Writings about sexy assistant (1)
1 of 1

Heaven or Hell Episode 3 (Act VIII)

Submitted by on May 23, 2016 (6 months ago)
Posted in Story: Fiction, Taglish | Categories: Mature, One Night Stand | Tags: , ,

Act VIII: Double Dragon 
By: Balderic

Two weeks after Gabriel’s apparent death. 

Sa isang bar, makikitang kakaunti lamang ang tao rito. Maraming bakanteng lamesa. At may mellow music galing sa isang jukebox. Medyo deep blue at pinkish ang mga dancing lights na nagbibigay ng relaxing at medyo cool na mood sa loob ng bar. 

Isang upuan na sofa sa gilid ay naka upo si Yumiko. Nag order sya ng isang basong beer at isang cheeseburger subalit di nya ito ginalaw at nakatitig lamang sya rito. Bumili rin sya ng isang sigarilyo at sinindihan nya ito. Nilagay nya ang yosi sa may ash tray at hinayaang maupos ng dahan dahan. 

Tulalang nakatitig lamang si Yumiko sa mga ito. Mga bagay na karaniwang napapansin nya kay Gabriel noon. Umiinom ng beer sa bar,  mahilig sa cheeseburger at nag yoyosi. Nag ring ang cellphone ni Yumiko. Mabagal nya itong sinagot. 

“Agent Ashura… where are you?  You haven’t checked in for six hours. I need you to come back immediately.” Wika ni Agent Miller. Subit hinde sumagot si Yumiko at pinatay na lamang ang cellphone. 

May isang lalake naman ang lumapit kay Yumiko. Umupo ito sa harapan ni Yumiko. Gwapo ang lalake at mukhang may kaya ito sa buhay. Maayos ang kasuotan nito at blonde ang buhok. 

“I apologize for being rude miss,  but I can’t help but notice that you haven’t been touching your food or y...

1