Writings about quickie cheating wife (1)
1 of 1

Closet Stories: Gary (Mapagpaubayang Alipin) 2

Submitted by on November 15, 2014 (2 years ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Interracial Sex, Wife Lovers, Mature | Tags: , , ,

Kumuha ako ng kursong Marine Technology at sinubsob ko ang sarili ko sa pag-aaral hanggang sa makagradweyt ako pagkatapos ng anim na taon. Mabilis naman akong nakakuha ng trabaho bilang electrician sa isang luxury ship dahil sa magandang record ko sa eskwelahan at sa mga rekomendasyong ibinibigay ng mga instructors at mga dati kong boss bilang working student. At doon na nga nagsimulang matupad ang pangarap ko.

Bukod kasi sa nakakaipon na ako para sa nanay at mga kapatid ko ay nakakaipon na rin ako para sa sarili ko at nakakarating pa sa iba’t-ibang bansa at nakasalamuha ang iba’t-ibang mga tao at lahi.

Minsan napadaong ang barko namin sa Bremen, Germany--- at doon ko biglang naalala si Frau.Kumusta na kaya siya? Mayroon kaming limang araw na pahinga at makapag-unwind kaya sinamantala ko ang pagkakataon na maglibot sa lugar na ito.

Bagamat nalibang ako sa Bremen, hindi pa rin nakompleto ang linggo ko dahil sinubukan kong hanapin si Frau --- sa Facebook, Twitter, etc., pero bigo ako. Siguro nasa ibang bayan siya ng Germany. O nangibang bansa uli, o bumailik sa Pilipinas? Hindi ko alam. Sana nasa maganda siyang kalagayan.

Labindalawang oras bago bumiyahe ang barko ay nakasampa na ako at naghahanda para sa paglalayag. Nag-routine check-up kami sa makina ng barko para sa maayos na paglalayag.

“Paging Shipmate Estrella! Paging Shipmate Estrella! Please proceed to the captain’s quarters please!”

...

1