Writings about zombie apocalypse (1)
1 of 1

Agnas (Episode 3)

Submitted by on September 19, 2016 (2 months ago)
Posted in Story: Fiction, Taglish | Categories: Erotic Horror | Tags: ,

Episode 3: Home
By: Balderic

6:00 am na nang umaga. Ginising ni Jeric ang grupo. May mga eyebags pa si Jeric na halatang kulang ang tulog. Unang nagising sina Danny at Dwayne, kasunod naman sina Andrew at ang mga girls. Tinignan nina Nikka at Erich ang cellphone nila subalit walang signal at 20% na lang ang battery life. Sumilip sandali sa glass window si Jeric. Medyo maliwanag na. Tahimik ang paligid. Walang pulis oh rescue team syang naririnig. Tanging mga ungol ng mga infected ang naririnig nya at nakikitang suray suray na naglalakad. Bumalik sya at humarap sa grupo. 

“Okay ganito ang nakikita kong sitwasyon natin, dahil sa nangyari kagabi, sa tingin ko ay matatagalan pa bago may dumating na tulong para sa atin. Kanina pa ako naghihintay ng pulis oh rescue pero wala man lang akong naririnig.  Wala ring signal ang mga telepono. Kaya sa ngayon, meron akong good news at bad news. Ano gusto nyo marinig muna?” Paliwanag ni Jeric. 

“Okay kuya ang bad news muna.” Sagot ni Sheryl. 

“Ang bad news ay kailangan nating lumabas dito para mag hanap ng supplies. Walang taong makakatulong sa atin. Kailangan natin ng pagkain at kung ano ano pa para mabuhay. May alam akong pharmacy malapit dito. Pwede nating lakarin yun dun.” 

“Ha!? Naku kuya ayoko, nakakatakot! Baka makain tayo ng mga tao na yan sa labas! “ sa...

1