Writings about supernatural (67)
5 of 7

Harapin Ang Liwanag! Chapter XXII

Submitted by on July 29, 2015 (2 years ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Supernatural, Sci-Fi and Fantasy | Tags:

Chapter XXII: Prelude to War!

"Teka, hindi ba napatay si Hilda?" tanong ko kay Ingkong Romolo "oo, napatay nila ni Una at ni Lucille ang katawang lupa ni Hilda pero yung kaluluwa niya ay kinulong nila sa dimensyon ng dilim" paliwang ni Ingkong. "Una, yun yung pangalan na binigay sa amin nung binata" sabi ni Haring Narra "hmp! Imposible ngang si Una yun dahil sampung melinyo ng patay ang taong yun, isa pa hindi na siya makakatapak sa lupang ito" sabi ni Ingkong sa amin. "Bakit?" tanong ni manang Zoraida "dahil sinumpa siya kaya kung babalik siya dito sa lupang ito me masamang mangyayari sa kanya o kay Lucille" kwento ni Ingkong sa amin.

"Ang mga Bailan at Bampira" sabi ko na napatakip ng bibig si manang "hindi ko naman masasabing sumpa nga ang nangyari sa kanila pero yun ang naka saad sa aklat ng kasaysayan namin" sabi ni Ingkong Romolo. "Me nakasulat din ba dun kung paano nila natalo si Hilda?" tanong ni manang "hindi buo ang aklat namin, sa tagal na ng panahon me mga pahina na itong nawawala" sagot ni Ingkong "at least alam na natin kung sino sila" sabi ko sa kanila na napatango si Haring Narra at si manang Zoraida. "Lalabas muna ako at aasikasuhin ko muna ang mga tauhan ko" paalam ni Ingkong Romolo sa amin "Ingkong, yung inalok ko sa inyo kanina" paalala ko sa kanya "oo, walang problema sa akin, sasabihin ko sa mga tauhan ko yan" sabi niya at umalis na ito.

"Matagal na palang me ugnayan ang mga Bailan at mga Bampira" sabi ko "sa sinabi ni...

Harapin Ang Liwanag! Chapter XXI

Submitted by on July 29, 2015 (2 years ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Erotic Horror, Supernatural, Sci-Fi and Fantasy | Tags:

Chapter XXI: Soul Connection!

Napanganga si Julian at hindi makapaniwala sa narinig niya "u...unang bampira.. si...Una?!" gulat na tanong niya na natawa lang ang matanda sa kanya "hahaha nakakatawa ang mukha mo bata!" natatawang sabi ng matanda. "Na.. nakuha niyo pang tumawa na ang ninuno natin ay unang bampira?" sabi ni Julian sa kanya na tumigil sa kakatawa ang matanda at ngumiti ito "kalma lang bata, hindi pa ako tapos magkwento" sabi ng matanda sa kanya. "Nung naibigay na ni Lucille ang kalahating kapangyarihan niya kay Una bigla nalang lumiwanag ang katawan niya at lumakas muli siya" kwento ng matanda "tapos?" tanong ni Julian "doon sabay bumaba ang dalawa at sumali sa laban" kwento ng matanda.

"Pa konte nalang ang mga aswang nung sumulpot si Hilda at galit itong nakipaglaban sa kanila na hindi alam ng magkakapatid kung ano ang gagawin nila" kwento ng matanda "pero si Una, siya ang humarap kay Hilda gamit ang kapangyarihang binigay ni Lucille". "Hindi nag-aksaya ng oras si Una at inatake agad niya si Hilda na galit itong nakipag-away sa kanya, isa lang ang pumapasok sa isipan ni Una ang protektahan ang babaeng mahal niya" kwento ng matanda na napangiti si Julian. "Nakita ni Lucille na hindi sapat ang kapangyarihan ni Una kaya sumali siya at silang dalawa ang humarap kay Hilda" kwento ng matanda. "Hindii gumawa ng paraan ang tatlo niyang kapatid para pigilan si Hilda?" tanong ni Julian.

"Dahil sa pagmamahal nila kay Hilda kaya hindi sila...

