Writings about Tunay na buhay (1)
1 of 1

A Tiger's Story: Episode 11 (Kunsensya)

Submitted by on February 17, 2014 (2 years ago)
Posted in Story: True Story, Tagalog | Categories: Romance | Tags:

Tinutuloy...
.
.
Madiin ang pagkakahawak ko sa tabong ibinato ni Natz sa akin, medyo nabadtrip ako sa ginawa nya pero di naman pumasok sa isip ko na gumanti sa knya. Dahan-dahan ko syang nilapitan, naging mahinahon pa din ako sa kabila ng ginawa nya.
.
Natz: Ano gaganti ka?! Sige subukan mo!
.
Hindi ako kumibo, bagkus ay ibininalik ko lang ang tabo sa banyo at muling naupo sa kama. Hindi ko na tinuloy ang pag-alis ko dahil baka lalo lang akong samain. Ewan ko ba pero nakakaramdam ako ng takot pag nagagalit si Natz. Pagkalabas ni Natz sa banyo ay agad niyang kinuha ang tuwalya na nakalagay sa isang silya at pinunsan ang knyang katawan, nakamasid lang sya sa akin habang ako naman ay tinitingnang mabuti kung gaano napinsala ang aking binti sa ginawa nya. Maya-maya pa'y nagsalita na s'ya. "Kung nakinig ka lang sana sa sinabi ko sayo- haaayy! Nag-please naman ako diba? Bat di mo pa din ako pinakinggan?!". Hindi ako kumibo, patuloy pa din ako sa pagtingin sa aking binti na nasugat at nagbukol. Tumabi sa akin si Natz at tiningnan din ang sugat, "Patingin nga! Ikaw kasi eh! Haaayy!" sabay hawak sa binti ko. "Wag mo ng hawakan, mawawala din ang sakit nyan bukas." ang sagot ko sa knya.
Muli ay niyakap nya ako at humingi ng tawad sa nagawa nya. "Hon- sorry hah, masakit pa din ba?" ang sabi nya. Hindi ko sya pinansin, bagkus ay kinuha ko ang kumot at ibinalot ito sa katawan ko at nahiga sa kama. "Hmp! ikaw pa ang nagtatampo jan hah" ang bigla nyang...

1