Writings about Selos (1)
1 of 1

Selos

Submitted by on May 21, 2015 (1 year ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags: ,

Unti unting nagagapo,
Ng apoy na paninibugho
Ang kabuoan ng aking puso.

Nagagawa nga nito na
Palabuin ang aking mata,
Heto't nahirapang makakita.

Sa paglabo ng paningin
Ang pakiramdam ay gayun din,
Ang katinua'y di na napansin.

Ang dila ay naging mabilis
Sa pagwika ng naipong inis,
Ang puntong matuwid ay nalihis.

Ngunit sa dulo nga nyaon,
Kapag lahat ay huminahon,
Nanaising ulo'y nakabaon....

1