Writings about promodizer (1)
1 of 1

Alok

Submitted by on December 26, 2015 (11 months ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Erotic Couplings, First Time, Wife Lovers, Mature, Reluctance, Romance, One Night Stand | Tags: , , , , ,

“Bhe, natanggal ako sa trabaho…” bungad ni Peth, 25 isang factory worker (o dating factory worker).

“Ha? Bakit?” tanong ni Jole, 25 isang promodizer/sales agent ng mga appliance.

“Madalas na kasi ang pag-aaklas ng unyon, hindi pa sila nagkasundo sa CBA kaya hayun, nagsara na lang ang pabrika…”

“P-paano iyan bhe…saan tayo kukuha ng pambayad sa bahay? Panggastos sa pagkain, tubig at kuryente, kinakapos na sa sweldo ko…”

“Huwag kang mag-alala, maghahanap agad ako ng trabaho sana bago dumating ang deadline sa bayarin sa bahay may trabaho na ako…”

Pero hirap makahanap ng trabaho si Peth, karamihan kasi ay underqualified siya. Dahil desperado na, tinanggap na lang niya kung ano ang inaalok ng agency.

“Bhe, may trabaho na ako…utility, sa isang private school…”

“Salamat naman…mabuti na ito kaysa wala…pero bhe kailangan na nating bayaran ang tatlong buwang upa sa bahay. Nagpadala na kasi ang ahensya ng notice na mareremata na ang bahay sa susunod na buwan…” paliwanag ni Jole.

“Alam ko bhe! Kailangan mo pa bang ipaalam sa akin? Akala mo ba hindi ako gumagawa ng paraan? Nangungutang na nga ako sa mga kaibigan at kamag-anak natin, pero mga wala rin sila! Anong gusto mo? Kung may magagawa kang paraan, walang problema sa akin!” inis na sagot ni Peth.

“Hayaan mo bhe, gagawa ako ng paraan…” maluha-luhang sagot ni Jole.

*...

1