Writings about summer vacation (1)
1 of 1

Binyagan Sa Tuwing Bakasyon

Submitted by on April 1, 2016 (8 months ago)
Posted in Blog: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags: ,

Natatandaan ko noong bata ako na mahilig kaming manood ng mga kaibigan ko ng mga batang lalake na nasa 8-12 years old na tinutuli sa tuwing sasapit ang bakasyon. Sa mga buwan ng Abril at Mayo kasi ang pinakamagandang pagkakataong "magpabinyag" dahil may sapat na panahon para magpagaling ng sugat.

Simple lang ang procedure sa tradisyunal na pagtuli na kung tawagin namin ay "de-pukpok". Ito ang pinakapopular noong araw dahil madalang pa ang doktor at bukod dito ay walang pambayad.

Una ay luluhod. Ikalawa ay patitingalain sa langit. Ikatlo ay ipapatong ang balat ng titi sa nakatuhog na kahoy sa lupa habang ngumunguya ng dahon ng bayabas. Ganon lang.

Kapag nakaset-up na ay saka pupukpukin ang nakausling balat gamit ang napakatalim na labaha. Mula sa pagpukpok na ito ay maririnig ang unang sigaw ng pagkabinata. Magpapalakpakan at maghihiyawan naman kami sa bawat matatapos na tuliin na akala mo ay nanalo sa isang pustahan.

Karamihan sa amin na nanonood noon ay hindi pa rin tuli kaya iba't iba ang nararamdaman sa proseso na ito pero basta ang natatandaan ko ay masayang manood.

Ang susunod na eksena ay iluluwa ang nginuyang bayabas at ilalagay sa nagdurugong sugat saka tatalian ng maliit na pahabang tela na kung tawagin ay baru-baruan. Ito raw ay magsisilbing gamot na siyang magpapahilom agad sa titing tinanggalan ng balat.

Makikita ang iba't ibang reaksyon ng mga na...

1