M
E
N
U

MarkuZ_Ink

Joined: September 13, 2018 (2 years old)
Writings: 2
Male  ·  Offline

Author writings 2

1 of 1

Filter : name=MarkuZ_Ink

Magbabalik

Submitted by on March 30, 2021 (12 days ago)
Posted in Poem: Tagalog · Categories: Erotic · Tags:

Sa isang sulok,
Akoy nakabaluktot.
Oras ay papalapit
Sa iyong pagbabalik.

Kamay koy, nanginginig
Dibdib ko ay nagpapawis.
Haplos mong dumadampi,
Lamig ay pinapawi.

Init ng bawat halik
Nag aapoy na pag ibig,
Kapit sa bawat bisig
Rurok ay sasapit.

Palapit ng palapit
Uhaw sa pag ibig,
Ako ang syang nagdidilig
Pero bakit may tumapik.

Gumising ang kamalayan
Nandito ang katotohanan,
Sayo bawal na Pag Ibig
Hihintayin ang pagbabalik....
0  ·  0  ·  0  ·  146

Dulo

Submitted by on March 22, 2021 (20 days ago)
Posted in Poem: Tagalog · Categories: Erotic · Tags:

Tila parang isang bituin
Nakarating man sa langit
Ay di ka man lang kayang abutin
Ng aking mga kamay, ni sungkitin

Tala na sa tuwing gabi
Sa umaga'y matanaw sana ngunit hindi
Para tayong araw at buwan
Magkakonekta pero di pwedeng magsama

Marahil hanggang dito na lang
Kung hindi tayo pagbibigyan ni Tadhana
Ikaw at ako ay magkarugtong
Ngunit sa dulo'y hindi magtatagpo

Ilang bilang, ilang hakbang
Ang tinahak, pinakawalan na lamang
Ilang lakad, ilang takbo
Bakit napagod? Sana 'di napagod

Sabi nga ng aking Lolo
Wala sa bituin ang kapalaran mo
Wala kay Tadhana, nasa sa iyo
Ikaw ang guguhit ng tadhana mo

Napaisip ako,
Bakit sa dulo
Hindi tayo?...
4  ·  0  ·  1  ·  182
M E N U
Recent Comments