Writings about sexorcist (1)
1 of 1

The Sexorcist

Submitted by on February 12, 2016 (9 months ago)
Posted in Story: Fiction, Taglish | Categories: Fetish, Supernatural | Tags: , , ,

The Sexorcist

Habang tumutunog ang kampana sa itaas ng parokya sa umagang iyon ng Linggo para sa una nitong misa ay puno naman ang loob nito mula sa mga taong magsisimba. Kapansin pansin na marami sa mga iyon ay mga kadalagahan. Bukod sa pakikinig ng misa, naroon sila dahil sa bagong pari na nadestino sa kanilang bayan isang buwan na ang nakakaraan. Ang beinte dos anyos na si Fr. Terrence Romero.

Mula sa pintuan sa gilid ng altar ay lumabas ang pari kasama ng dalawang sakristan sa pagsisimula ng misa. Matapos ang ilang seremonya, sinimulan na ni Fr. Romero ang kaniyang sermon. Ang kadalasang mga sermon ng batang pari ay para sa mga kabataang gaya niya. Maraming babae ang nagsasabing lalakeng lalake ang boses ni Fr. Romero na sa halip na makinig sila sa sermon nito ay kinikilig sila lalo pa at may hitsura ito.

"Ako po ay natutuwa dahil nakikita ko na mas sumisigla ang ating parokya dahil dumadami ang mga naririto na nagsisipagsimba."sabi ng pari.

"Grabe, ang cute niya talaga."bulong ng isang dalaga sa katabi niyang babae.

"Oo as in. Napaka hot niyang pari. Sayang naman."sagot ng katabi niya.

Nilingon sila ng matandang babae sa harap nila at sila ay sinaway. 

"Ano ba yan, para kayong mga sinisilihan ang puwet sa kilig."

"Kung makapagsalita naman po kayo, me rosaryo pa po kayong hawak pero ganyan kayo makapagsalita.  Walang masakit sa sinabi namin kumpara sa sinabi nyo."sagot ng dalagang babae at lumipa...

1