Writings about Taxi encounter (1)
1 of 1

Bahay sa 69 Acacia St.

Submitted by on February 28, 2016 (9 months ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Mature | Tags:

"Sa 69 Acacia po tayo..."

"Opo Maam", buong sang ayon si Ador sa pasaherong naka upo sa likod ng kanyang taxi. Pinaandar ni Ador ang taxi patungo sa nasabing lugar.

Lumingon si Ador sa kanyang relo, ala una ng madaling araw. Pang limang sunod na ata ang hatid niya sa pasaherong ito sa taxi stand ng Makati Ave. Halos eksakto sa oras tuwing dadaan siya sa lugar para ipick up ang pasahero. Marahil ay isang call center agent ang babaeng pasahero.

Hindi makakaila ni Ador na maganda ang pasahero. Sa masikip na blouse at maong na suot, litaw ang kaseksihan ng pasahero. Dahil mababa ang butones, litaw din ang cleavage ng mga malulusog na suso.

Ang makakuha ng magagandang pasahero ang konwelo ni Ador sa pag mamaneho ng taxi. Dahil mainit pa ang mga awtoridad sa akyat bahay kung saan siya miyembro, lie low muna. Kapag hindi na mainit sa paghahanap sa kanila, ireresume ulit ng mga kasama niya ang pag akyat bahay.

"Dito na po tayo Maam"

"Eto po ang bayad, salamat"

Bumaba ang pasahero mula sa taxi at dumeretso sa bahay. Kita ni Ador na lumang istilo ang pagka gawa sa bahay- yung tipong panahon pa ng kastila. 

Madaling pasukan ito kung gugustuhin ko lang, ang nag laro sa isip ni Ador.

Di pa nakaka layo si Ador ng lumingon siya sa pinag upuan ng pasahero. Isang iPhone ang naiwan!

"Wow, kung susuwetihan ka naman!", ani ni Ador sa sarili.

Pinara ni Ador ang taxi s...

1