Writings about supernatural (73)
7 of 8

Harapin Ang Liwanag! Chapter VIII

Submitted by on July 17, 2015 (2 years ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Erotic Horror, Sci-Fi and Fantasy | Tags:

Chapter VIII: Connections!

"Tenyente!" tawag ni Fredo sa akin na sumaludo silang dalawa ni Jimmy "Fredo, Jimmy kumusta na kayo dito?" tanong ko sa kanila "ok naman po Tenyente medjo boring po dito" sabi ni Fredo. "Tsk! trabaho niyo yan huwag kayong magreklamo" sabi ko sa kanya na pumasok ako sa loob ng bahay at tumingin sa paligid. "Tenyente, ano po ang gagawin niyo dito?" tanong ni Jimmy sa akin "mag-iimbistiga, ano pa nga ba?" sabi ko sa kanya "hali nga kayo dito, tulongan niyo nalang ako" sabi ko sa kanila na pumasok sila sa bahay. "Ano po ang maitutulong namin, Tenyente?" tanong ni Jimmy sa akin.

"Hmm..." nalang ako sabay kuha ko ng booklet ko at binasa ang sinulat ko kagabi "sabi ng SOCO segundo lang ang agwat ng mga sugat ng mga biktima" pasimula ko na naglakad ako papunta sa sofa. "Fredo" tawag ko sa kanya "opo, Tenyente?" tanong niya "tumayo ka dito, ikaw naman Jimmy.... sabi sa SOCO nasa kusina ang pangalawang biktima.. pumunta ka dun sa kusina" utos ko sa kanya na naglakad ito papunta dun. "Ano po ang susunod, Tenyente?" tanong ni Fredo sa akin na napakamot ako ng ulo "Tenyente?" tawag ni Jimmy na dumungaw ito sa amin "hmm.... paano nangyari ito? Segundo ang agwat ng pagkakahiwa ng mga biktima pero... tingin mo Fredo ilang layo mo kay Jimmy?" tanong ko sa kanya na nag-isip ito.

"Sampung talampakan po Tenyente" sagot niya "tama ho siya Tenyente" sagot din ni Jimmy na napakamot ulit ako sa ulo "Hmmm..." nalang ulit ako at biglang naa...

Harapin Ang Liwanag! Chapter VII

Submitted by on July 17, 2015 (2 years ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Erotic Horror, Sci-Fi and Fantasy | Tags:

Chapter VII: Forbidden Ritual!

"HENERAL!" tawag ng isang tauhan nila na nasa tore "BAKIT?" sagot niya "AATAKE NANAMAN ANG MGA ASWANG!" balita nito na nakita nila sa malayo ang maraming nagliliparang manananggal at limang barkong papalapit sa kaharian. "MAGSIHANDA KAYO! TANDAAN NIYO ISA AT KALAHATING ORAS LANG ANG ITATAGAL NATIN DITO SA LABAS!" sabi ni Heneral Guille sa kanila "OPO HENERAL!" sigaw nilang lahat. "Yuri!" tawag niya "opo Heneral?" "pumasok ka sa palasyo at ibalita mo ito sa mahal na Reyna" utos ng Heneral "masusunod Heneral" sagot nito at agad itong tumakbo papasok sa loob ng palasyo. "IHANDA ANG MGA KANYON!" utos ng Heneral na nagsitakbohan ang mga tauhan niya para ihanda ang mga kanyon at mga bala nito.

Sa loob ng palasyo, "mabuti at walang masamang nangyari sa inyo" natutuwang sabi ni Reyna Lucia "magaling na pagdating sa pakikipaglaban si Julian, mahal na Reyna" papuri ni Kap. Mrorietta kay Julian. "Maraming salamat po, Kapitan pero isa palang po ang napatay ko" sabi ni Julian "hindi kailangan kung ilan ang napatay mo Julian, ang importante na protektahan mo si Zoraida" sabi ng Reyna sa kanya na napangiti siya. "Kamahalan!" tawag ni Yuri sa kanya na agad itong lumuhod sa harap ng Reyna "Yuri, ano ang balita sa labas?" tanong ni Kap. Morietta "Mahal na Reyna, Kapitan Morietta paparating na po ang pangalawang hukbong ng mga aswang" balita niya.

