Writings about romance fantasy (1)
1 of 1

Kabilang Mundo 6

Submitted by on September 12, 2013 (3 years ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Erotic Horror, Supernatural, Sci-Fi and Fantasy | Tags: , , , , ,

Please refer to the previous part.

(Kapitulo Triese)

"heto na maita! dito tayo, dali!"
hinila ako ni tony papunta sa isang malaking puno.
Umupo kami at nagtago sa likod ng makakapal at madahon na gumamela na nakatanim sa baba ng puno.

"ano ba talaga 'yon tony?"
tanong ko sa kanya habang tinatanaw-tanaw namin sila.
Nakita ko ang linya ng mga nakahilerang nilalang.

"yan ang prosesyon ng kamatayan, o ang pinapaniwalaan ninyong Grim Reaper"
sagot niya.

"Grim reaper? Diba siya yung kumukuha sa kaluluwa ng mga taong namatay na?"

"hindi! 'di ba nga si Lucifer ang sumusundo ng soul of death? Walang anyo ang kamatayan (grim reaper). Ito ay masamang pangitain lamang na lumalabas para magbigay hudyat na mamatay na ang isang tao."

"eh ano'ng ibig sabihin ng prosesyon na 'yan?"

"may.....may ma-mamatay ngayong gabi!"
halos hindi pa niya masabi-sabi.

Nag-alala naman ako ng husto, na baka hindi na ako makabalik pa sa katawan ko at tuluyan na akong mamamatay.

"hindi na ba ito mapipigila-"
napahinto ako nang maaninag ko ang nakakagimbal na nilalang na nakatayo sa sa likod namin ni tony.
Abala kaming nakaupo at naninilip, ni hindi namin namalayan na may halimaw na palang nakatayo sa likod namin.

"tony...tony..."
pabulong kong sigaw.
Ni hindi ako makalingon sa likod, baka kung ano pa ang g...

1