Harapin Ang Liwanag! Chapter XX

Submitted by on July 28, 2015 (2 years ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Supernatural, Sci-Fi and Fantasy | Tags:

Chapter XX: The First!

Tahimik lang kaming apat habang nakatayo kami sa gitna ng gubat, naririinig namin sa malayo ang ingay ng mga taong naglalaban "Lorenzo" naunang nagsalita si manang na lumingon ito sa kanya. "Ba... bakit ka nagbalik?" tanong ni manang sa kanya "binuhay muli ako ni Olivia, Zora. Hindi ko gusto ang mabuhay muli lalong-lalo na gagamitin niya ang buong Bailan sa dilim" sagot ni Lorenzo. "Kaibigan, pwede ka namang umayaw sa inuutos niya hindi ba?" tanong ni Haring Narra sa kanya na hinila ni Lorenzo ang damit niya sa me leeg at ipinakita niya sa amin ang dibdib niya. "Ito ang marka ni Olivia, pag-iisip lang ang hawak namin pero hindi ang galaw ng aming mga katawan" paliwanag ni Lorenzo "pag-inuutos niya susundin namin kahit labag ito sa kalooban namin wala kaming magagawa dahil sa markang nakalagay sa dibdib namin" dagdag niya.

"Kilala niyo ako, ayaw ko ng gulo o kumitil ng buhay ng walang dahilan, kaya, maaari sundin niyo nalang ang hinihiling ko" sabi ni Lorenzo sa kanila na nagkatinginan si manang at si Haring Narra. "Hindi maari Lorenzo, kung makuha ni Olivia ang Aklat ng Dilim hindi lang buhay namin ang malalagay sa peligro pati narin ang buong sambayanan ng mortal" paliwanag ni Haring Narra "tingin mo ba hindi ko alam ito? Wala akong magagawa dahil kontrolado ako ni Olivia" sabi ni Lorenzo sa kanya. "Narra, hindi tayo makakapagrason sa kanya dahil hindi niya hawak ang katawan niya" sabi ni manang kay Haring Narra na lumingon sila...

Harapin Ang Liwanag! Chapter XIX

Submitted by on July 28, 2015 (2 years ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Supernatural, Sci-Fi and Fantasy | Tags:

Chapter XIX: The Great Pretender!

"Uh...." bigla nalang nasabi ng taong nasa basement "kamahalan? Me problema ho ba?" tanong ng tauhan niya na tumayo ito at naglakad sa harap ng mesa niya "tila.. hindi ko na ata nararamdaman ang dilim ni Julian" sabi nito. "Po?" takang tanong ng tauhan niya "ipatawag si Enrico" utos ng amo niya "masusunod kamahalan" sagot ng tauhan niya na agad itong umalis at lumabas ng silid. "Ano ang nangyari sa'yo Julian? Bakit bigla ka nalang nawala? Hmmm..." alalang sabi nito "bakit parang nag-aaalala ka sa kanya?" tinig ng babae sa likuran niya "hindi naman, mas gusto ko kasing nararamdaman ko siya kesa nawawala nalang siya bigla" sabi ng lalake sa kanya.

"Yun ba talaga ang dahilan?" tanong ng babae sa kanya na nilingon niya ito at tiningnan niya ng masama "hahaha.. kalma lang, gusto ko lang malaman kung kasapi pa ba kita ngayon na bumalik na muli siya" sabi ng babae sa kanya. "Huwag kang mag-alala kasapi mo pa ako ngayon pero, sa oras na me gagawin ka sa likuran ko" biglang hinugot niya ang espada niya at tinuon niya ito sa babae "ako mismo ang puputol sa ulo mo!" banta niya. "Hahahaha.. alam nating hindi mo kayang gawin yan sa akin" sabi ng babae na naglakad itong lumapit sa kanya at hinawakan siya nito sa balikat "dahil ako ang dahilan kaya nabubuhay ka ngayon" sabi ni Olivia sa kanya.

"Hayaan muna nating magpahinga si Julian, Isabella" sabi ni manang Zoraida sa akin "sige po" sagot ko sa kanya na hinayaan lang nami...