"Zoraida, kahit ano ang mangyari huwag na huwag mong bibitawan ang Aklat ng Dilim"...

Harapin Ang Liwanag! Chapter VI

Submitted by on July 17, 2015 (2 years ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Erotic Horror, Sci-Fi and Fantasy | Tags:

Chapater VI: Clanul Razboi (Clan War)!

Dumating ako sa presinto bandang alas tres ng madaling araw at kita kong konte lang ang tao sa loob "Tenyente!" sabi ng pulis na nasa front desk na nagulat ito nung pumasok ako. "Flores, kumusta ang presinto?" tanong ko sa kanya "ok naman Tenyente, teka.. hindi ba dapat nasa ospital ka ngayon?" takang tanong niya sa akin. "Nainip ako isa pa wala naman silang nakitang problema sa akin" sagot ko sa kanya "me balita na ba tungkol sa homicide?" tanong ko sa kanya. "Hindi pa nagpadala ng report ang SOCO baka mamaya o bukas siguro, Tenyente" balita niya sa akin "sige, puntahan ko nalang" sabi ko sa kanya "Tenyente" tawag niya sa akin sabay turo sa kamay ko "oh, salamat" sabi ko sa kanya nung tinanggal ko wrist band ko.

Buti nalang at dinala pala ni Alan ang kotse ko dito sa presinto kaya ito yung ginamit ko papunta sa SOCO laboratory para makakuha ng maagang balita tungkol sa kaso, pagdating ko dun walang tao sa front desk nila kaya umakyat nalang ako sa taas. "Thelma!" tawag ko sa kanya nung nakita ko itong me bitbit na "utak ng tao yan" sagot niya nung tiningnan ko ito sa labas ng bintana ng laboratory niya. "Bakit ka nandito? Kala ko ba nasa ospital ka?" tanong niya sa akin "eh.. sabihin mo nga sa akin kung me balita na ba tungkol sa homicide?" tanong ko nalang sa kanya "as always Lt. Demanding!" biro niya sa akin na nginitian ko lang siya.

"Alright" sabi niya na nasa likod lang niya ako habang naglalakad i...

Harapin Ang Liwanag! Chapter V

Submitted by on July 14, 2015 (2 years ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Erotic Horror, Sci-Fi and Fantasy | Tags:


Chapter V: The Past!

Dumapo si Julian sa kampanaryo ng simbahan at tumingin siya sa baba "hmmm..." nalang siya nung hindi niya makita ang matanda sa mga taong naglalakad at nagbebenta sa harap ng simbahan. Me nakita siyang mga kabataan na nakatambay sa gilid ng simbahan kaya naging anino siya at bumaba malapit sa kanila at tiningnan niya ng maayos ang mga suot nito. Nung nagpasya ng umalis ang mga ito siniguro muna ni Julian na walang taong makakita sa kanya at lumabas na siya sa anino at ginaya niya ang suot ng isa sa binatang nakita niya kanina. Narinig niya ang pintig ng puso ng matanda kaya naglakad na siya papunta dun at nung makita na niya dahan-dahan niya itong nilapitan at huminto siya ilang talampakan lang ang layo niya sa likod ng matanda.

"Alam mo bang pambabastos ang ginagawa mo" narinig niyang sabi ng matanda na nilingon siya nito "Julian" nakangiting nakatingin sa kanya ang matanda "manang Zora" sabi ni Julian. Lumapit si Julian sa kanya na bigla nalang natawa ang matanda sa kanya "bakit manang?" tanong ni Julian "yung suot mo kasi" sabi ng matanda na tumalikod ito at tumawa. "Ano ho ba ang nakakatawa sa suot ko?" tanong niya "hahaha... sobrang baduy!" sagot ng matanda na natawa siya sa maluwang na t-shirt, baggy shorts at mahabang medyas at nakabanda na pa ito "magpalit ka nga ng damit!" sabi ng matanda sa kanya. "Hmm.." lang si Julian...

