Writings about wish (1)
1 of 1

“Pssst!…Pogi…Halika!”

Submitted by on June 7, 2015 (1 year ago)
Posted in Story: Fiction, Taglish | Categories: Supernatural | Tags:

“Pssst!…Pogi…Halika!”Gabi sa loob ng maliit na apartment ni Jake. Nanonood siya ng isang romantic teleserye sa tv. Matagal na niyang inaasam na maranasan ang mga nararanasan ng sikat na aktor na napapanood niya ngayon sa tv. Playboy kasi sa totoong buhay ang aktor. Kabi~kabila ang mga chicks nito at alam ng mga babae niya na pinagsasabay~sabay lang sila ng aktor.

Sa isip ni Jake, Palibhasa kasi ay sikat, guwapo, mayaman at kung anu~ano pa ang meron ang lalakeng iyon. Nakita niya pa sa mga poster nito na nakaakbay pa ang aktor sa mga chicks nito sa mamahaling sasakyan nito, sa yatch o kaya sa bar. Naiinggit siya sa mga lalakeng gaya ng aktor na iyon.

Siya naman, mas madami pa yata sa buhok ng bulbol niya kung siya ay mabasted ng babae. Sawa na siya sa buhay na ganun. Pati nga pangit na babae binabasted din siya nasaan ang hustisya? Minsan na siyang nagka~dyowa. Sinagot siya nito agad nang diskartehan niya ito sa Luneta. Pero ilang mintuo pa lang, dumating na yung van ng Mental Hospital at ibinalik ang nawawalang babae pabalik ng Mandaluyong.

Sa lahat ng iyon, kulang na lang ay puntahan niya si Andrew E at sabihing tulungan siya nito na makahanap ng babaeng iibigin siya ng tunay.

Pumasok si Jake ng kuwarto. Punong~puno iyon ng mga poster ng mga idolo niya. Nilapitan niya ang poster ni Johnny Depp sa pelikula nitong Don Juan De Marco.

“Pareng Johnny Depp, sana naging kasing pogi na lang kita. Kung bakit kasi may mga guwapo pang gaya niyo sa...

1