M
E
N
U

Honeylette0531

Joined: May 31, 2021 (1 month old)
Writings: 3
Female  ·  Offline

Author writings 3

1 of 1

Filter : name=Honeylette0531

Sa Pagbuhos Ng Ulan

Submitted by on Wednesday, 21 July 2021 (2 days ago)
Posted in Poem: Tagalog · Categories: Erotic · Tags:

Kay tagal kang hinintay na sa buhay ko ay dumatal
Sabik sa pagdampi sa uhaw kong kalamnan
Akala ko ang lahat ay mabuti at mainam
Kaagapay pala'y unos na di maparam.

Luhang bumabalong sa aking mga mata
Kaalinsabay ng lakas ng iyong pagragasa
Sana sa pagtila ay iyong naanod na
Mga pighati ay kusang malunod na.

Minsan ay naisip na ikaw ay sayawan
Sabayan sa galaw mong sadyang mabilisan
Minsan ay may sakit at sarap na naramdaman
Hindi ipagpapalit mundo man ay magunaw.

Hintay mahal ko at huwag akong iwan
Labanan ang sa iyo'y pilit na umaagaw
Ngunit kung hirap ka na at di makayanan
Kusa kang ibibigay kahit ito'y masakit man.

Mangako ka sa akin na ako'y hihintayin
Sa kabilang buhay na wala ng panimdim
Doon ang pag ibig ay di na magmamaliw
Ako lamang ang sa iyo, at ikaw lamang ang sa akin!

...
5  ·  4  ·  6  ·  209

Binibining Marupok

Submitted by on July 10, 2021 (13 days ago)
Posted in Poem: Tagalog · Categories: Erotic · Tags:

Ginawa ko na ang lahat ngunit di pa din sapat..
Sa dulo'y maririnig paninisi ng lahat.
TanungIn ko man ang sarili, kasaguta'y salat
Sa mundong ginagalawan kailangan mamulat..

Pag ibig na sadyang taglay sa aking dibdib..
Sa magulang sa kapatid maging sa iniibig..
Sana mapansin mga pagtitiis
Di lang pakinabang na mga nakakamit..

Ipagpaumanhin niyo mga pagkukulang..
Kung sa pagsasalita ay nagiging matapang
Ngunit sana naman inyo din pakinggan
Hinaing ng puso ko at mga kahinaan..

Sa tuwi tuwina sa aking pagtulog..
Kasawili'y unan na aking iniirog
Saksi sa lahat ng luha ko't lungkot
Umaasang bukas ay wala na ang kirot..

Isang hamak na binibining sadyang marupok..
Sa mundo ng pag ibig ako'y naluklok
Kung di pipigilin matamo ang rurok
Puso kong pagod ay kusang sasabog..

Nakakalungkot at minsan ay may takot na magsalita ng nasasaloob
Di na malaman kung saan...
5  ·  2  ·  7  ·  339

Kaibigan.. Kaibigan ?

Submitted by on July 1, 2021 (22 days ago)
Posted in Poem: Tagalog · Categories: Erotic · Tags:

KAIBIGAN... KAIBIGAN???

Nagsimula lamang sa isang walang kwentang kwentuhan
Tawanan at asaran sa lobby ng sadyang mga epal lang
Mga walang kwentang taong nagpapapansin ng tunay
Na kung makipagmurahan ay walang kapantay

Sa sobrang hiya kong makipag usap sau
Dinaan sa whis mga triple xxx na biro ko
Sinakyan mo naman mga pinsan at kamag anak mo
Simula ng usapang talagang umaatikabo

Hindii mo man sabihin na ako'y hinihintay mo
Na makapag online at sa gilid ay makita mo
Huwag ka magalala sekreto lang ito
Si doki lang ang nakakalam na ako nga ito

Kalahating taon ng pagkakaibigan
Mga kung ano ano na ang napaguusapan
Tawanang walang humpay sa mga kwentuhan
Ang nakapagpanatag sa aking kalooban
Upang masabing ikaw'y tunay na kaibigan

Tropa kitang tunay na aking maaasahan
Umiyak man ako o tumawa, malungkot man o masaya
Di nagsawang makinig sa aking mga drama
Ha...
8  ·  10  ·  11  ·  357
M E N U
Recent Comments