Harapin Ang Liwanag! Chapter IV

Submitted by on July 14, 2015 (2 years ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Erotic Horror, Sci-Fi and Fantasy | Tags:

Chapter IV: Forbidden!

"Tingnan mo ang porma mo at huwag lang depensa ng depensa Julian" sabi ni Hen. Guille sa kanya nung nag ensayo na ulit sila "pa.. haa..haa.. pasensya na po Heneral.." hinihingal na sabi ni Julian dahil pagod na siya. "Hmp!" na lang ang Heneral at napatingin ito sa bintana at kita niyang malapit ng sumikat ang araw "bweno, ituloy nalang natin ito pagbalik natin galing sa pagpupulong" sabi ng Heneral kay Julian na agad itong umupo sa sahig at binaba ang espada niya. Tumalikod ang Heneral at naglakad ito papunta sa mesa, uminom ito ng paborito niyang alak at kinuha ang isang basong tubig at dinala ito kay Julian.

"Salamat po, Heneral" sabi ni Julian nung inabot ng Heneral ang baso, umupo ito sa tabi ni Julian at nginitian siya nito "bakit po?" tanong ni Julian "gumagaling kana Julian, konting ensayo pa at magiging kapareha kana ni Kapitan Morietta" papuri ng Heneral sa kanya. "Talaga po?! hehehe.. mahusay po kasi kayong magturo, Heneral" sabi ni Julian sa kanya na ngumiti ito at sabing "hindi ako naging Heneral ng ganun-ganun lang, Julian!" sabi nito na nagtawanan silang dalawa. Natutuwa ang Heneral sa progreso ni Julian at sino ba ang mag-aakalang ang dating payatot at hikain na bata eh magiging matipuno at mahusay na sa paggamit ng espada.

"Heneral!" tawag pansin ng isang sundalo niya na nakaluhod ang isang tuhod sa sahig a...

Harapin Ang Liwanag! Chapter III

Submitted by on July 14, 2015 (2 years ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Erotic Horror, Sci-Fi and Fantasy | Tags:

Chapter III: New World, Old Friends!

Makalipas ang ilang minuto nakarating na sila sa isang subdivision at huminto sila sa likod ng dalawang palapag na bahay "halika Julian, tuloy ka" yaya nung matandang lobo sa kanya na una silang pumasok kasunod ang apat na anak ni Solomon. "Maligayang pagdating, amang lobo" bati ng isang babae sa kanya na tumingin ito kay Julian at nagulat ito nung makita siya "Melinda" tawag ni Julian sa kanya. "I..ikaw..." sabi ng babae "Melinda, bisita natin si Julian" sabi ng amang lobo na dumaan ito sa harapan niya at yumuko si Melinda. "Pasensya kana kung maliit lang ang tahanan namin, kaibigan" sabi ng amang lobo. "Hindi ako namimili ng lugar alam mo yan, Solomon" sabi ni Julian sa kanya na napangiti ito "hindi ka parin pala nagbago, kaibigan" sabi ni Solomon sa kanya na naglakad si Julian at tumitingin-tingin sa paligid.

"Ngayon Solomon, ikwento mo sa akin kung ano ang nangyari sa mundo simula nung natulog ako" sabi ni Julian na umupo ang mga taong lobo sa upoan nila pati narin si Solomon at niyaya niyang umupo din si Julian. "Salamat kaibigan, pero pipiliin kong tumayo" sabi ni Julian sa kanya "wala ka bang tiwala sa amin?" tanong ng nakababatang lobo "Mariz!" tawag ni Solomon sa kanya "wala yun Solomon, me tiwala ako sa inyo kaya nga ako nandito, hindi ba?" sabi ni Julian sa kanya na natahimik lan...

Harapin Ang Liwanag! Chapter II

Submitted by on July 14, 2015 (2 years ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Erotic Horror, Sci-Fi and Fantasy | Tags:

Chapter II: Her Scent!

