Writings about torn (1)
1 of 1

Huli Na

Submitted by on April 8, 2017 (21 days ago)
Posted in Confession: True Story, Tagalog | Categories: First Time | Tags: , , ,

Wala na.
Wala na talaga. Wala ka na. Wala ng tayo. Ay oo nga pala, hindi nga pala naging tayo. Dahil sa kanya ka at nakihati lang ako. Oo nakihati ako, sa unang pagkakaton nanlimos ako ng atensyon, ng pagmamahal, ng taong pwedeng makasama ko tumupad ng mga pangarap ko. Nabulag ako, akala ko ikaw na, inulit ko na naman.. nagmadali na naman ako. Kaya heto, nadapa, nagpapagaling, pero wag ka mag alala sandali lang 'to.

Dalawang buwan.
Dalawang buwan kong hinayaan na maging madamot ako at sarili ko naman pasayahin ko. Nakokonsensya ako pero tinuloy ko pa rin. Kaso tuwing araw ng Sabado yung mahirap gaya ngayon. Kasi pupunta ka sa kanya ng umaga palang at bawal ako magtext hangga't hindi ka nagttext. Anong oras ka na nakakauwi, madalas antok na antok na ko pero pipilitin ko pa ring hintayin ka kasi namiss kita. Ang sama ko. Akala ko talaga ikaw na. Naalala ko, bata pa nga pala ako, bakit ba sinasayang ko pa oras ko dito...

Sya.
Madalas kong hilingin na sana ako nalang sya. Sabi mo dalawang taon na kayo at malamig na. Tinanong kita kung bakit, at nung nung sinabi kong dahil ba wala ng sex, umoo ka. Dahil lang ba don kaya mo sya niloloko? At ako naman si gaga nagstay pa kahit alam nang ako naman ang dehado sa huli. Di mo ko pipiliin, mas mahal mo sya alam ko kahit madalas mong sabihin na ako na ang mas mahal mo. Di mo sya iiwan, sinong tanga ang ipagpapalit ang dalawang taong pinagsamahan para sa dalawang buwan lang? Talo ako. Oo alam ko...

1