Writings about unsent letter (1)
1 of 1

Noon, Ngayon at Bukas

Submitted by on September 8, 2015 (1 year ago)
Posted in Blog: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags: , ,

Disclaimer: Lumang blog post ito na sinulat ko three years ago -- sinulat ko dahil third year anniversary ng paghihiwalay namin ng taong minahal ko. Looking back sa nangyari sa akin 6 years ago, isa siguro ito sa reasons why ang "heartless" ko na ngayon. But the good part - we are back to being friends (even better than before) and we agreed na we are better off on our own. 

Another disclaimer: may hugot moments. Huwag tularan. 

***

Natatawa akong isipin na ang laki laki kong tanga. I'm so stupid! Ang hirap mag move on kahit anong klaseng pa-andar ang gawin ko. Minsan nga ang cheap-cheap na, actually hindi lang minsan, most of the time pa.

Pwede na nga ako gumawa ng movie at ang title nito ay "Umeffort Ka Ngunit Kulang". Kailangan pa yata mag ala-circus stunt ako, kagaya ng kain bubog, tawid sa alambre, sayaw sa baga, magbalat ng buko, mga ganung klase para mapansin yung ini-effort ko.

Tinawagan kita at lahat, SMS, email, at chat -- walang effect! Ang manhid lang tsong! Siguro nung ipinanganak yung tao na ito eh naoverdose sa anesthesia ang nanay nitong tao na ito kaya master na master nya pagka-manhid.  

Hopeless case na ito. Kumbaga sa korte na denied na yung appeal. Ano pa nga bang ipinaglalaban ko? Ano pa bang hinahabol ko? Wala na nga, Tapos na. Malinaw na malinaw! Bakit ba hindi maabsorb ng matigas kong ulo? Hindi naman ako bobo pero bakit kahit gusto kong intindihin, hindi ko maintindihan? 
...

1