Writings about wolf (5)
1 of 1

Kabilang Mundo 17

Submitted by on January 13, 2014 (2 years ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Supernatural, Romance, Sci-Fi and Fantasy | Tags: , , , ,

Please refer to the previous part.

(Kapitulo Kuarienta y sais)

Hinugot ni Jacob ang itak niya, kitang-kita sa mukha niya na handang-handa na siyang lumaban, lalo pang humihigpit ang pagkakahawak niya sa itak niya habang ang mga mata'y lalong nanlilisik sa kakatitig sa kalaban, sinusundan niya ng tingin ang bawat pag-galaw at pagkilos ng kalaban, parang nag-iisip siya ng paraan ng isang maganda at mainam na atake.

Si Tony naman ay abala pa rin sa pag-atake sa nakamaskarang nilalang at hirap na hirap sa pag-ilag sa bawat ganti ng espada nito, parang nagsasalitan lang sila ng tabak, ngunit sa nakikita ko ay tiyak na tatlong beses ang lamang ng kalaban sa kanya, buti na lang at maliksi siya at may karanasan sa pakikipaglaban, kahit papa'no'y nakakailag pa siya ng maayos.

Mabilis ang kilos nila, ngunit mas mabilis pa rin ang kalaban, nagtatatalon sila sa ibabaw ng mga puntod habang ang mga sandata nila'y walang tigil na nagsasalubungan ang talim. Isang malaking espada laban sa isang maliit na itak.

Heto na't magkalapit na sila, bigla silang napahinto sa lupa nang magkasalubong ang mga sandata nila, nakatayo silang pareho sa pagitan ng mga puntod at nanatiling naka-krus sa isa't-isa ang mga tabak nila, alam kong matinding pwersa ang kailangan ngayon ni Tony para mapigilan ang pagsulong ng espada ng kalaban sa kanya, halata sa pamimilipit ng mga kamay niya, kundi ay talagang didiretso ang talim ng espada sa mukha niya.

...

Kabilang Mundo 9

Submitted by on September 23, 2013 (3 years ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Erotic Horror, Supernatural, Romance, Sci-Fi and Fantasy | Tags: , , , ,

Please refer to the previous part

(Kapitulo Biente-Uno)

Napakalakas ni Jacob, lumiyad lang siya ng bahagya at napaalsa na agad ako.
Napabitaw ako sa kanya.
Napaatras ako, natumba at napaupo sa lupa.
Mukhang hindi na siya magpapaawat.
Nagalit na siya ng husto.
Ganito pala siya magalit, nakakatakot, nakakasindak.

Napansin ko ang mga kasama ng lalaki, magsisipagtayuan na sana sila ngunit hindi pa man nila nagagawang tumayo ay inihagis ni jacob ang sinasakal niyang lalaki sa mesa nila.

Tumilapon at parang lumipad ang lalaki sa ibabaw ng mesang pinag-iinuman nila na nasa gitna nila, mesang yari sa kahoy, at sa sobrang lakas ng pagkakahagis niya ay nagsipagtalsikan ang mga baso, bote at lahat ng nakapatong doon, atsaka nawasak ang mesa.
Humandusay ang lalaki at nangingisay sa sakit. Hindi makatayo at namimilipit ang katawan.

Nagulantang naman ang mga kasama niya, akala ko ay susugurin nila at pagtutulong-tulungan nila si jacob, ngunit lahat sila'y nagsitakbuhan maliban sa isang nagtatapang-tapangang tampalasan.
Parang hindi man lang natinag sa pinamalas na paglampaso ni jacob sa kasama niya.

Matangkad siya, mas matangkad kay jacob at bato-bato pa ang matipunong katawan. Wala pa siyang damit at napaka-barumbado niyang tignan.

Lumapit siya kay jacob, ngunit bago pa siya makaporma ay mas nauna ng nakalapit si jacob sa kanya.
Ang bilis! parang hangin si ja...

Kabilang Mundo 8

Submitted by on September 22, 2013 (3 years ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Erotic Horror, Supernatural, Romance, Sci-Fi and Fantasy | Tags: , , , ,

Please refer to the previous part.

(Kapitulo Disin-otso)

"teka, teka! ang wolverine ay isang uri ng mabangis na oso, at ang wolf ay isang uri ng aso naman. Paanong ang isang werewolf na tulad mo ay nagmula sa wolverine?"
pagtataka ko.

"uhm. Mali ka! Ang wolverine ay ang pinakamataas na uri ng Fox, at ang fox ay isang uri ng wolf"

"gano'n ba.... Eh ano naman ang kailangan nila sa akin?"
muling tanong ko.

