Writings about Witch (3)
1 of 1

Kabilang Mundo 20

Submitted by on June 9, 2015 (1 year ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Supernatural, Romance, Sci-Fi and Fantasy | Tags: , , , ,

Please refer to the previous part

(Kapitulo Sinkuenta y Sinko)

"Ano naman 'to?!" Dismayado kong tanong sa kasama ko.

Imbes na sa tuktok ng bundok kami makarating ay bumalik lang kami sa paanan nito. Hindi ko makakalimutan ang pintuang ito dahil dito kami pumasok noong una. Tandang-tanda ko at siguradong-sigurado ako.

"Hindi ba ito yung pinto sa bundok ng Sinai?" maging si Tony nagtataka at gulat na gulat.

Minamasdan namin ang buong paligid, at mula dito sa kinatatayuan namin natatanaw namin ang kubo na bahay ng lola ni Maya. At sa mismong lugar na ito namin nasaksihan kung papaano naglaho si lola Esme at naging paro-paro.

Ito ang pinto na nagpawala sa kapangyarihan nina Tony at Jacob. Bumalik lang kami.

"Mukhang niloko lang tayo nung mga Malay at Amazona ah! Mukhang gusto lang talaga nila tayong umalis sa bundok sinai, o di kaya mamatay sa purgatoryong yon!" mainis-inis na sambit ko kay Tony.

Kung titingnan ang mga pangyayari, hindi mahirap paniwalaan ang sinabi ko. Hindi malayo sa katotohanan na baka niloko at pinaikot lang talaga kami ng mga Malay at Amozona. Pero ayon naman sa propesiya, isa sila sa mga gabay ko at tutulong sa akin.

"Hindi naman siguro Maita. Diba sabi nila, wala pang nakakalampas sa purgatoryo at wala ding nakakabalik? Baka hindi rin nila alam ang kalalabasan..."

"Eh ba't sabi nila yun yung...

Kabilang Mundo 11

Submitted by on October 15, 2013 (3 years ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Erotic Horror, Supernatural, Sci-Fi and Fantasy | Tags: , , , , ,

Please refer to the previous part.

(Kapitulo Biente-Siete)

Maaga pa ay umalis na kaagad kaming apat.
Ang kotse ni Tony ang ginamit namin, isang modified 4x4 hi-lux Off-Road Smartcar.

"Mahigit isang daang kilometro mula rito."
sabi ni tony habang sini-set ang router sa GPS Navigator ng kotse niya.
Katabi niya si jacob, habang kaming dalawa ni maya ay magkatabi sa backseat.

"Maya, tunay na makasaysayan ang bundok na 'yon... Iba't-ibang kwento ang naririnig ko"
sambit ko kay maya para basagin ang katahimikan, pareho pa kaming nakadungaw sa magkabilang bintana ng sasakyan.

Mabilis namang magpatakbo si tony ngunit sadyang nakakainip ang biyahe.

"Ayon sa isang theorya, may isang babae na pagala-gala sa bundok na 'yon, ang tinatawag nilang Maria Makiling"
paglathala ko.

"oo, tama ate maita, at siya ang hinahanap natin, si Maria, ang kaisa-isang anak ni Gretel at ang kahuli-huliang witchcrafter na nabubuhay"
pagsang-ayon niya.

"ngunit walang nabanggit ang theorya na isa siyang witch, kundi isang sawing-palad na babae na iniwan ng kanyang kasintahan, at hanggang ngayo'y kanyang hinihintay at hinahanap sa bundok na 'yon, at gabi-gabi daw na umiiyak..."
patuloy ko.

Nagkibit-balikat si maya kasabay ng pagtawa ng malakas ni jacob na parang nakakainsulto.

"bwahaha maita, maita, maita... Saan mo ba nabasa ang theoryang yaon?! Nakakatawa talaga ang...

Kabilang Mundo 8

Submitted by on September 22, 2013 (3 years ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Erotic Horror, Supernatural, Romance, Sci-Fi and Fantasy | Tags: , , , ,

Please refer to the previous part.

(Kapitulo Disin-otso)

"teka, teka! ang wolverine ay isang uri ng mabangis na oso, at ang wolf ay isang uri ng aso naman. Paanong ang isang werewolf na tulad mo ay nagmula sa wolverine?"
pagtataka ko.

"uhm. Mali ka! Ang wolverine ay ang pinakamataas na uri ng Fox, at ang fox ay isang uri ng wolf"

"gano'n ba.... Eh ano naman ang kailangan nila sa akin?"
muling tanong ko.

"Si tony na nakasama mo at tumulong sa iyo sa kabilang mundo, hindi ko alam ang dahilan kung bakit ka niya tinulungan, pero si marcus, pinatay ka talaga niya para muli kang buhayin."
sagot niya.

"bakit nga?!"
naiirita na talaga ako dahil binibitin-bitin pa niya ako.

"para maging human vampire din siya."
patuloy niya.

"mula kaninang madaling-araw ng iyong pagkabuhay hanggang sa ikatlong araw ay magiging bampira ka na, pagkatapos, sa ikapitong araw naman ay kukunin na ni marcus ang katawan mo, para ito ay maging kanyang human body"

"huh?! Ang ibig mong sabihin, sasaniban niya ako?"

"Hindi siya sasanib sayo, siya ay magiging ikaw, at ikaw ay magiging siya, at kapag dumating ikapitong araw...."
bigla siyang natigilan at naging malungkot ang hitsura niya.

"ano?! ano'ng mangyayari?!"

"mamamatay ka na at siya na ang mabubuhay sa katawan mo, sa katauhan mo.."
nagulantang ako sa sinabi niya,...

1