Harapin Ang Liwanag! Chapter XVIII

Submitted by on July 25, 2015 (2 years ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Erotic Horror, Supernatural, Sci-Fi and Fantasy | Tags:

Chapter XVIII: Secrets!

Nagulat ako nung nakita ko si Ben ang kayakap ngayon ni Elizabeth "why calling me all of the sudden Benny?" tanong ng kapatid ko sa kanya "I just missed you that's all" sagot ni Ben "hmmm.. dahil wala ang sis ko no?" tanong ni sis. "No, not really you are always in my mind, Lizzy" sagot ni Ben na Lizzy pa ang tawag niya sa kapatid ko "kumalma ka Isabella" sabi ni manang Zoraida sa akin dahil napansin na niyang nakakamao na ako. "Teka yung niluluto ko sa kusina" sabi ni sis sa kanya "patayin mo muna, I want you now Lizzy" sabi ni Ben sa kanya na kita kong nanggigigil si Elizabeth sa kanya at natuwa pa ito. "Sige patayin ko na muna yung stove at mauna ka na dun sa kwarto... get yourself comfortable" sabi ng kapatid ko sa kanya na napangiti si Ben.

Nakita kong masayang pumasok sa kusina si Elizabeth kaya sumunod ako kay Ben na ngayon ay hinuhubad narin ang damit niya habang naglalakad ito papasok sa kwarto ng kapatid ko "mag-eenjoy ako ngayon" sabi ni Ben na tinanggal na niya ang belt niya. Umupo siya sa kama at inaalis ang sintas ng sapatos niya at nung nahubad na niya ito nagmamadali siyang hubarin ang pantalon niya at tumalon ito sa kama na naka underwear nalang. "Shit! Ito pala ang ginagawa nila sa likuran ko" sabi ko na hinawakan ako ni manang Zoraida sa balikat na hindi ko ito napansin na sumunod din pala ito sa amin.

"Huminahon ka Isabella, hindi ito ang lugar at huwag ngayon" sabi ni manang sa akin "alam ko, pero...

Harapin Ang Liwanag! Chapter XVII

Submitted by on July 25, 2015 (2 years ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Erotic Horror, Supernatural, Sci-Fi and Fantasy | Tags:

Chapter XVII: Death!

"Issa, ano ang plano mo?" tanong ni manang Zoraida sa akin "hihintayin muna natin maghating gabi para konte nalang ang tao sa presinto" sabi ko sa kanya "paano kung marami pang tao dun?" tanong ni Dante. "Alam ko ang takbo ng presintong yun, Dante kaya nakakasiguro akong konte nalang ang tao mamaya" pasisiguro ko sa kanya "ang sarap ng niluto mo Issa" sabi ni Jasmine sa akin na tinulongan na niya akong magligpit ng plato. "Ako na ang maghuhugas niyan" sabi ni manang Zoraida sa akin "hindi manang me dishwasher kaya hindi mo na kailangan pang hugasan yan" sabi ko sa kanya na binuksan ko ito at pinasok ko ang mga ginamit namin sa loob at naglagay ako ng dishwasher soap at sinara ko ito at pinaandar.

Nakaupo kaming lahat sa sala at nag-uusap sa susunod naming hakbang "nasa pangatlong selda si Boyet, solo siya dun" sabi ko sa kanila na ginuhit ko pa ang buong layout ng presinto para malaman nila kung nasaan si Boyet. "Nasa pinakadulo niyo pala siya nilagay?" tanong ni Dante "oo, nilagay ko siya sa seldang yun dahil naka set na kasi ang schedule ng arraignment niya" paliwanag ko sa kanila. Narinig kong tumigil na sa pag-andar ang dishwasher kaya nagpaalam muna ako sa kanila para asikasuhin ito "sino ang sasama sa kanya para makuha si Boyet?" tanong ni Dante kay Zoraida "huwag mo akong tingnan Dante, pagdating sa ganyan wala akong alam dyan" sabi ni Zoraida sa kanya.

"Pwede tayo Heneral, pwede tayong magkunwaring pulis" sabi n...