Habang tumatawag si Romero sa headquarter namin sa Quezon City nasa taas naman ako kausap si Capt. Maranan.

"Pasensya na kung hindi agad nakarating ang mga tauhan ko, Lt. Rosales" paumanhin niya sa nangyari sa amin kanina. "Hindi na importante yun Hepe ang importante maayos kaming nakabalik dito" sabi ko sa kanya pero sa loob ko galit na galit ako sa kanila "mabuti kung ganun, nakilala niyo ba yung mga taong nang ambush sa inyo?" tanong niya sa akin "sinabi sa amin ni Boyet na mga kasamahan niya yun sa maynila, yung mga kasama niya nung nang hold up sila ng banko" sabi ko sa kanya.

"Kung ganun, delikado pala ang mga taong yun" sabi niya na kita kong nakatingin ito sa dibdib ko "ah sir, mawalang galang na po" sabi ko sa kanya "ha? bakit?" tanong niya "nasa itaas po ang mata ko, wala sa dibdib ko" sabi ko sa kanya na kita kong napahiya ito.

Bumaba na ako sa selda at nakita kong kausap ni Romero si Boyet "Tenyente" tawag niya "kumusta na kayo?" tanong ko sa kanila "ok lang kami" sagot ni Romero "so ano ang sabi ni Hepe sa report mo?" tanong ko sa kanya. "Magpaliban daw muna tayo ng gabi dito at bukas na daw tayo bumyahe" balita niya sa akin "hindi pwede, mamaya aalis na tayo" sabi ko sa kanya "nenerbyos pa ako Tenyente" sabi ni Boyet sa akin "suck it up!"...

Harapin Ang Liwanag! Prologue & Chapter I

Submitted by on July 14, 2015 (2 years ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Erotic Horror, Sci-Fi and Fantasy | Tags:

We all die. The goal isn't to live forever, the goal is to create something that will.
Chuck Palahniuk

Prologue:

"Pigilan niyo siya, huwag niyo siyang hayaang makaalis sa mansion!" utos ni Don Faustino sa mga tauhan niya nung nakita nilang me bitbit na damit si Isabella "papa, hayaan niyo na po kami ni Julian, nagmamahalan po kami" pagmamakaawa ni Isabella sa papa niya. "Hindi ka aalis at hindi ka sasama sa taong yun!" galit na sabi ng papa niya "sige! ipasok niyo siya sa kwarto niya!" utos niya sa tauhan niya na hinila nila si Isabella paakyat sa kwarto at ni lock ito.

"PAPA MAAWA KA SA AKIN, MAHAL NA MAHAL KO SI JULIAN!!" pagmamakaawa niya sa papa niya na hindi siya nito pinakinggan "Juan, Arturo tawagin niyo ang ibang kasamahan niyo at sumama kayo sa akin" utos ni Don Faustino sa kanila "sige po, amo!" sagot ni Juan na umalis na sila ni Arturo at pumunta sa kwarto niya si Don Faustino.

"Tino, ano nanaman ba ito?" tanong ni Doña Charito sa asawa niya "ayaw sumunod ng anak mo sa akin kaya ngayong gabi tatapusin ko na ang kahibangan ng babaeng yan" sagot niya sa asawa niya at kinuha niya ang baril sa kabinet at nagpaalam na ito. "Dyos ko Tino, huwag mong gawin yan, matakot ka sa dyos" sabi ni Doña Charito "matakot sa dyos? demonyo ang taong yun Charito, para...

Salamangka (The Adventures of Saturnino Satanas) 5

Submitted by on May 29, 2013 (5 years ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: First Time, Group Sex, Taboo, Supernatural | Tags:

Story deleted requested by the submitter.

Salamangka (The Adventures of Saturnino Satanas) 4

Submitted by on May 28, 2013 (5 years ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Group Sex, Supernatural, Romance | Tags:

Story deleted requested by the submitter.

« Prev12345678Next »