Writings about tulang matalinghaga (1)
1 of 1

PilyoNgPilosopo

Submitted by on August 2, 2014 (2 years ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags:

Simoy ng malamig na gabi, Hanging madilim
Maulap na paligid, maliwanag ngunit kulimlim
Tingalang paningin, diway gising na gising
Pagod sa dusa, ma-alinsangan takip-silim

Imahinasyong mo'y kakaiba, gamit ay utak o puso nga ba?
Naglilikot na kamunduhan, tighawin ng natatanging ganda
Mga agam-agam, kakalimutan at bahala na
Init ng damdamin, nag aalimpuyo sukdulan pa

Hiwaga sa mundo, paano ma sundo
Mataas matayog, malayo hindo sino
Pag babalatkayo ay di tumatagal
Bumibigay din sa hiwaga ng bukal

..... ngunit

Pagbabalat anyo mo'y aking nasasamyo
Walang kadalisayan yaring iyong pagsuyo
Wag nang hamaking ako'y sungkitin
Lalo't distanya ang iyong iintindihin

Dadapwa't ika'y yaring nasa malayo
Ako'y wag paasahin sa mapaglinlang mong pagsuyo
Humayo ka't maghanap ng nararapat sayo
Huwag sa tulad kong hindi marunong mamilospo....

1