Writings about underworld of evils (1)
1 of 1

Kabilang Mundo 18

Submitted by on May 21, 2014 (2 years ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Supernatural, Romance, Sci-Fi and Fantasy | Tags: , , , ,

Please refer to the previous part.

(Kapitulo kuarienta y nueve)

Sa pustura ni Jacob, parang siyang nangangalit na wolf, ang mga mata niya'y puting-puti at nanlilisik, at sa pagtigil ng pag-ihip ng hangin, sa isang iglap lang bigla nalang siyang naglaho sa kinaroroonan niya.

Hindi! hindi siya naglaho kundi mabilis na umatake, parang hangin sa sobrang bilis niya, hindi ko man lang napansin ang paglapit niya sa nakamaskarang nilalang.

Nakita ko na lamang siya na nasa tapat na ng kalaban, sa pagitan nina Maya at ng halimaw. Ang akala ko aatake na siya, ngunit kinuha niya muna si Maya, binuhat at dinala sa mismong tabi ko para iligtas sa kamay ng kalaban.

Napakabilis ng pagkilos niya, ni hindi ko man namalayan ang paglapit niya sa akin habang buhat-buhat si Maya.

Heto na ang mga wolves, ang apat na mata napakatalim, at lahat nakatingin sa nakamaskarang nilalang.

Nanggagalaiti sa galit, nagsisipagtayuan pa ang mga balahibo. Nakakatakot talaga sila. Malalaki, mababangis.
Nakakasindak kahit titignan lang sila.

Pinaikotan ng mga higanteng wolves ang kalaban, tapos isa-isa nila itong sinugod ngunit hindi nila ito matamaan, ni Magalusan.
Gayunpaman, hindi rin naman makatama ang espada ng kalaban sa mga wolves.

Sa kalagitnaan ng kanilang paglalaban bigla na lamang sumulpot si Tony sa eksena, at mabilis na tumagos ang kamay niya sa katawan ng kalaban, sa dibdib mismo ng nakamaskara...

1