Writings about Tradition (1)
1 of 1

Trick Or Treat?

Submitted by on October 20, 2015 (1 year ago)
Posted in Blog: Taglish | Categories: Non-Erotic | Tags:

Trick Or Treat?Ang 'trick or treating' ay isang kilalang tradisyon sa Amerika na unti-unting ginagawa na rin sa Pilipinas. Ito yung mga bata na kakatok sa pintuan mo na naka-costume at kapag pinagbuksan ay magsasabi ng 'trick or treat'.

Ang may-ari naman ng bahay ay agad na magbibigay ng candy o tsokolate bilang premyo sa 'effort' lalo na ng mga batang malilit. Door-to-door ito at talagang sinusuyod ng mga bata ang bawat bahay upang makaipon ng maraming tsokolate at candy. Ang ibang mga bata pa nga ay punda ng unan ang dala dahil inaasahan na marami ang makokolekta.

Bilang tradisyon sa Amerika (at ilang bansa sa Europa), ito ay ginagawa tuwing katapusan ng Oktubre at nagsisimula sa hapon hanggang gabi. Kinabukasan ay Nobyemre at abala naman tayong mga Pilipino sa pagpunta sa sementeryo upang alalahanin ang mga mahal sa buhay na lumisan na.

Bilang paghahanda sa trick or treat, pagtuntong ng buwan ng Oktubre ay nagkalat na sa lahat ng mga tindahan ang iba't ibang klase ng mga tsokolate at candy maging ang iba't ibang constumes na pagpipilian.

Ngayon, upang malaman na ang isang bahay ay nakikiisa sa kaugalian na ito ay kadalasan na may makikitang kalabasa o anumang simbolo ng 'Haloween' sa labas ng pintuan.

Sa Pilipinas naman ang katumbas nito ay naging tradisyon sa ilang probinsiya na tinatawag na "Pangangaluwa". Ito yung kumakanta sa labas ng bahay na kapareho ng "caroling"...

1