Harapin Ang Liwanag! Chapter XVI

Submitted by on July 25, 2015 (2 years ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Erotic Horror, Supernatural, Sci-Fi and Fantasy | Tags:

Chapter XVI: The Grand Ritual!

Nakarating na kami sa kaharian ni Haring Narra at agad namin siyang sinabihan tungkol sa kalabang humahabol sa amin "uutosan ko ang mga kawal ko na magbantay sa paligid at magpadala narin ako ng mga tauhan sa kubo" sabi ni Haring Narra. "Salamat kaibigan" sabi ni Ingkong Romolo sa kanya "walang anuman yun kaibigan, teka nasaan nga pala si Julian?" tanong ni Haring Narra "naiwan siya kasama si Dante" sabi ko. "KAMAHALAN, KAMAHALAN!" sigaw ng isang tauhan niya "ano yun?" tanong ni Haring Narra "namataan ng mga tauhan natin na nasa labas lang ng kaharian natin sina Julian at si Dante na me kaaway sila" balita ng tauhan niya.

"Magpadala ka ng tauhan natin dun para tulongan sila" utos ni Haring Narra "nagpadala na ako ng hukbong kamahalan" sabi nung tauhan niya "kailanganin ako ni Dante, tutulong din ako" sabi ni Ingkong Romolo. "Pati narin ako" sabi ko na pinigilan ako ni manang Zoraida "hindi ito ang panahon mo, Isabella manatili ka lang dito" sabi niya sa akin "pero.." "Tenyente, hayaan niyo na sila" sabi ni Jasmine sa akin na kita kong nanginginig parin siya "Ituro mo sa akin kung nasaan sila" sabi ni Ingkong Romolo sa tauhan ni Haring Narra na sumunod siya nito pagkatapos silang magpaalam "makikita natin sila sa tore, tayo na" yaya sa amin ni Haring Narra kaya sumunod kami sa kanya paakyat sa taas ng palasyo niya.

Nagulat si Julian nung sinabi ni Dante sa kanya na kapareho ng galaw at abilidad ng tatay niyang s...

Harapin Ang Liwanag! Chapter XV

Submitted by on July 23, 2015 (2 years ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Erotic Horror, Supernatural, Sci-Fi and Fantasy | Tags:

Chapter XV: The Night Stalker!

Tumunog ang celfon ni Elizabeth at nung tiningnan niya ito pangalan ng papa niya ang nasa screen kaya sinagot agad niya ito "hello, papa napatawag ka?" tanong niya "nasaan ka ba ngayon?" tanong ng papa niya. "Nagdadrive pauwi, bakit?" tanong niya "pumunta ka dito sa opisina" sabi ng papa niya "sige papa" sagot niya at binaba na ng papa niya ang telepono "we need to stop" sabi niya sa ka date niya. "Why?" tanong nung lalake "pinapapunta ako ni papa sa opisina" sagot niya na tinulak niya paalis ang lalake sa ibabaw niya "can we just finish before you leave?" sabi nung lalake na kinuha na ni Elizabeth ang mga damit niya at nagbihis na ito.

"I"m sorry lover maybe next time" sabi ni Elizabeth na hindi na niya sinuot ang panty niya at sinuot nalang nito ang blouse at shorts niya "awww but i'm so horny" lambing ng lalaki sa kanya. "FINE! make it quick" sabi ni Elizabeth na hinubad lang niya ang shorts niya at tumuwad ito. Nasa daan na siya pagkatapos labasan nung ka date niya at papasok na siya ng parking lot nung tinawagan uli siya ng papa niya "i'm parking my car papa" sagot niya "umakyat ka sa 10th floor" sabi ng papa niya sabay baba nito ng telepono. "What the... Issa?" nagtaka siya dahil nakita niya ang kotse ng ate niya sa parking lot at umakyat na siya sa taas at pagdating niya sa 10th floor nakita niyang maraming pulis ang nakatayo malapit sa opisina niya at yung iba parang me tinitingnan sa dulo ng hallway.

"...

