Writings about PINOY ABROAD (1)
1 of 1

ANG LIHIM SA LIHAM NI MILA

Submitted by on July 4, 2014 (2 years ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Erotic Couplings, Mature, Reluctance, Romance | Tags: ,

©jason_the_jackal,
July 2014, All Rights Reserved

A work of fiction. Dedicated to all OFWs who have witnessed and suffered the Syrian Civil War. As always, leave a comment after reading. Enjoy. JTJ

***

CHAPTER ONE: Despidida

*

MAINGAY ang kasiyahan sa tahanan ng mga Agoncillo sa Barangay San Isidro, San Pascual, Masbate. Nakikisaya kasi ang halos buong baryo sa umano’y napipintong pagyaman ng mag-asawang Kardo at Magda. Sa makalawa na kasi ang flight ng anak nilang si Mila papuntang Syria, upang mag trabaho doon bilang domestic helper.

Katatapos lang nito ng high school ngunit ipinag tulakan ng mag-asawa na mag-trabaho sa abroad, upang makatulong na mai-ahon sila sa kahirapan. Ang kumare ni Aling Magda na si Cedy ang nag-alok nito, dahil may kaibigan siyang recruiter na taga Manila. Nagpumilit si Aling si Cedy na madala si Mila bunga ng malaking komisyon na makukuha niYA. Isang buwan lang na pag hahanda ng mga papeles, nagkaroon agad ng employer si Mila sa Homs, Syria.

Isinangla nila ang maliit na lupa at nangutang sa halos lahat na kapitbahay dahil sa kailangang placement fee at iba pang gastusin sa pagsasaayos ng mga papeles.

At ang natirang pera, ipinagpakatay nina Kardo ng baboy para pagsaluhan ng lahat – sa despidida party na nagaganap ngayon.

Libre ang pananghalian at bumaha ng alak sa limang kahon ng de kantong Ginebra San Miguel Gin ang pinagsasal...

1