Writings about pasahero (1)
1 of 1

Exena Sa Jeep

Submitted by on December 13, 2015 (11 months ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags: , , , ,

Exena Sa JeepAng isinigaw ng kundoktor ay "tatlo pa,"
Akala mo totoo kaya sumakay ka;
Kumaway sya na dalawa pa sa kaliwa,
Pero hindi naman gumagalaw ang iba.
Nagsumiksik ka sa maliit na espasyo,
Na sakto lang sa isang pisngi ng puwet mo;
Tumingin ka sa kundoktor na tulungan ka,
Ngunit wala nang paki sayo o ano pa.
Tinanganan mi ng mahigpit ang hawakan,
Hiling mo nawa'y ang dyip ay magdahan-dahan;
Dahil baka kapag bumangking ng pakanan,
Ika'y mahulog sa 'yong kinauupuan.
Ang iyong mga binti ay nananakit na,
Malayo ka pa baka hindi mo na makaya;
At nang iyong tinignan ang iyong hilera,
Nabwisit ka lang sa iyong mga nakita:
Kaya pala nahihirapan kang umupo,
Natutulog yung hinayupak sa may dulo;
Yung babae sa kabila na nagkukwento,
At kasama nya'y katumbas ay limang tao.
Naisip mo "kung seswertehin ka nga naman,"
Kaya't iyo na itong pakakatandaan:
Ang kundoktor ay wag agad paniwalaan,
Lalong lalo na at bilangan ang usapan.

BXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXB
copyright2015... you are allowed to enjoy the poem but never,ever share it without the poet's approval. if you chose to post it else where, make sure to notify the poet and acknowledge him in your post. otherwise...

this poem was posted in the poet's fbpage.
...

1