"Si tony na nakasama mo at tumulong sa iyo sa kabilang mundo, hindi ko alam ang dahilan kung bakit ka niya tinulungan, pero si marcus, pinatay ka talaga niya para muli kang buhayin."
sagot niya.

"bakit nga?!"
naiirita na talaga ako dahil binibitin-bitin pa niya ako.

"para maging human vampire din siya."
patuloy niya.

"mula kaninang madaling-araw ng iyong pagkabuhay hanggang sa ikatlong araw ay magiging bampira ka na, pagkatapos, sa ikapitong araw naman ay kukunin na ni marcus ang katawan mo, para ito ay maging kanyang human body"

"huh?! Ang ibig mong sabihin, sasaniban niya ako?"

"Hindi siya sasanib sayo, siya ay magiging ikaw, at ikaw ay magiging siya, at kapag dumating ikapitong araw...."
bigla siyang natigilan at naging malungkot ang hitsura niya.

"ano?! ano'ng mangyayari?!"

"mamamatay ka na at siya na ang mabubuhay sa katawan mo, sa katauhan mo.."
nagulantang ako sa sinabi niya,...

Kabilang Mundo 6

Submitted by on September 12, 2013 (3 years ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Erotic Horror, Supernatural, Sci-Fi and Fantasy | Tags: , , , , ,

Please refer to the previous part.

(Kapitulo Triese)

"heto na maita! dito tayo, dali!"
hinila ako ni tony papunta sa isang malaking puno.
Umupo kami at nagtago sa likod ng makakapal at madahon na gumamela na nakatanim sa baba ng puno.

"ano ba talaga 'yon tony?"
tanong ko sa kanya habang tinatanaw-tanaw namin sila.
Nakita ko ang linya ng mga nakahilerang nilalang.

"yan ang prosesyon ng kamatayan, o ang pinapaniwalaan ninyong Grim Reaper"
sagot niya.

"Grim reaper? Diba siya yung kumukuha sa kaluluwa ng mga taong namatay na?"

"hindi! 'di ba nga si Lucifer ang sumusundo ng soul of death? Walang anyo ang kamatayan (grim reaper). Ito ay masamang pangitain lamang na lumalabas para magbigay hudyat na mamatay na ang isang tao."

"eh ano'ng ibig sabihin ng prosesyon na 'yan?"

"may.....may ma-mamatay ngayong gabi!"
halos hindi pa niya masabi-sabi.

Nag-alala naman ako ng husto, na baka hindi na ako makabalik pa sa katawan ko at tuluyan na akong mamamatay.

"hindi na ba ito mapipigila-"
napahinto ako nang maaninag ko ang nakakagimbal na nilalang na nakatayo sa sa likod namin ni tony.
Abala kaming nakaupo at naninilip, ni hindi namin namalayan na may halimaw na palang nakatayo sa likod namin.

"tony...tony..."
pabulong kong sigaw.
Ni hindi ako makalingon sa likod, baka kung ano pa ang g...

Kabilang Mundo 4

Submitted by on September 5, 2013 (3 years ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Erotic Horror, Supernatural, Romance, Sci-Fi and Fantasy | Tags: , , , , ,

Please refer to the previous part.

(Kapitulo Nueve)

Malamig ang gabi ngunit napaka-init na lampungan ang nakita namin ni maya.
Nilalandi ng babaeng ito ang kasintahan kong si ron.
Hindi ko alam kung bakit niya nagawa sa akin 'to.
Kamamatay ko lang may kapalit na agad ako?
Walang kwentang lalaki.
Napakawalang-kwenta.

"malalaki talaga yan at matitigas, Lisa"
sabi ni ron sa babae.
Ang tinutukoy niya ay ang mga muscles niya sa braso na hinahawak-hawakan ng babaeng tinawag niyang Lisa.

Nakaupo sila sa gilid ng kama, magkatabi at talagang dikit na dikit.

"Yan ba ang nobyo mo ate maita? Ang yummy pala, kaya lang playboy!"
lokaret din itong katabi kong si maya.

Nakatayo kami sa harapan mismo ng dalawang naglalandian, tutal hindi naman nila kami nakikita.

"talaga malaki at matigas yan?..... Eh, ito kaya? Malaki din ba at matigas? Ahihihi"
malanding bigkas ni Lisa.

Gumapang ang kamay niya sa harapan ni ron, sa parteng may malaking bukol.
hapit na hapit ang suot niyang boxer's short kaya bumubukol talaga ang titi niya na siya namang dinakma ni Lisa, hinihimas-himas niya gamit ang mga daliri niya.

"ate, kailangan na ata nating umalis, mukhang iba na ang ginagawa nila"
sabi ni maya sa akin.

Hindi ako makakilos sa pagkakatayo ko, gusto ko pang manood, gusto kong makita kung maliligayahan si ron sa babaeng i...

1