Writings about Revelation (1)
1 of 1

Re-united - (Syota ng Iba) Simula ng Katapusan

Submitted by on October 16, 2015 (1 year ago)
Posted in Story: Fiction, Taglish | Categories: Romance | Tags:

Tahimik ang lahat, tanging mga kabog sa dibdib ang maririnig, mga kabog na iba-iba ang sinasabi.

     Si Nick, kaharap ang dating kaibigan, ang taong niloko at inagawan ng minamahal noon pero magkasama sila ngayon kaya naisip na tama lang ang ginawa niyang paglayo pero nito lang ay nakagawa na naman siya ng pagkakamali at sa pangalawang pagkakataon ay inangkin na naman nito ang babaeng inagaw niya noon. 

     Si John na dumanas ng matinding sakit, niloko ng kaibigan na itinuring na kapatid, nagtanim ng galit pero nangibabaw ang pagiging mabuting tao at nagparaya pero sa bandang huli ay hindi inakala na may natitira pa palang pagmamahal sa babaeng nanloko sa kanya, inakalang sa pagkakataong ito ay siya naman ang mang-aagaw.

     At si April, biktima ng pagiging marupok at init ng kabataan noon magpahanggang ngayon, kasama niya ngayon ang dalawang lalakeng nakaukit sa kanyang puso, ang mga lalakeng minahal niya sa magkaibang paraan, ang alam niya ay isa lang ang nasaktan, pero ngayon sa nakikita niya ay siya ang tunay na pinaglaruan.

     Lahat sila ay may kanya-kanyang bersiyon sa nangyari matapos ang nangyaring pagkakamali, wala silang alam sa mga tunay na nangyari matapos ang insidenteng naglayo sa kanilang tatlo, insidenteng sumira sa pagkakaibigan, dumurog sa mga puso, at nagbura sa tinatawag na tiwala. 

     Tanging si Hazel lang ang nakakaalam ng lahat, at ito na ang tamang panahon para malaman ng la...

1