Writings about zombie (2)
1 of 1

AGNAS 3 TEASER

Submitted by on September 14, 2017 (10 days ago)
Posted in Blog: Tagalog | Categories: Erotic | Tags: , , , , , , ,

Agnas 3 Teaser
By: Balderic

Isang lalake ang naglalakad sa loob ng isang sports complex. Nasa basketball court na ito. Magulo ang buong maligid. May ilang nagkalat sa court, mga basura, upuan, mga plastics, at mga debris. Tahimik ang loob ng gusali. May butas na ang sports complex sa bubong at may tumutulong tubig dahil sa lakas ng ulan sa labas.

Nakasuot ng dark grey na suit ang lalake. Slick ang porma neto na animoy isang mayamang yuppy. May suot na black leather gloves at may baril na nakalagay sa likod ng belt nya. Tahimik itong naglalakad at may maliit na earphone na suot. Tinignan nya ang paligid at tila walang gumagalaw. May ilang bangkay na syang nakita sa paligid. Karamihan dito ay nilapa na at halos buto kalansay nalang ang naiwan.

“The target is not here. Are you sure this is the right place?” tanong nito sa earpiece nya.

“Yes, latest intel says this is the right place. Search thoroughly.” Wika ng isang babae ang boses sa likod ng earpiece.

Binunot ng lalake ang baril nya sa likod. Isa itong flare gun. Naglagay ito ng bala at tinutok sa itaas ang baril.

“POOVVTTTZZZZ!!!!” Nagliwanag ang madilim na sports complex nang umakyat sa itaas ang flare.

“Bragammm!!!!” biglang tumilapon ang dalawang naglalakihang debris ng semento mula sa kabilang bahagi ng sports complex at...

Kabilang Mundo 18

Submitted by on May 21, 2014 (3 years ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Supernatural, Romance, Sci-Fi and Fantasy | Tags: , , , ,

Please refer to the previous part.

(Kapitulo kuarienta y nueve)

Sa pustura ni Jacob, parang siyang nangangalit na wolf, ang mga mata niya'y puting-puti at nanlilisik, at sa pagtigil ng pag-ihip ng hangin, sa isang iglap lang bigla nalang siyang naglaho sa kinaroroonan niya.

Hindi! hindi siya naglaho kundi mabilis na umatake, parang hangin sa sobrang bilis niya, hindi ko man lang napansin ang paglapit niya sa nakamaskarang nilalang.

Nakita ko na lamang siya na nasa tapat na ng kalaban, sa pagitan nina Maya at ng halimaw. Ang akala ko aatake na siya, ngunit kinuha niya muna si Maya, binuhat at dinala sa mismong tabi ko para iligtas sa kamay ng kalaban.

Napakabilis ng pagkilos niya, ni hindi ko man namalayan ang paglapit niya sa akin habang buhat-buhat si Maya.

Heto na ang mga wolves, ang apat na mata napakatalim, at lahat nakatingin sa nakamaskarang nilalang.

Nanggagalaiti sa galit, nagsisipagtayuan pa ang mga balahibo. Nakakatakot talaga sila. Malalaki, mababangis.
Nakakasindak kahit titignan lang sila.

Pinaikotan ng mga higanteng wolves ang kalaban, tapos isa-isa nila itong sinugod ngunit hindi nila ito matamaan, ni Magalusan.
Gayunpaman, hindi rin naman makatama ang espada ng kalaban sa mga wolves.

Sa kalagitnaan ng kanilang paglalaban bigla na lamang sumulpot si Tony sa eksena, at mabilis na tumagos ang kamay niya sa katawan ng kalaban, sa dibdib mismo ng nakamaskara...

1