Writings about Questions; infidelity; Past; Trust issue (1)
1 of 1

What Can You Say About This?...

Submitted by on October 7, 2013 (3 years ago)
Posted in Confession: True Story, Tagalog | Categories: Mature | Tags:

Hirap na hirap ako igawad ang tiwala…

Maganda kasi siyang babae. Maputi, slim at talagang pala ayos din. Ang catch lang e, meron na siyang anak sa dati niyang karelasyon. In short, kung gugustuhin, makakakuha agad siya ng lalake niya.

Base rin sa mga kwento niya before, medyo nahilig din siya sa nightouts. Lalo na nung sila pa nung ex hubby niya. One time din sa pagsasama nila, nahulog din loob niya sa classmate niya, although according to her, walang relasyong naganap, but the feelings are mutual daw. Wala lang daw pangalan pero may feelings.

Bago sila magkahiwalay ng ex niya, she had 2 ONSs. One, before niya malaman na matagal na pala siya niloloko nung ex niya, at 2nd, nung malaman na niya na nagloko nga ex niya.

Mainit din siya pag nasa mood. Kumabaga, kung gugustuhin niya, tatalunin niya ako sa init ng katawan.

With those said, I concluded na she has tendencies to be infidel. Kasi una, kayang kaya niya, 2nd mahina rin siya dito (although hindi naman garapalan..) both instances kasi, wala siya with her partner.

Nagbabalak kasi ako mag abroad na. kasi balak ko na rin kasing mag asawa. Im hating myself kasi bakit hindi ko maibigay yung tiwalang lubos na dapat sana naibibigay ko sa kanya, sa amin.

Pinapagalitan ko yung sarili ko kasi para sa akin pag Mahal mo, dapat may tiwala, meron naman kaso yun nga, palaging may pero, may kaso, may subalit…

Sana makakuha akong advise from you,...

1