay
At sa sumpaan natin, ika'y bibitaw
Para bang 'sang bata, sa ula'y nagtampisaw
Mga pusong luhaan, sa mata nag unahan

Sadya ngang kay lupit, tadhana ay sasapit
Sa katulad nating bigkis ng pag ibig
Kung ganitong sitwasyon, sa buhay dadalit
Parang impyerno, sa apoy nagngalit

Sa sigaw ng puso, ako ba'y kakapit
O sa tinig ng isip, upang ika'y di magsakit
Na bumitaw na lamang, nang di na madagit
Ng sanlibong dusa at mga pasakit

Bibitaw...
0  ·  0  ·  0  ·  1,111

Realidad

Submitted by on May 16, 2018 (2 years ago)
Posted in Poem: Tagalog · Categories: Erotic · Tags:

utak na walang alam....

Parang kailan lang, nang unang humabi
Nang mga taludturang ang tema ay sawi
Nag aakalang eto'y makapapawi
Nang ibayong lungkot at pag ka duhagi

Taludturan ngang, walang halong kamanyakan
Ang sa aking isipan ay nagsasalimbayan
Para bang mga sasakyan na nag uunahan
Para bang sa espasyo, sila'y mauubusan

Ngunit san nga ba hahantong ang malayang taludturan
Kung sa ritmuhan, laglag sa kalakaran
Na para bang laruang walang patutunguhan
Tulad din ng relasyon, sa hiwalayan ang hantungan

Sadyang kay bangis ng utak na hubad
Kayang paikutin kaluluwang babad
Pusong puno ng siphayo, kanyang binabaliktad
Sanglaksang galit kanyang pinatutuwad

Wala lang maisip kaya eto nagawa
Kung ano ang tema, bahala na ang madla...
0  ·  0  ·  0  ·  943

Hanggang Sa Muli (Pagbabalik)

Submitted by on April 4, 2018 (2 years ago)
Posted in Poem: Tagalog · Categories: Erotic · Tags:

Hanggang Sa Muli (Pagbabalik)

Di maipaliwanag ang sayang nadama
Nang ikaw nga ay umuwi
Sa bansa nagbalik na
Lalo na ng tayo, ay unang nagkita.

Sagad hanggang langit ang aking tuwa
Nang sa airport sumapit, at nakita ka
Habang naka upo, sa akin ay nag intay
Nang kalahating oras pagkat ako'y nasiraan

Di mapawi pawi ang ngiti sa labi
Nang sa unang pagkakataon labi nga ay dumampi
Lalo na ng yakapin ka habang mata'y nakatitig
Ginigising ang sarili kong eto ba'y panaginip

Ngunit napagtantong, eto nga ay tunay
Kaya kagalakan, walang pagsidlan
Lalo na' ang makasama ka
Kahit ilang araw lamang

Sablay man ako sa iyong paningin
Kagandahan mo'y walang ihahambing
Pagkat puso ko'y walang panimdim
Sobra ang saya sa iyong piling

Ngayon nga'y nagbalik
Sa bansang may yelo
Baunin mo nawa ang pagmamahal ko
Tanging pangako na babanggitin ko
Ay ang...
2  ·  2  ·  2  ·  1,482

Panaghoy Sa Madaling Araw

Submitted by on February 19, 2018 (2 years ago)
Posted in Poem: Tagalog · Categories: Erotic · Tags:

Panaghoy Sa Madaling Araw

Ahhhhhhh ang unang pumukaw
Sa nahihimbing na akingkamalayan
Isang madaling araw matapos ang inuman
Sa bahay ng aking isang kaibigan

Di ko malirip ang aking narinig
Mga anasang walang kahulirip
Na ligaya at sarap sa buto sumasagad
Kaya kalibugan unti unting nagliliyab

Sa aking pagbangon, akin ngang hinanap
Pinanggagalingan ng mga ungol at anas
Na nagpapabaga
Damdaming hungkag

Ako nga ay nagawi sa likod bahay
Na kung saan balot ng kadiliman
Ngunit mga ungol akin ngang nauulinigan
Mahahabang Ohhhh at Ahhhhh sa tenga umaapaw

Unti unti ngang nagkakahubog
Mga aninong nagkukumahog
Buong katawan nga ay sobra ang pag yugyog
Para bagang lumilindol sa bawat indayog

Akin ngang natatanaw dalawang katawan
Sa ilalim ng puno, doon nagtampisaw
Nang kaligayahang pinagsasaluhan
Doon nga sa manggahan, walang tigil ang ka...
1  ·  1  ·  1  ·  1,789
M E N U
Recent Comments