Writings about pasaway (1)
1 of 1

Maverick

Submitted by on August 14, 2014 (2 years ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags: , ,

Isa nga akong kung tawaging pasaway,
Dahil sa iba raw ang aking paglakbay,
Di lang talaga nila batid ang pakay.

Aking gawi ng pag tingin sa sitwasyon,
Ay mayroong pag-iingat at hinahon,
Upang huwag masayangan ng panahon.

Hindi lang sa isang banda nakatingin,
Bawat anggulo'y binibigayan ng pansin,
Upang wag dumating na ako'y sulitin.

Madalas nga na iba ang opinyon ko,
Sa nakakarami'y hindi sumuswato,
Kaya napagkakamalan na magulo.

Oo ang tawag sa akin ay pasaway,
Pero hindi magulo ang aking buhay,
Ang mahalaga ay masaya kong tunay....

1