Writings about rormance (1)
1 of 1

kristina

Submitted by on May 2, 2014 (2 years ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Erotic Couplings, First Time, Romance | Tags: ,

kristina  (complete short story)

starst1949 aka stardust6969

somebodyuused2know,  this is for you, as always.

prologue

las pinas city-present time

Magulo ang kwarto. Nagkalat ang mga gamit, ang mga kahon. Kalilipat lang ni Vincent sa maganda at bagong bahay sa isang subdibision.  Hawak ang maliit na kahon. Iniisip kung saan ito itatago. Madilaw na ito sa katagalan, pero mahalaga ito kanya. Malaking bahagi ito ng kanyang buhay. Minsan, pag parang galit ang mundo sa kanya, ito ang pinaghuhugutan niya ng lakas upang magpatuloy…lumaban sa hamon ng buhay.

Maingat na binuksan ang kahon at Inilabas ang laman.  Isang lumang sulat.  

unang yugto

quezon city, 1992-1993

Marumi at masikip ang kalyeng yun sa Cubao. Dikit ang mga bahay.  Nagkalat ang mga  bata at istambay na mukhang hindi pahuhuli ng buhay. Nagdalawang isip si Vincent kung tutuloy pa, kaya lang , nakita na niya  ang hinahanap na bahay.  

“Kayo po ba si Aling Amanda?” Tanong ni Vincent sa matandang nagbukas ng pinto.

“Ako po si Vincent, kasamahan  ko po si Joey sa trabaho. Nabanggit po niya sa akin na baka bakante pa ang kwartong dati niyang inupahan dito. Gusto ko po sanang makita kung maari.”

“Halika, sumunod ka sa akin , dito sa kabilang pinto.”

Pagpasok, bumungad  kay Vincent ang hilera ng tatlong kuwarto sa kaliwa. Sa gitna ay may maliit...

1