Harapin Ang Liwanag! Chapter XIV

Submitted by on July 22, 2015 (2 years ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Erotic Horror, Supernatural, Sci-Fi and Fantasy | Tags:

Chapter XIV: Father and Son!

"So silang dalawa ang umatake sa Hari ng Bampira?" tanong ko kay Haring Narra na kita kong napangiti ito at tumingin kay Julian "magaling na mandirigma ang ama mo, Julian lalong-lalo na ang lolo Lam-ang mo" sabi niya kay Julian. "Pasensya na Haring Narra kung hindi ko ikatuwa ang sinabi mo tungkol sa angkan ko, lumaki akong wala sila ni hindi ko man lang nakita kung ano ang hitsura ng mga magulang ko" sabi ni Julian na biglang nalungkot ang mukha ni Haring Narra. "Patawad Julian" sabi ni Haring Narra "wala kayong dapat ihingi ng tawad sa akin, hindi mo kasalanan ang nangyari sa kanila" sagot ni Julian "Julian, wag kang magsalita ng ganyan marunong kang rumespeto" sabi ni manang Zoraida.

"Walang anuman yun, Zoraida" sabi ni Haring Narra na nginitian niya si Julian "so ano pa po ang nangyari nung araw na yun?" tanong ko sa kanya na di na ako makapaghintay na ikwento sa kanya ang ginawa ng mag-ama. "Hehehe... gaya ng sinabi ko kanina ang mga Bailan ay magaling na mandirigma" pasimula ni Haring Narra "noon, nakita nila kung paano lumaban si Lorenzo, nung gabing yun nakikita at nalaman nila kung bakit hinirang ang pamilya ni Lorenzo na mamuno sa Kuro" patuloy ni Haring Narra na tumingin siya kay Julian at sa espada ni Hen Enzo "ang espadang ito at ang espada ni Lam-ang ang naging daan para bumalik ang kapayapaan sa buong lalawigan" kwento ni Haring Narra.

Lumang Pilipinas:

"Anak, nakuha mo ba ang taktika niy...

Harapin Ang Liwanag! Chapter XIII

Submitted by on July 21, 2015 (2 years ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Erotic Horror, Supernatural, Sci-Fi and Fantasy | Tags:


Chapter XIII: Advent!

"Guillermo, Morietta pumunta kayo sa armory at kumuha kayo ng mga gamit, magsuot narin kayo ng pandigma" utos ni Lorenzo sa kanila "masusunod, Kapitan" sabi nilang dalawa at umalis na sila. "Luthero" tawag ni Prinsesa Lucia sa tauhan niya "kamahalan" sagot niya "ipunin mo ang natitira nating mga tauhan na kaalyado natin at papuntahin silang lahat dito" utos niya "masusunod kamahalan" sagot ni Luthero at umalis na siya. "Kailanganin mo din ng gamit" sabi ni Prinsesa Lucia kay Lorenzo kaya umakyat sila sa taas papunta sa silid ni dating Hen. Vlad at pinasuot ni Lucia ang armor niya at binigyan din siya ng espada ni Lucia at nagsuot din siya ng armor niya at bumaba na sila pagkatapos.

Pagbaba nila sa ground floor konte lang ang nakita nilang naghihintay sa kanila sa baba at lahat sila lumuhod nung makita si Prinsesa Lucia'ng bumaba sa hagdanan kasama si Kapitan Lorenzo. "Kamahalan, pasensya na po kung ito lang ang natipon ko" sabi ni Luthero sa kanya "wala yun Luthero ang importante nandito kayong lahat" sabi ni Prinsesa Lucia sa kanya na napansin niyang nakatingin sila kay Kap. Lorenzo. "Kapitan ito lang po ang...." napatigil nalang si Guillermo nung nakita niya si Kap. Lorenzo na suot ang armor ng ama niya "ang gwapo niyo, Kapitan!" sabi ni Morietta "salamat" sagot ni Lorenzo na tumayo siya sa tabi ni Prinsesa Lucia sa me hagdanan.

"Alam kong nagugulohan kayo sa sitwasyon natin ngayon" pasimula ni Prinsesa Lucia "a...

« Prev1234567Next »