Writings about Sa dagat (1)
1 of 1

Isang Gabi sa Laot

Submitted by on May 9, 2013 (3 years ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Gay Male | Tags: , ,

Umaga ng sabado, kay ganda ng sikat ng araw para kay Tommy, 25 taong gulang, medyo may kalakihan ng katawan dahil sa mahilig itong mag-gym, 5'7" ang tangkad at moreno. Illang buwan rin nang hinintay na ma-grant ang kanyang 1 week vacation leave at sa wakas dumating na nga ito.Tangay ang kanyang gamit ay dumiretso na ito sa pantalan para sa ferry na sasakyan nya papunta sa kanyang home province.

Naisipan nyang sumakay ng ferry pauwing probinsya dahil gusto nyang maranasan uli ang maglakbay sa laot at sasakay na lamang sya ng eroplano pabalik ng Maynila. Suot ni Tommy ang kanyang pulang bulaklaking polo na may puting sando sa baba at sinabayan ito ng khakishots at sunglasses, summer na summer ang look.

Alas-9 y medya ang  alisng kanyang barko at sa pagiging excited nito ay napaaga sya sa pantalan ng dalawa't kalahating oras. Alas-7 pa lamang ay nakarating na ito sa pantalan. Hindi pa nagpapasakay ng mga pasashero ang barko kaya napilitang emistambay sa waiting area si Tommy binabasa ang kung anu mang mababasang magazine na tangay nito para sa byahe.

Di katagalan ay may umupo sa katabing upuan ni Tommy at hindi sinasadyang tinamaan siya sa tagiliran ng siko ng tumabi sa kanya. Napalakas ang tama ng siko sa tagiliran nya kaya napapikit ito.

"Aray!" sigaw ni Tommy.

"Uy boss sorry!" isang mistisong binatilyo ang agad na hinipo ang lugar kung saan tinamaan si Tommy. Kayumanggi ang kulay, malaki at bilugan ang hugis ng mga...

1